Jhonel's POV
"Congrats"
Nilingon ko yung humawak sa balikat ko. Si Uhkan.
"T-Thankyou"
Nauutal ako. Nabubulol. Kung bakit? Hindi ko alam. Siguro dahil sa nararamdaman ko. Simula nung umalis sya lahat ng feelings ko nabaling na lahat kay Mae. Akala ko okay na lahat kasi gusto na namin ni Mae ang isat isa pero eto sya. Bumalik na sya mula ibang bansa. At ako? Eto. Nalilito ulit.
"So, you and Mae are finally in a relationship?"
Naglakad kami palabas ng room. Nagkakagulo kasi lahat ng tao. Pano ba naman hindi eh Champion pareho ang volleyball at basketball team namin. Kaya naman maaga palang nag c celebrate na sila.
"H-Hindi pa n-naman, B-But i think we're going there sooner or later"
"Congratulations for both of you"
Nginitian nya ko. Ngayon, wala na kong spark na naramdaman. Hindi na din bumilis ang tibok na puso ko. Got it. Si Mae talaga ang gusto ko. Nabaling lang siguro ang atensyon ko kay Uhkan.
"Thankyou and congratulations din sayo" Sabi ko saka binalik sa kanya ang ngiting binigay nya sakin kani kanina lang.
"H-Ha?" Nalilito nyang tanong.
"You will win the Ms.Intramurals later, right?"
Natawa sya sa sinabi ko.
"Of course" Sabi nya sabay kindat.
Nagtawanan naman kaming dalawa. Natigil lang yun ng biglang magsalita ulit si Uhkan.
"Ooops. I think Mae need you"
Lagpas ang tingin sakin ni Uhkan, ibig sabihin nakatingin sya sa likod ko. Nung paglingon ko nakita ko si Mae na hawak hawak ni Luhan sa braso at hinihila. Hindi pala hinihila. Kinakaladkad nya si Mae.
Nagtatakbo na ko at saka hinabol si Luhan at Mae. Naabutan ko naman agad sila bago pa sila makababa ng hagdan.
"Luhan nasasaktan sya bitawan mo nga si Mae!"
Sigaw ko saka tinanggal ang pagkakakapit ni Luhan kay Mae.
"Ano ba?! Wag ka ngang mangialam dito!"
Sigaw ni Luhan sakin. Tinago ko agad si Mae sa likod ko.
BINABASA MO ANG
When I found you
Teen FictionAno nga bang nangyari nung nakilala kita? My whole life changed since I've found you. Basahin sana ito ng mga bangag na naniniwala sa Poreber. Mwehehe When I found you By: eyem_lala