Chapter 5: Dandandan DALANDAN

154 16 0
                                    

"Mam... Mag c cr lang din po ako" Sabi ko kay Mam pero ang totoo, pupuntahan ko si Jhonel.


"Go ahead" Nakangiting sabi sakin ni Mam.


Pagkalabas ko ng room hinanap ko agad si Jhonel. Nakita ko sya sa may stage, nakaupo lang sya dun. Nilapitan ko sya.


"Problema mo?" Tanong ko at tinabihan ko sya


"Masyado akong gwapo" Tumingin sya sakin ng dahan dahan. Your killing me softly Valela.


"Aguuuy" Binatukan ko sya. Tumawala lang sya.


Natahimik kaming pareho. Nakatingin lang kami sa kawalan. Pareho kaming nag iisip.


"Sorry" Pambabasag ko ng katahimikan.


"Para san?"


"Hindi ko naman kasi alam na ganun pala ang buhay mo. Kasalanan ko kung bakit napilitan ka pang mag share sa mga kaklase natin. Kung alam ko ako na yu- " Naputol yung sasabihin ko nang nagsalita sya


"Wala kang kasalanan"


"Meron" Nalungkot ako bigla.. Nakaka guilty kasi >_____<


"Una, wala naman talagang nakakaalam dito na ganun pala ang buhay ko. Pangalawa hindi mo kasalanang nag share ako kasi pumayag naman ako e. Mas mabuti na din yung alam nila ang buhay ko para hindi sila nag eexpect ng kung ano ano sakin diba?" Nginitian nya ko.


Ngumiti na lang din ako.


"Sorry padin" Sabi ko.


"Hay nako Mae!" Ginulo nya yung buhok ko. "Sige, para makabawi ka sakin ka mamaya ilibre mo ko ng isaw!"


"Hikaw?"


"Isaw"


"I...saw?"


"Oo isaw."


"Ano yun? Damit ba yun? Sige ibibili kita mamaya sa mall" Nginitian ko sya


"Lul. Di no! Pagkain yun" Ngumiti sya sakin


"San nabibili yun? Sa starbucks ba? Matagal na kasi akong hindi nakakapag starbucks kaya hindi ko alam kung may bago ba sila-"


"Dyan lang sa kanto"


"Ha?" Naguguluhan ako -_____________-


"Basta!" Pinisil nya yung pisngi ko. "Tara na sa room"


Naiwan akong nakaupo habang nagiisip kung ano ba yung tikaw na yun. Ano kaya yun? Nakita ko na lang syang naglalakad kaya bumalik ako sa wisyo ko. Hinabol ko sya.

When I found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon