Mae's POV
"Ma, di po muna ko papasok"
Yan agad ang sabi ko kay Mama pagkababa ko sa kusina.
"Oh bakit naman Baby?"
DAHIL PO NAPAHIYA PO AKO KAY JHONEL KAHAPON. NAHULI NYA PO KASI AKONG NAKATITIG SA KANYA TAPOS NAKITA NYA PA KONG NAGBLUSH. GRABENG KAHIHIYAN ANG INABOT KO MAMA TT_________TT
"Ah eh..."
"Nako Renesmae. Magdadahilan ka na naman dyan ha. Nung huling di ka pumasok sabi mo may ulcer ka pero pagdating ko dito puro pagkain yung buong bahay at sabi ni Yaya Linda ikaw daw lahat ang kumain non"
"Pero ma ayoko talaga pumasoooook TT____TT "
"Magtigil ka nga Mae. Sige na magbihis ka na!"
Ayst -__________- Juskoooo! TT______TT
"Mae. Kaen ka mona bago mag alis deto"
Inilapag ni Yaya Linda yung sandwich sa mesa. Hindi kasi ako kumakain ng kanin bago magpunta sa school. Alam na lahat yun ni Yaya dahil sya na yung tagapag alaga ko mula pa nung Baby ako. Kasama namin sya lagi sa lakad naming pamilya. Kahit mangingibang bansa kami hindi naming iniiwan si Yaya. Para ko na din kasi syang Mama. Kahit na medyo sira yung pagsasalita nya dahil galing syang Iloilo, nag e effort pa din naman syang makausap ako ng ayos.
"Sige Yaya pakipatong na lang dyan. Kakainin ko pagkatapos ko maligo" Nginitian ko si Yay at ngumiti din naman sya sakin.
Pagkatapos ko maligo kinain ko agad yung sandwich at nagpahatid na ko sa driver naming sa School. Pagbaba ko pa lang bigla na agad akong nanghina. Ano naman kayang kabobohan ang gagawin ko mamaya? Hindi na ko pwedeng mapahiya sa harapan ni Jhonel. Hinding hindi na. Jusko -______-
Dumiretso na agad ako ng room at umupo sa upuan ko. Umubob ako. Wala talaga ko sa mood para pumasok. Hindi pa ko nakakarecover kahapon.
"Uy Mae!" Biglang may pumalo ng notebook sa ulo ko. Ang shaket ah T____T
"Uhkan naman e!" Humalumbaba ako.
"Problema mo?"
"MADAMI"
"Madami ba si Jhonel?" Nilapit nya yung upuan nya sa upuan ko.
"WAAAAAH!" Umubob ulit ako.
"Ano ka ba Mae? Ok lang yan. Atleast alam na nya na crush mo sya. Biro mo yun, 9 years mo syang crush tapos sa wakas! Napansin ka na din nya!"
"Nakakahiya kasi yung ginawa ko kahapon" Sumimangot ako.
BINABASA MO ANG
When I found you
Teen FictionAno nga bang nangyari nung nakilala kita? My whole life changed since I've found you. Basahin sana ito ng mga bangag na naniniwala sa Poreber. Mwehehe When I found you By: eyem_lala