A/N: Mahaba po itong Chapter na to :) Keep on reading salamat ^_^
Mae's POV
Maaga akong gumising para maghanda ng susuotin ko. Intamurals na ngayon at player ako ng Volleyball team namin. Kaylangan naming pag igihan ang play namin lalo na at seniors na kami. Three years straight champions na kami at nakakahiya naman kung ngayon pa kami matatalo. Pumasok ako ng naka pants at naka blue tshirt lang. Yun kasi yung color coding namin e. Nilagay ko lang yung mga susuotin ko mamaya sa bagpack ko. Kumain lang ako ng sandwich tapos nagpaalam na ko kay Mama na aalis na ko.
"Mae?!" Nakita ko si Uhkan na sumigaw at kinakawayan ako.
Nilapitan ko sya.
"Ang ganda mo naman" Sabi ko sabay taray sa kanya.
Sya kasi yung muse namin e. Ang ganda naman talaga ni Uhkan. Sabi ni Mam Red pang basketball daw yung dapat na isusuot lahat ng muse, si Uhkan naka blue pairs lang ng jersey. Kahit simple lang yung suot nya ang ganda parin talaga ni Uhkan. Bumagay pa sa kanya yung light make up nya. Ang fierce tignan.
"Ikaw naman, small thing" Kinindatan pa ko ni Uhkan.
"Che. Galingan mo mamaya ha"
"Oo naman. Teka, bakit hindi ka pa nakasuot ng pang volleyball mo?"
"Mamaya pa naman magsisimula yun e saka pinagtitinginan ako ng mga lalaki kapag yun ang suot ko. Naasar lang ako"
"Sa bagay. Syempre bukod sa ikaw ang four straight year MVP, ang ganda ganda pa ng legs mo. Hindi katulad nun oh"
Ngumuso sya na parang may tinuturo sa likod ko. Pagtingin ko, si Claudine. Binalik ko yung tingin ko kay Uhkan tapos tinaas ko yung isa kong kilay.
"What?! Totoo naman ah. Puro peklat kaya yung legs nyang babaeng y- " Pinutol ko yung sasabihin ni Uhkan.
"Hindi ka pa din nakakamove on?"
"Of course naka move on na ko! Di ko lang magets kung bakit dyan pa ko pinagpalit nung lalaking yun"
"Baka mas masarap sya" Tumawa ako pagkatapos kong sabihin yun.
"Siguro nga. Whatever. Hindi ko basta ibibigay ang bataan ko sa kanya"
Napatawa ako lalo sa sinabi ni Uhkan.
"Hey Mae!" Napatingin kaming dalawa ni Uhkan sa tumawag sakin.
"Mam Red?"
Lumapit samin si Mam Red.
BINABASA MO ANG
When I found you
Teen FictionAno nga bang nangyari nung nakilala kita? My whole life changed since I've found you. Basahin sana ito ng mga bangag na naniniwala sa Poreber. Mwehehe When I found you By: eyem_lala