Chapter 8: PISO

84 16 2
                                    

Mae's POV


Pagkatapos naming madala ni Luhan yung pinapadala ni Mam sa section 8, nagdiretso na ulit kami sa Room. Nagtataka nga ako kay Luhan kasi andami nyang tanong sakin, kung ano daw paborito kong pagkain, paborito kulay, paborito kong lugar, kung ano daw ginagawa ko sa bahay tuwing saturday and sunday, kung mahilig daw ba ko sa pusa, kung ano daw favorite movie ko. Kulang na lang itanong nya na din kung ano brand ng panty ko e -_____-


Bago ako pumasok ng room tinignan ko muna yung pintuan. Nandun kasi yung schedule ng subjects namin ngayong darating na 3rd grading.

Dalawang subjects bago kami mag lunch, Math at Science. Since si Mam Red ang adviser namin, first subject namin sya sa umaga. Values lang naman yung tinuturo nya. Tapos yung iba naming subjects, AP,TLE,English at Filipino sa hapon na.


Pagkapasok ko umupo agad ako sa upuan ko. Nakita ko yung nakasulat sa board.


Schedule of Second Quarterly Exams. Thursday and Friday.


One week na lang pala mag t third grading na. Ang bilis naman. PArang kelan lang mga uhugin pa kami pero ngayon malapit na namin matapos ang high school life.

Pumasok si Mam Red sa room. Bakit sya nandito? Dapat Math kami ngayon ah.


"Class, magiging busy kami ng mga teachers today"


"Mabuti naman"

"Salamat naman"

"Sana araw-araw ganyan"


Mga kaklase ko talaga -________-


"Pagkatapos ng second periodical exam nyo, intramurals na"


"Whooooo!"

"Yun oh!"


Sabi sakin ni Uhkan nalate daw yung intamurals namin dahil sa mga teachers. Yung iba daw kasing teacher hindi na nagtuturo porket alam nilang si Uhkan ang nag mamanage dito. Mabait si Uhkan, pwede lahat dito pero gusto pa din nyang may natutunan ang mga estudyante. Nung first periodical halos lahat daw nahulog at ang nirereklamo nila ay hindi naman daw nagtuturo ang mga teachers. Kaya pinatalsik ni Uhkan yung mga teachers na hindi nagtuturo. Buti na lang yung mga subject teachers namin hindi ganun, takot na lang nila kay Uhkan no.


"Remain here inside of your room. Walang lalabas okay?"


"Yes mam" Sagot namin lahat


Lumabas na si Mam sa room at nagingay na yung mga kaklase ko. Ganito naman talaga pag high school diba? Paglabas ng teacher magiingay tapos pagkapasok mag ttransform na ulit sa mga mababait na bata.


Tatayo na sana ako para puntahan si Uhkan sa upuan nya pero may bigla akong narinig na kumakanta.


Si Luhan...


(Lego House by: Ed Sheeran)


I'm gonna pick up the pieces and build a Lego house

If things go wrong we can knock it down

My three words have two meanings but there's one thing on my mind

It's all for you...



Magaling sya kumanta. Tapos nag gigitara pa sya. Napatitig ako kay Luhan.


And it's dark in a cold December, but I've got you to keep me warm

If you're broken I will mend ya and keep you sheltered from the storm that's raging on, now...


Tumigil sya sa pagkanta at pag gigitara. Tapos nagulat ako nung tiningnan nya ko.


"Baka matunaw ako nyan?"


Napangiti na lang ako tapos nilapitan ko sya. Umupo ako sa tabi nya.


"Ituloy mo" Sabi ko


"Sabayan mo ko" Nakangiti sya sakin. Ang gwapo nya pala *____*


Tumango lang ako tapos nginitian ko sya.


Magkasabay naming kinanta yung chorus.



I'm out of touch, I'm out of love

I'll pick you up when you're getting down

And out of all these things I've done, I think I love you better now

I'm out of sight, I'm out of mind

I'll do it all for you in time

And out of all these things I've done, I think I love you better now, now


Bigla kaming nagkatinginang dalawa. Ngumiti sya sakin, napatingin ako sa labi nya. Ow my Lord ang pula *_____*


"Ahmmm" Napalunok ako


"Your so pretty" Bigla akong namula. Nangangamatis na yung pisngi ko.


"T-Thankyou" Yumuko ako. Nakakahiya naman kay Luhan >____<


"Wag kang yumuko" Hinawakan ni Luhan yung baba ko tapos tinaas nya para magkatinginan kaming dalawa.


Dug dug dug dug dug. Para yung puso ko lang yung naririnig ko. Parang sasabog ata ang puso ko. Jusko.


"Uy may PISO"


Nagulat na lang ako ng biglang sumingit sa gitna namin si Jhonel at pinulot yung piso sa may sahig. Bat naman nagka piso dun?!


"Ay sorry" Sabi nya pagkatayo nya. Tumingin sya sakin,kay Luhan, sakin tapos kay Luhan ulit. "May piso kasi e" Pinakita nya samin yung piso.


PANIRA NG MOMENT -________-





When I found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon