Chapter 2: Nakaw tingin

158 21 0
                                    


"Kayong dalawa ni Jhonel? Magkaibigan?! Oh cmon" Kausap ko si Uhkan ngayon sa Room. Wala pa si Sir Sigfrey para sa quiz namin sa math.

"Oo nga kasi. Mamaya ko na ikukwento sayo ha. Magreview ka muna sa math" Sabi ko habang nagbabasa ng libro

"E diba nga patutularin mo ko?"

"Hindi na kaya magreview ka na"

"Ang daya mo! Porket magkaibigan na kayo hindi mo na ko patutularin? Ganon? Ganon?"

"Oo ganon"

"MAE!"

"Joke lang! E kasi naman ang kulit kulit mo dyan"

"E pano nga kasi kayo naging magkaibigan?" Hinablot nya sakin yung librong binabasa ko.

"Nagkataon lang na nagrereview ako sa library tapos nandun din sya! Yun. Basta ganun!"

"Hala beh? Friends at first sight ang peg?"

"Matagal ko na syang nakikita kaya hindi first sight yun" Kinuha ko sa kanya yung libro ko.

"E ano?"

Sasagot pa dapat ako pero bigla ng dumating si Sir Sigfrey kaya nagsibalikan na lahat sa upuan nila. At oo nga pala, katabi ko si Uhkan.

"Oy Renesmae Rodriguez. Lamona ha" Kinindatan pa ko ni Uhkan

"Okay Roxanne Dianne Jimenez" Tapos inirapan ko sya.

Si Roxanne. Sa lahat ng mga kaibigan ko, sya talaga yung masasabi kong Totoo. Yun bang REAL na REAL. Kapag may kaaway ako mas galit pa sya sakin, yun bang uunahan nya pa kong manapak. Sya yung ready to fight basta kasama ako. Tamad man sya magaral pero matalino naman sya. Madalas gumagana yung utak nya kapag kalokohan yung iniisip. Mula pagkabata kasama ko na sya. Sya yung kasama ko ng maranasan ko ang first crush ko, first love, first heartbreak, pati nga nung unang araw ng pagdadalaga ko sya din yung kasama ko. Para ko na syang kapatid.

"Oh nagagandahan ka ba sakin?" Tanong ni Uhkan. Nahuli nya kasi akong nakatitig sa kanya.

"Susmiyo marimar" Inirapan ko ulit sya.

Tumawa lang sya kaya napatawa na din ako.

"Class tahimik" Mahinahong sabi ni Sir Sigfrey. Sya yung teacher naming sa math. Hindi naman sya terror pero pag nagsabi sya ng TAHIMIK, tatahimik talaga kaming lahat. Ewan ko ba kung bakit.

"Iho pasok ka" biglang pumasok ang isang napakagwapong nilalang sa room namin.

"Oh my" Sabay naming sabi ni Uhkan tapos nagkatinginan pa kami. Nagbulungan yuhg mga kaklase naming, especially yung mga haliparot naming kaklase.

"Sino sya?"

"Transfer ba yan?"

"Ang gwapo naman"

"Magiging boyfriend ko yan"

"Mukang malaki yung ANO"

"Ang tangos ng ilong"

"Kuya anakan mo ko"

Anak ng tokwa ano bang pinagsasasabi nila? -_____________-

"Sir magiging kaklase po ba natin sya?" Tanong agad ni Uhkan kay Sir.

"No"

"Then why he's here?"

"Jhonel will just take my exam here in your room. Nauna na kasi mag quiz ang section 3 kahapon. Kaya hindi na sya makakakuha so i decide na dito na lang sya kumuha ng quiz"

When I found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon