Chapter28: Best Boyfriend

59 6 10
                                    

Mae's POV

"Wake up princess"

Nagising ako ng marinig ko ang boses ni Mama. Sumalubong naman sakin ang magandang ngiti nya.

"Its 7:00 already. 7:30 ang pasok mo diba?"

Tumango lang ako.

"Ayoko po munang pumasok"

Nilayo ko yung tingin ko kay Mama.

"Why?"

"Im not feeling good"

"Is it about Luhan? May nangyari ba kagabi?"

"Ma, can you please fucking stop saying Luhan's name?"

"Im sorry anak. Take rest. I will call your teacher and tell her that you can't go to school today"

"Wag na Ma, nagbago na ang isip ko. Papasok na ko"

Tumayo ako saka nagdiretso ng banyo para maligo. Sumubo lang ako ng konti saka nagpahatid na kay Kuya Reylan papuntang school.

Pagkadating ko ng school umupo agad ako sa upuan ko. Wala ako sa mood. Haist.

"Goodmorning class"

"Goodmorning Mam" sabi naming lahat.

"Sinong absents?"

"Si Lea, Lloyd, Andrew at Jhonel po"

Napatingin ako sa upuan ni Jhonel. Liban sya?

Napatingin naman ako kay Uhkan. Nagkibit balikat lang sya. Sign na wala syang alam sa pagliban ni Jhonel. Napabuntong hininga na lang ako. Badtrip.

"Mam! Di po ako liban!"

Napatingin kaming lahat sa lalaking nasa pinto.

Bakit pumasok pa sya? Tss.

Umupo sya sa upuan nya, magkatabi kaming dalawa. Hindi man lang nya ko iniimikan?!

"Uy Jhonel tara sa plaza mamaya! Maraming chicks dun! May dance contest kase!" Sabi nung katabi nya.

"Talaga?! Sige Sige!"

HA?! WHAT?! SASAMA SYA?! DI MAN LANG SYA NAGPAPAALAM SAKIN. BULLSHIT.

Nagrecess na. Hindi pa din nya ko iniimikan.

Bumili na lang ako ng pagkain sa canteen at umupo sa may table katabi si Uhkan.

"Gusto mo?" Nakita ko yung lalaking nasa harap ko. Si Jhonel. Binibigay nya yung burger. Aabutin ko na sana pero..

"Uhkan gusto mo ba?"

Si Uhkan pala yung inaalok nya. Umiling lang si Uhkan. Nananadya ba sya?!

Pagkatapos ng recess bumalik na kami sa room. Nagpa group activity yung teacher namin at pagka minamalas ka grupo ko pa si Jhonel.

Pinabilog nila yung mga magkakagrupo. Uupo na dapat ako sa upuan ko pero biglang umupo si Jhonel dun.

"Bat ka nakaupo dyan?"

"Pake mo?"

"Eh upuan ko yan e!"

"Binili mo?"

Tinarayan ko lang sya saka umupo na lang dun sa upuan ng liban. Nagsimula na yung group activity.

Napatingin ako sa kanya tapos nakangisi lang sya. Problema nya?!!

Natapos yung group activity ng hindi kami nagiimikang dalawa. Paki ko ba?

Natapos ang lahat ng subjects namin na puro barahan lang ang nangyari saming dalawa.

Nung lunch na hindi nya man lang ako nilapitan. Badtrip.

When I found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon