CHAPTER 16: BASKETBALL AND VOLLEYBALL COMPETITION

75 13 1
                                    


 

Mae's POV

 

Nagising ako sa sinag ng araw. Unti unti kong minulat yung mata ko.


"Mae gomeseng ka na daw sabe ne Mem. Maaga ka pa daw para sa skol entrams nenyo"


Sabi ni Yaya na may dala dalang sandwich. Bumangon ako sa kama ko. Tiningnan ko yung orasan sa kwarto ko. 7:00 palang naman e. Isang oras pa.


"Sige Yaya. Liligo lang ako, pakiiwan na lang dyan yung sandwich sa table"


"Sigi"


Lumabas na si Yaya sa sa kwarto ko. Hinanda ko na yung mga gagamitin ko mamaya. Buti na lang dalawa yung pinagawa kong unifom ng volleyball, may maisusuot pa ko mamaya sa laro namin. Kinakabahan ako.


Pagkatapos ko maligo nagsuot lang ako ng floral shorts at v-neck na color green tshirt. Para mas madali na ding magpalit mamaya at para magaan sa pakiramdam. Kinain ko yung sandwich sa table ko tapos dumiretso na ko sa baba. Gusto ko munang uminom ng gatas.


"Princess" Bati sakin ni Papa


"Goodmorning Pa" Tapos hinalikan ko si Papa sa pisngi


"Mag v volleyball ka ba ngayon?"


"Yes Pa"


"You should do your best"


"Of course Papa"


Umupo na ko sa upuan.


"Goodmorning Princess" Bati sakin ni Mama, galing sya sa kusina, nag bake siguro sya ng brownies.


"Goodmorning Ma"


"Goodluck later. Do your best"


"Yes Ma" Nginitian ko si Mama. Ngumiti din naman sya sakin.


Tiningnan ko si Mama at Papa. Masaya silang kumakain. Nakatuwa lang kasi hindi sila nawawalan ng oras sa isat isa kahit na medyo busy sila sa mga trabaho nila. Si Papa madalas wala sa bahay, minsan gumigising ako ng umaga ng wala na sya sa  bahay. Si Mama naman, nandito lang lagi sa bahay. Ayaw ni Papa na nag ta trabaho sya. Sabi ni Papa, sya daw yung lalake kaya sya dapat yung naghahanap buhay. Nitong nakaraan hindi na kami masyado nakakapag family bonding dahil sa sobrang busy naming lahat.


"Anak kain ka na" Natauhan ako ng yayain ako ni Papa kumain.


"I just want to drink milk dad" Nginitian ko si Papa. Ngumiti din naman sya sakin. Pagtingin ko kay Mama nakangiti din sya sakin.


"Yaya! Give our Princess a glass of milk" Sigaw ni Papa


"Yis Ser" Mabait naman na sabi ni Yaya.

When I found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon