Chapter 13: JEALOUS?

62 12 2
                                    


Mae's POV.

 

"Uhkan, kainin mo to masarap to" Sabi ni Jhonel kay Uhkan. Umiling lang si Uhkan. Ayaw nya talaga ng street foods.

"Pumikit ka tapos saka mo isubo" Inabot ni Jhonel yung isaw kay Uhkan.

Ganon nga ang ginawa ni Uhkan. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

"Masharap" Sabi ni Uhkan pagkatapos nyang makain yung isaw. Ngumiti silang pareho sa isa't isa.

"Sarap no?" Sabat ko sa kanilang dalawa.

Sunod naming kinain yung kwek kwek. Paborito ko din to. Gusto ko yung sawsawan na may sauce tapos may suka. Maasim- asim pero sobrang sarap. Tig da dalawang piso lang to kaya madami talaga kong makakain.

"Sige na! Masarap nga to! Ganon ulit yung gawin mo. Pumikit ka tapos saka mo isubo" Sabi ni Jhonel kay Uhkan. Umiling lang si Uhkan.

"Sige na oh. Pikit ka" Pumikit naman si Uhkan "Aaaaaah" Binuka ni Uhkan yung bibig nya tapos sinubuan sya ni Jhonel. Nilayo ko yung tingin ko sa kanila.

Bakit ganon? Bakit ganito yung nararamdaman ko?

Siguro gutom lang ako. Kumain lang ako ng kumain ng kwek kwek. Tuwing titingnan ko si Uhkan saka si Jhonel parang may spark yung tinginan nila sa isat isa. Nakakaasar.

Hinawakan ni Jhonel yung braso ni Uhkan. Tiningnan nya yung relo ni Uhkan.

"Uy ala singko na. Baka gabihin kayo" Sabi ni Jhonel.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Tiningnan ko yung oras. Ala singko na nga

"Ihahatid ko na kayo sa labas. Delikado dyan sa eskinita pag gabi" Sabi ni Jhonel tapos naglakad na sya.

Nauna sya samin ni Uhkan. Nasa likod kaming dalawa. Nakatingin lang ako sa likod ni Jhonel habang naglalakad sya. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Ang weird. Siguro pagod lang ako.

 "Aray!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Uhkan. Napaupo sya sa lupa. Natigilan ako sa sobrang gulat ko. Nakatulala lang ako. Parang na blangko ata yung utak ko.

"Uhkan!" Dali daling lumapit si Jhonel kay Uhkan.  "Anong nangyari?" dagdag pa nya. Kitang kita ko sa mga mata nya na nag aalala sya.

"Para kasing may naapakan ako e" Sabi ni Uhkan na halatang nahihirapan magsalita.

Inalalayan sya ni Jhonel paupo dun sa malapit na tindahan. Tinanggal nya yung sandals ni Ukhan. Cinderella ang peg?

"Mae hawakan mo to" pinahawak nya sakin yung sandals ni Uhkan. So kaylangan ako talaga ang maghahawak? Kinuha ko na lang yun. No choice naman ako e, saka wala naman akong maitutulong sa kanila e. Edi maghahawak na lang ako ng sandals. Tsss.

When I found youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon