Dumiretso si Jeremy sa bahay nila.
Its a two storey house painted white and gray.
May mahabang sofa sa living room at dalawang single seater. Nakakwadro duon ang ilang larawan ng mga ancestors niya.
Pinakamalaki dito ang larawan ni Derick Estreble. Tuwing nakikita ito ni Jeremy he felt hes drawn to the painting. Singkit ang mata nito at matangos ang ilong. Lahing russian daw ang ama nito.
He was the leader of Half Moon serving the town like the sherrif.
Ayon sa lolo niya nuong maliit pa siya, napaka istrikto daw nito. Pero yun din ang naging dahilan ng kalungkutan nito na siyang kumitil sa sariling buhay.
Nilagpasan niya ang living room at dumiretso sa kwarto niya. Everything is the same. Parang walang gumalaw sa mga gamit na naiwan niya for the past fourteen years.
Nasa pack house ang mga labi ng grandfather mo..
Naalala niyang sabi ni Aaron.
Olds. Are you here?
Naririnig mo ba ako?
Natawa si Jeremy sa sarili he is not a fan of spirits or ghosts. Living in the 21st century doesnt permit his mind to still believe in myths or legends.
Naguguluhan lang kasi siya sa sarili niya lately.Wala namang ibang masabi ang duktor kundi magpahinga. He feels himself changing. One time he saw his eyes change from brown to yellow. He was stunned. Pero saglit lang yun at di na muling naulit.
Nang ikwento na ito sa uncle Harry niya sinabi lang nito na its part of being mature. He is evolving daw.
Evolving? Parang Pokemon ganun?
Then he suddenly felt anger burst from him because of frustration.
He went back to his office and the slam his fist on his desk. Then kablaam! It was broken in two.Kaya ngayon naka leave siya.
Pero ang una pala niyang magagawa habang nagpapahinga ay ipalibing ang lolo niya.
He lie down on his bed and close his eyes mamayang gabi daw ang libing. Which he finds ridiculous kasi madilim na. Pero hinayaan na niya. It might be an old custom and hes not aware of it.
Bumibigat ang talukap ng mga mata niya ng marinig niya ang pamilyar na boses ni Sarah.
Napadilat siya. Naririnig niya itong nagsasalita from somewhere in the house. Napatayo si Jeremy at parang wala sa sariling lumabas ng kwarto.
He found himself holding on the doorknob of a room. Para siyang nagising sa pagkakatulog. Nagtaka siya. Papunta siya sa attic.
Narinig na naman niya ang boses ni Sarah. Sa kabila ng pintong kinatatayuan niya.
Sarah. Sino ka ba.
I have to find out.
Pinihit niya ang seradura ng pinto.
Lalong lumakas ang boses na naririnig niya. Tila may nag aaway sa loob.Nagulat siya ng makapasok sa loob niyon. Hindi pala paakyat sa attic ang pinto. Its another room. Malaki at may kama sa gilid nito. Mayruon naman mesa at upuan sa kabilang gilid.
Maliwanag ang sikat ng araw na pumapasok sa skylight na strategically ay nakalagay sa bubong. So the room is well illuminated during day time.
Napako ang tingin niya sa mesita. May mga sulat sa ibabaw nito.
Mula kay Derick para kay Sarah?
Magkakilala ang ancestor niya at ang babaeng napapanaginipan niya.
.
.
How can that happen?
Sino ba talaga si Sarah?
And most importantly why is he changing? Evolving as per uncle Harry.Suddenly he felt himself becoming hot. He can feel a sudden burst of heat coming from his chest growing towards his arms.
Aah... Noo...wha- .....ahhhh!
Napasigaw siya. Pakiramdam niya nagbabaga ang buong katawan niya.
Then he felt his eyes throwing heat.
Nag iba ang tingin niya sa paligid at napaatras siya.
Jeremy!
He heard someone calling him through the haze.
Uncle Harry.....
Jeremy calm down! Awtorisado ang boses nito.
Napalingon siya sa pinto. Nakita niya ang uncle Harry niya at si Aaron na nagaalalang nakatingin sa kanya.
Make...it...stop....ahhhhhh!
Sigaw niya. Napaluhod siya sa sahig at nagulat siya ng makitang humahaba ang mga kuko niya.
Nahintakutang napatingin siya sa uncle niya.
Whats happening...?
Bigla niyang naramdaman ang pinaka matinding init mula sa dibdib niya.
His teeth is growing and he started growling.
Napatigil lang siya ng makitang nakatitig sa kanya si Derick mula sa pinto. Tahimik na nakatingin. Dahan dahang lumapit.
Parang slowmotion na pelikulang napapanuod niya. Lumapit ito at hinawakan ang dibdib niya.
Calm down Jeremy.
Sino ka?
Im Derick. Your wolf.
Welcome home.Dumilim ang paligid niya at unti unti siyang nabuwal sa sahig. Naririnig niyang tinatawag ng uncle Harry niya ang pangalan niya.
Derick...wolf...
=========
Derick the wolf Jeremy's wolf form
BINABASA MO ANG
Last Dance
Werewolf#137 current rank mate as of 7Jan2019 What will happen when the past meets the future? CAST : BurningFoxy as Sarah / Denisse LeeJongHyun as Derick KangMinHyuk as Jeremy