-32

154 3 0
                                    

Kanya kanyang shift ang mga wolf. Ang iba ay naghanap ng makakalaban. Gayunman meron ding ilan na tumalilis at iniwan ang laban. Nanduon lamang sila para mapanuod ang selebrasyon pero ng makitang marami ang pinagsamang pwersa ng mga nila Harry at Alpha Jarret, nagsitakbo ito palabas ng kweba.

Isang malaking black wolf na may gray stripe sa batok ang humarang kay Jeremy. Tumaas ang balahibo niya sa leeg.

Rouge! Sigaw ni Derick.

Ngaaarss! Nagngangalit ang ngipin ng wolf. Dinamba nito ang gray wolf pero mabilis na naka iwas si Derick. Agad nitong sinagpang ang paa na malapit sa kanya. Umiilaw ang dilaw na mata ni Derick.

Puno ng galit ang dibdib niya sa mapangahas na ginawa ng mga ito. Sinaktan nito ang kanyang pack at kinuha si Sarah.

Isa pang wolf ang sumali sa kanila at agad na kinalmot ang tagiliran niya. Kusa niyang ibinagsak ang katawan sa lupa at saka mabilis na gumulong palayo sa bagong dating. Tiniis niya ang hapdi ng sugat. Agad niyang sinugod ito pero umiwas ang rogue. Nang makakuha ng tiyempo, agad niyang kinagat ang balikat nito. Pinilit siyang ipinagpag ng rogue pero hindi bumitaw si Derick. Nalasahan niya ang dugo nito at lalong napuno ng galit ang dibdib niya.
Iwinasiwas niya ang rogue saka sinipa sa tiyan. Naiwan sa pagitan ng ngipin niya ang laman mula sa balikat nito. Duguang bumagsak ang rogue. Hindi pa nasiyahan nilapitan ito ni Derick saka pinuntirya ang lalamunan. Walang buhay na binitawan niya ito at agad namang itong bumalik sa katawang tao.

Nagtaas ng tingin si Derick agad niyang hinanap si Sarah subalit wala na ito sa kinauupuan. Inilibot niya ang tingin at saka nagmamadaling sinundan ang 'scent' nito.

Nang maamoy niya ito sa di kalayuan ay agad siyang tumakbo. Isa pang di pamilyar na amoy ang nahuli ng ilong niya. Hawak ng isang rogue si Sarah!


" Harry! Bakit hindi mo na lang tanggapin na akin si Sarah!" Galit na galit si Keith.

" Keith. Labag sa pack law ang ginawa mo! May mate na ang taong hawak mo!" Nagtatagis ang bagang na sagot ni Harry sa dating kaibigan.

" ako ang mate niya!"

" Si Jeremy ang mate niya. Keith kung ibabalik mo lang ng maayos si Denise..."

Pinutol ng pagsigaw ni Keith ang iba pang sasabihin ni Harry.

" akin siya! Akin si Sarah!"

" keith...!"

Sumugod agad ang rogue na si Keith kay Harry. Kahit saan tingnan ay malaki ang posibilidad na matatalo ito. Bukod kasi sa malaki ang wolf ni Harry, mayruon din siyang alpha blood kayat mas mabilis at malakas siya sa kaaniwang shifter wolf.

Sumugod siya kay Keith. Sunod sunod na kagat at sipa ang ginawa niya. Pinilit namang lumaban si Keith, pero wala siyang laban. Biglang na lang siyang ngumisi na tila nakakaloko.

" kawawa ka naman Harry.. Paano mo ikokonsola ang pamangkin mo ngayon?"

" a-anong ginawa mo?" Nanghihinang napaluhod ang wolf ni Harry na si Jedi.

Harry..m-masama ang pakiramdam ko... Napaungol ng malakas si Harry ng sunod sunod na kagat ang naramdaman niya. Bahagyang naidilat ang mga mata niya at nakita niyang nakangisi si Keith. Nakashift na ito sa pagiging tao hawak hawak ang isang poison dart.

" hindi mo ginagamit ang talino mo! Wala ka ng magagawa magiging akin si Sarah ngayong gabi!" Sa nanlalabong mata ay nakita pa niya ng patakbong inilayo ni Keith ang nanghihinang dalaga.

" J-jeremy..." Iyon lang ang nabigkas nya. Sigurado siyang silver ang dart na ginamit sa kanya. Idagdag pa ang wolfsbane na ipinahid dito. Ramdam na ramdam ni Harry ang pagdaloy nito sa ugat niya.

" alpha!" Agad na dinaluhan ni Terrence ang kaibigan. Nag utos naman si alpha Jarret para maipon ang mga sumukong wolf. Maraming nagkalat na patay na wolf sa buong lugar ng ilibot nito niya ang paningin sa paligid.

Naamoy ng mga taga HalfMoom ang dugo ng kanilang lider kayat umalulong sila ng malakas. Napahinto ang ilang rogue pero bago pa muli itong kumilos napalibutan sila ng mga taga HalfMoon.

Kailangang maipaghiganti ang alpha! halos iisang tao na sumugod ang mga ito. Bawat rogue na madaanan ng pack ay tumutumba na walang buhay.

Nagkatotoo ang sinabi ni Ysadora nagkulay pula ang lupa!


Agad na hinanap ni Aaron si Jeremy at Sarah pero wala sila sa paligid. Labing limang wolf mula sa HalfMoon ang ipinasama ni Terrence para hanapin ang dalawa at hulihin si Keith. Agad silang tumakbo sa kakahuyan.

-------

Hello thanks sa mga naghintay ng update pasensiya na kung sobrang tagal bago nadugtungan.

Malapit ng matapos ang Last Dance.

Comment and vote!

~princess_piglet

Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon