-29-

142 5 0
                                    

"Sarah tulungan na kita.."

Napangiti si Sarah ng makita ang kababatang si Reggie. Reginald Athinon ang pangalan nito. Taga Texas ang pamilya nito at lumipat sa Sorrento nuong limang taon pa lamang siya.

Madalas siyang pinaiiyak ng mga kaklase sa kanilang eskwelahan dahil siya ang pinaka maliit. Si Reggie ang palaging nagtatanggol sa kaniya.

"Salamat. Oh anu yan bakit may pasa ka na naman?" Nag aalalang tanung niya sa kaibigan.

" wala lang to."sagot ni Reggie.

Hinila ni Sarah ang kaibigan at pinaupo sa sofa ng makarating sila sa bahay. Nilagyan niya ng cream ang pasa nito at nilinis ang sugat sa  kamay.

" sabi ko wag ka ng nakikipag away di ba?" Tiningnan lang siya ni Reggie saka bahagyang natawa.

" masyado kang nag aalala sakin Sarah baka mainlab ka na niyan ng todo!" Panunudyo nito.

Namula si Sarah at agad na lumayo sa kaibigan. Nawala ang ngiti mi Reggie. Sinundan niya ito at saka marahang ihinarap sa kanya.

" Sarah...nagbibiro lang ako."

Umingos si Sarah. Mula ng maging labinglimang taon siya at labing anim naman si Reggie, palagi na siya nitong binibiro. Nagpapalipad hangin dito na nagdudulot ng kaba sa kanyang dibdib.

"Pikon." Tudyo sa kanya ni Reggie saka marahang pinisil ang ilong niya.

" nakakainis ka kasi eh." Reklamo niya bago tumingin dito. Nangunot ang noo niya ng makitang malungkot na nakatingin si Reggie sa kanya.
" bakit ? "

Nagbuntung hininga muna ito. "Sarah aalis ako."

"Hah? Saan ka pupunta?"

" k-kailangan kong bumalik sa Texas. M-may naiwan kasi kaming... mahalagang bagay dun." Nakayuko ito at di makatingin ng diretso sa babae.

" babalik ka ba?" Malungkot na rin ang boses ni Sarah.

" pangako...babalik ako." Hinawakan ni Reggie ang baba ni Sarah para matitigan ang mata nito. " pagbalik ko may sasabihin ako sayong importante."

Tumango ang dalaga. Niyakap niya si Reggie ng magpaalam ito. Ngayong gabi na kasi ang alis ng binata kasama ang kaniyang ama. Maiiwan ang kapatid nitong babae at ina sa Sorrento.

Pumunta siya sa library para manghiram ng libro kinabukasan. Halos sabay pa silang humawak sa pinto ng isang lalaki pero ng pinauna siya nito ay yumuko lamang siya.

Agad siyang lumapit sa librarian at nagbigay ng ID saka naman ito nagbigay sa kanya ng book card.

Naglakad siya papunta sa History section at agad niyang hinawakan ang buhok ng pumaling sa kanya ang bentilador.

Napangiti siya ng maalala ang sinabi ni Reggie. " babalik ako."

Nahanap siya ng libro pero nasa mataas na pwesto ang gusto niyang mabasa.

Napilitan tuloy siyang tumuntong sa isang mababang upuan. Pero kahit ganun, kulang pa rin ang taas niya. Tumingkayad siya at napa apak sa gilid ng upuan. Gumewang iyon. Napapikit si Sarah.

Pero ang hinihintay niyang paglagabog niya sa semento ay hindi nangyari.

Dumilat siya abot abot ang kaba sa dibdib.

Isang pares na tsokolateng mata ang nakatitig sa mukha niya. Napasinghap siya para siyang hinihigop ng isang ipoipo at bahagya siyang nahilo. Saka niya narinig ang mahinang tinig nito.

Mine.

Mula nuon,madalas na silang magkita ng lalaki. Derick ang pangalan nito. Isa daw itong Alpha ayon sa kanyang ama. Ito amg lider ng isang grupo ng mga wolf na nakatira sa HalfMoon Grove. Isang bayan sa Sorrento na malayo sa bayan nila Sarah.

Naikwento niya rito ang tungkol sa kaibigan niyang si Reggie. Aliw na aliw si Derick sa mga kwento niya. Sinabi pa nito na kapag nagkita sila ay magpapasalamat ito sa mga naitulong kay Sarah mula pa ng maliliit sila.


Malambing si Derick. Madalas ay ipinapasyal niya si Sarah sa park. Hes so strong as evidenced by his muscular build, pero kapag sila lang dalawa napaka gentle nito.

Ilang linggong pabalik balik si Derick sa kanila. Hanggang sagutin niya ito at maging nobyo.


Walang pagsidlan ang saya sa puso ni Sarah sa tuwing nandiyan si Derick.

Nakaupo sila sa park isang araw. Iniwan siya ni Derick para bumili ng icecream. Nagulat siya ng dalawang matipunong bisig ang yumakap sa kanya. Napangiti siya.


" ikaw Derick ha. Palagi ka na la g nanggugulat." Nakatawang sabi niya sabay lingon. Nanlaki ang mata niya ng mapagsino ang nasa harap niya.


"Reggie!" Agad niyang niyakap ang kaibigan.


" Sarah. Na miss kita!" Niyakap siya mg mahigpit ni Reggie. Naramdaman niya ang paghalik nito sa buhok niya. "Miss na miss kita..."


Nagulat silang dalawa ng isang marahas na hila ang nagpabagsak kay Reggie. Napatili siya ng dumapo ang nakakuyom na palad ni Derick sa mukha ng kaibigan.


Agad nyang niyakap si Derick.
" tama na. Tama na Derick!" Natakot siya ng makitang nagbago ang kulay ng mata ni Derick. Kulay dilaw ito at bahagyang nakalabas ang pangil nito.


Napabitaw siya at umatras habang papalapit naman ito sa kanya.


" huwag mo siyang sasaktan!" Galit na ihinarang ni Reggie ang katawan nito sa pagitan nila. Napahinto si Derick sa paglapit sa kanya pero lalong nagtagis ang bagang nito.


" lumayo ka kay Sarah!" Sigaw nito.


Napatigagal si Reggie. Tinitigan nito ang kaharap at nagtatakang lumingon sa kaibigan.

" Sarah...sino siya." Tanung niya sa kaibigan.

" ako ang Alpha ng HalfMoon. Lumayo ka sa kanya!"galit na galit ito.


" R-reggie... " nilingon niya si Sarah at nakita niyang tinitigan ni Derick ang kamay nito na nakahawak sa braso niya.


Tinabig siya ni Derick at sumadsad siya sa lupa. "Sarah!"
Nagaalalang hinanap niya ito ng tingin.



Natulala si Reggie sa nasaksihan.

Yakap ni Derick si Sarah at walang sabi sabing kinagat nito ang balikat ng babae. Nakita niyang nabuwal ito ng mawalan ng malay pero agad itong pinangko ng binata.

Dinig na dinig pa niya ang sigaw ng wolf nito. Mine. Mate.


Mate ni Derick ang pinakamamahal niyang si Sarah!

Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon