-27-

173 4 0
                                    



Blurred ang paningin ni Denise.

Masakit ang sentido niya at nanlamig siya ng makapa ang mainit na likido na tumulo sa noo niya.


"Anong sabi ni Reggie?" 


" Padating na sila."


Naramdaman ni Denise ang paglapit ng mga yabag sa kinahihigaan niya. 


" Siya nga.." Anang isang tinig at napadilat siya.


" S-sino kayo?" Mahinang tanung niya. Nanlalabo pa rin  ang mga mata niya.


"Luna.." 


Napalingon si Denise sa nagsalita. 


Isang may edad na babae ang tumambad sa harap niya. Malungkot ang mukha nito. "Ipagpaumanhin nyo Luna. Hindi kayo nakilala ng aking anak." Sabi nito at napakunot ang noo niya.


" Hindi ko po maintindihan." Sabi niya.


Isang lalaki ang dumating at yumuko ang babae dito. 


" sarah.. ikaw nga.." Anang lalaki.


" Hindi ako si sarah." Sagot niya.


"sarah.. natatandaan mo ba ako? magkababata tayo.. ako si reggie." Sabi ng lalaki at masuyong hinawakan nito ang mukha niya. " Ipagpaumanhin mo.. hinsi kitya agad nakilala. "


Pumikit si Denise.


Gusto niyang isigaw na hindi siya si Sarah pero nanghihina siya. Ni hindi niya matagalan ang pagdilat ng mga mata niya.


  Paano na si Jeremy.


Help me Jeremy. Nasaan ka na ba?



" Magpahinga kana. Babantayan ka nila Sendo habang nagpapahinga ka.' Sabi ni reggie. Naramdaman niyang hinaplos nito ang buhok niya. 


" Paano ako napunta dito? S-si Allyson? " Mahinang tanung ni Denise.


" Naiwan siya sa mansiyon Sarah. Huwag mo na siyang isipin." Tumigas ang boses ni Reggie at tumahimik siya.


kailangan niyang makatakas sa mga taong ito. 


Bakit nila ako kinuha sa mansiyon. Sino si Reggie? Kaano ano siya ni sarah?


Sumakit ang ulo niya sa kakaisip at naramdaman na lang niya na bumibigat ang talukap ng mga mata niya.


Jeremy. 

Derick.

Kung sino man ang nakakarinig sakin Tulungan ninyo ako...








====


sorry for the short and late update  :))

Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon