-33-

159 4 3
                                    

Pinakairamdaman ni
Sarah ang sarili. Nanghihina pa siya. Hindi niya maalala kunganu ang nangyari ang naaalala niya nasa park siya at kumakain ng ice cream.

"Sarah.." Napalingon siya sa nagsalita. Namumula ang mata ni Derick. May itim sa paligid nito na tila ba ilang araw na di nakatulog. Agad itong lumuhod sa tapat niya.

"Patawad.." Nakunot ang noo niya ang marinig ang boses ni Amon. " Hindi ko sinasadya Sarah patawarin mo ako."

" a-anung ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya. Wala talaga siyang matandaan.

" anak. " napalingon siya sa kanyang ina. " kamusta ang pakiramdam mo?" Magiliw na tanong nito. Pinilit niyang ngumiti kahit na masama ang pakiramdam niya. Sobrang init at msakit ang katawan niya.

" mama..anung nangyari bakit ako nandito?" Tanung niya. Tumayo si Derick at umupo sa tabi niya.

"Kasalanan ko." Sabi nito. " hindi ko napigilan ang sarili ko. Akin ka Sarah akin ka lang!" Narinig niyang sabi ni Amon. " dapat ay nag ingat ako...patawad." Pumikit si Derick at tumulo ang luha sa mata nito.

" a-ayos lang ako Amon. Tama na huwag ka ng malungkot." Pag aalo niya sa wolf ni Derick. Saka lang unti unting bumalik sa isip niya ang nangyari.

Dumating si Reggie! Ang kaibigan niyana nawalay sa kanya ng halos isang taon. Inilibot niya ang paningin. " nasaan si Reggie...?"

Isang growl ni Amon ang nagpabilis sa tibok ng dibdib niya. Agad namang ginagap ni Derick ang kamay ni Sarah. " paumanhin, naninibugho si Amon. Huwag mong banggitin ang pangalan niya. "Mahinang sabi nito.

" p-pero kaibigan ko siya Derick. Hindi ba naikwento ko na siya sayo?" Naguguluhang sabi niya.

Tumingkad ang itim ng mata ni Derick at agad itong tumayo. Tiningnan nito si Ricky na nakaupo sa di kalayuang silya bago nagmamadaling lumabas ng kwarto.

" paumanhin Sarah." Sabi ni Ricky ng makalabas si Derick. " natatakot si kuya na baka masaktan ka kapag di niya napigilan ang galit ni Amon. Ganun talaga ang mga wolf possessive sa kanilang mate. Kahit na alam niyang kaibigan mo si Reggie ay di nya iyon matatanggap." Paliwanag nito.

" pero ....paano ..." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya.

Nagsalita muli si Ricky. " isipin mo kung mag makita kang ibang babae na nakayakap kay kuya, di bat magagalit ka?" Napakagat labi si Sarah. Tama si Ricky, masasaktan siya kung ganuon ang makikita niya. " sampung beses o higit pa ng mararamdaman mo ang nararamdaman niya dahil Alpha ang wolf niya." Dugtong ni Ricky ng makita ang reaksiyon niya.

" gusto kong makausap si Reggie. Kahit na sandali lang nandito ka naman." Pakiusap niya. Napatingin si Ricky sa kanyang ina at marahang tumango matapos ng ilang minuto. Marahil, nakipag usap muna ito kay Derick gamit ang mindlink nila.

Maya maya bumalik ang kanyang ina kasama si Reggie. Gulo ang buhok nito. Tila ilang beses na sinuklay ng kanyang kamay gaya ng madalas na ginagawa nito kapag naiinis.

" ayos ka lang ba?" Tanung agad nito ng makita siya. Puno ng pag aalala ang mga mata nito. " may masakit ba sayo? May lagnat ka." Sunod sunod na sabi nito.

" Reggie...ayos lang ako." Ngumiti siya ng kimi sa kaibigan. Hindi pa rin nagbabago si Reggie. " kamusta? Nakuha mo na ba ang kailangan ninyo sa Texas?" Tanung niya.

Ngumiti si Reggie umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. Bahagyang napaungol si Ricky. Napatingin dito si Reggie pero di binitiwan ang kamay niya.

" magpagaling ka." Sabi nito sa kanya. Malungkot ang mga mata ni Reggie. " hindi na tayo pwede g magusap gaya ng dati Sarah. Ayokong masaktan ka ulit dahil sa akin."

"Reggie...kaibigan kita di ba? Aalis ka ba ulit?" Nalulungkot na tanung ni Sarah.

" hindi. Dito lang ako. Pero," tumikhim muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita, " aalis ka at iiwan mo ako. Hindi ako pwedeng sumama dun."

Naunawaan ni Sarah ang ibig sabihin ni Reggie. Aalis nga pala siya. Isasama siya ni Derick sa Sorento. Napakagat labi siya. Sa susunod na buwan, pagkatapos ng kaarawan niya, magpapakasal na sila.


" magiingat ka dun. " sabi ni Reggie habang pinipisil ng marahan ang kamay niya. " k-kung may problema tawagin mo ako. Agad kitang pupuntahan. " Tinitigan muna siya nito. Marahang humalik sa noo niya saka walang lingon likod na umalis.

Naiyak si Sarah at nagaalalang lumapit si Ricky sa kanya. " huwag kang umiyak baka makasama sayo." Tuloy tuloy pa rin ang tulo ng luha niya. Nasaktan siya sa desisyon ni Reggie, pero hindi niya ito mapigilan. Nakita niya kasi kung paanong nagalit si Amon. Pati siya ay nasaktan. Masakit pa ang balikat nya na nakagat nito ng umiwas siya para tulungan si Reggie.

Pumikit siya. Maya maya napasinghap siya sa sakit ng dibdib. Nagaalalang lumapit ang mama niya at pinilit siyang pakalmahin pero lalo lang siyang napaiyak.

" Sarah....tama na.mahal..
Tahan na.." Mainit na bisig ni Derick ang naramdaman niyang yumakap sa kanya. Unti unti siyang kumalma. Sinuklay suklay ng kamay nito ang buhok niya. "Patawad..." Bulong nito.

Bahagya siyang tumango at sumiksik sa dibdib ni Derick hanggang nakatulog na siya.

Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon