-20-

241 7 3
                                    

Nagikot sila sa mansiyon. May anim na kwarto sa ibaba kasama na ang malaking library. Kabisado ni Marnie ang bahay dahil dito sila madalas maglaro ni Jeremy nuong mga bata pa sila.


Napangiti si Denise ng mapunta sila sa library. Parang wala sa sarili na lumapit siya sa mga libro na nasa gilid ng shelf. Hindi niya napansin ng lumabas sila Marnie para ipagpatuloy ang tour sa mansyon.

Inabot niya ang isang libro at binuklat. May hinanap siyang pahina at binasa ang nakasulat dito.

without you..
i cant see the sunshine..
i cant feel the wind..
in your eyes the stars
make their home..


Naramdaman niya ang isang pares na brasong yumakap sa bewang niya. Denise...mahinang bulong ni Jeremy sa kanya.

Parang natural ang pagkakayakap nito wala siyang naramdamang pagaalinlangan .
Jeremy..bakit parang kilala ko ang bahay na ito? Tanung niya sa binata. Itong libro sulat kamay ko ito...akin ito..pero ngayon ko lang nakita...at natatakot ako.. Humarap siya kay Jeremy at tumingin sa mga mata nito.


Hinawakan ni Jeremy ang dalawang kamay niya at hinalikan. Huwag kang matakot. Hanggat nandito ako..wala kang dapat ikatakot.

Hindi ko alam kung maniniwala ka pero unang kita ko pa lang sayo, naramdaman ko na na mahal kita.

Napatitig siya dito. Love at first sight. Napaka cliche' na kasabihan. Pero paano maipapaliwanag  ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya kilala niya ang buong bahay na ito. Kaya nga niyang ituro at sabihin ang pangalan ng bawat kwarto dito.

Tumango siya at niyakap siya ni Jeremy. Alam ko nararamdaman mo din iyon pero hindi ako nagmamadali. Kapag handa ka ng tanggapin nandito lang ako palagi sa tabi mo.

Nagulat sila ng makarinig ng nagkakagulo sa labas ng library.
Naabutan nila si Marnie at Allyson na humahangos papunta sa living room.


Anung nangyari? Tanung ni Jeremy.

May mga rogue wolf na nakapasok sa halfmoon grove! Pumunta na sila Aaron pati ang uncle mo.
Si Eula ang sumagot sa tanung niya.

Dumito na lang po kayo. Sabi ni Jeremy. Marnie duon kayo sa library.


Humakbang na siya palabas ng bahay nang maramdaman niya si Denise sa tabi niya.

Huwag kang lalabas..sabi niya dito. Hinawakan niya ang pisngi ni Denise. Dito ka lang. Kailangan kong tumulong sa kanila.

Pero Jeremy..mga wolf yun di ba? Wala ka man lang armas panlaban? Dito ka na lang...
Nagaalalang sabi ng dalaga.

Sa kabila ng nakaambang panganib, napangiti si Jeremy. Nagaalala si Denise para sa kanya. Hinalikan niya ito sa labi. Hintayin mo ako. Babalik ako agad. May importante akong sasabihin sayo. Sabi niya habang nakatitig dito. Tumango si Denise.

Magiingat ka... Ngiti ang isinagot ni Jeremy sa dalaga.

-----+

Masaya silang naglalakad.
Magkahawak kamay.
Nasa park sila ni Derick.
Matapos ng nangyari sa library
palagi na itong dumadalaw sa bahay nila Sarah.

Hindi na ito nanligaw. Nagkaruon na lang sila ng pagkakaunawaan.


" Sarah..kailangan kong bumalik
sa Sorrento. Pumunta lang ako dito
for business transactions..." Paalam ni Derick sa dalaga.


" babalik ka ba? " tanung ni Sarah sa binata. Sa edad na 17 ngayon lang niya naranasang magkaruon ng boyfriend. Hindi niya akalaing sa lahat ng magandang babae sa paligid ay siya pa ang mapipili ni Derick.


Alpha ito ng HalfMoon sa Sorrento at ayon sa ama niya, isang malaking prebilehiyo na siya ang napili nito upang maging luna. Gayunman kailangan nilang hintayin ang ika 18 niyang kaarawan bago sila sumailalim sa ritwal.


" kaya mo bang malayo sa kanya kuya?" Tanung ni Ricky sa kapatid. Nang makalayo sa bahay nila Sarah, nagbago ang mukha nito.


" ayoko ng bumalik sa bayan na ito!" Matigas na sabi ni Derick.

" kuya! Paano mo nasasabi yan? si Sarah ang mate mo!" Nagtatakang sabi ni Ricky.

" hindi ko siya gusto! Si Amon ang may gusto sa kanya!" Sagot naman  ni Derick. Si Amon ang wolf niya. Isa sa pinakamalakas na wolf sa Sorento.
"Alam mong ayoko sa tao. Mahina sila.. Wala akong mapapala. Kapag naging isa kami kung masasaktan siya, masasaktan din ako. Kapag namatay siya maaari ko ding ikamatay.." Magkasalubong ang kilay na sabi nito.

Hindi na nakakibo si Ricky. Nang makabalik sa Sorrento. Ipinagpatuloy ni Derick ang pamamahala sa nadasakupan niya.


Gayunman, ilang linggo lang ang inilagi nila Derick sa Sorento. Hindi kaya ni Amon na malayo kay Sarah.


At nang magbalik sila sa bayan nila Sarah, walang nagawa si Derick kundi sundin ang wolf niya. Sobrang naghihina ang katawan niya kapag matagal na hindi nakikita si Sarah.

Isang buwan silang nanilbihan sa pamilya nito. Sa panahong iyon, naging malapit ang loob nila sa isat isa. Pilitin man ni Derick ang sarili niya, hindi niya magawang magpakita ng galit sa dalaga. Mas malakas si Amon dahil nanghina ang katawan niya.

Nang sumapit ang ika18 kaarawan ni Sarah, nagpakasal sila sa simbahan, bago bumalik sa Sorento para maisakatuparan ang ritwal.

Nahuli na ba ang mga rogue? Tanung ni Harry kay Aaron.


Isa lang ang natirang buhay Alpha. Sagot nito pagkatapos tumango. Nandun sila sa  dungeon kasama si papa.

Ang ama ni Aaron ang beta ng halfmoon. Ito ang nangangalaga sa pag papanatili ng kaayusan sa loob ng grove kapag wala si Harry.

Umuwi ka na sa bahay Jeremy. Baling nito sa pamangkin. Sabihin mo kay Eula na sa packhouse na muna sila tumira. Delikado sa bahay nila masyadong malapit sa boarder.  Bilin pa nito.

P-pero si Denise.... Hindi pa niya alam ang tungkol sa atin. Sagot naman  ni Jeremy. Pwede bang duon na muna sila ni Allyson sa bahay uncle? Marami naman tayong guest rooms.


Jeremy...si Denise...siya ba ang mate mo? Nakakunot noong tanung ni Harry.


Tumango si Jeremy. Pero hindi ko pa nasasabi sa kanya..

Tinapik ni Harry ang balikat ng pamangkin. Kailangan na niyang malaman. Pagkatapos ay lumakad na ito palayo, papunta sa gym, kasunod si Aaron.

Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon