-34-

162 5 0
                                    


Naabutan ni Derick si Keith na tumatakbong  palayo nakasakay sa likod nito si Denise na nanghihina pa rin. Amoy na amoy ni Derick ang scent ni Sarah na tila pabangong umiikot sa dalaga pero bukod dun ay naamoy niya ang gamot na itinurok ni Keith dito. Nadagdagan ang galit sa dibdib niya sa pag-aalala. Mabilis siyang tumalon sa unahan para harangan ang daraanan ni Keith.



Yumuko si Keith para di siya tamaan ng kuko ni Derick sabay iwas ng katawan. Dahil sa panghihina nakabitaw si Denise at tuluyang bumagsak sa lupa. Umikot ang paningin niya.



Dumamba naman si Derick pero mabilis na umiwas si Keith at humakbang sa may kanan para di matamaan si Denise.


" Kahit kailan wala ka talagang pakialam kay Sarah!" Sigaw niya sa gray wolf na nasa harapan niya. " di bale na masaktan siya basta masunod ka lang!"



" huwag mo akong baliktarin! Pimagsisihan ko ng labis ang mga nagawa ko sa kanya!" Ganting sigaw ni Derick.

Nagikutan silang dalawa habang nasa wolf form. Ang tsokolateng wolf ni Keith ay halos kasinlaki ng gray wolf ng kaharap. Parehong umiilaw ang dilaw nilang mata.

Derick..si Denise.. Napalingon si Derick sa dalaga na nakalugmok sa gilid ng marinig niya ang boses ni Jeremy. May sugat siya!



Nagmamadaling nilapitan ni Derick ang dalaga pero kaagad na binalya siya ni Keith palayo.


" huwag mo siyang lalapitan!"


Naamoy ni Derick ang mga papalapit na packwolf. Itinuon niya ang paningin sa kaharap.

" mapangahas ka pa rin gaya ng dati.." Tila nang aasar na sabi niya dito. " magbabayad ka sa kalaspatangang ginawa mo kay Sarah!"

" nagkakamali ka Derick!" Dumagundong ang boses ni Keith kahalo ang boses ni Reggie na wolf nito. " ikaw ang lapastangan at ngayon magbabayad ka.. Sa pananakit sa babaeng mahal ko!"

Naging kulay pula ng tuluyan ang mga mata ng tsokolateng lobo hudyat na tuluyan ng nasakop ng wolf ang katauhan nito. Wala na si Keith. Ang nakatayo sa harap ni Derick ay walang iba kundi ang Alpha na si Reginald Athinon ng BloodMud pack. Isa sa pinaka ruthless pack mula sa Texas.




" humanda ka...hinahamon kita sa isang duel. Fight to the death. Walang pwedeng sumali maliban sa atin dalawa." Matatag na sabi nito.


" tinatanggap ko ang hamon mo!" Sagot ni Derick. " this fight will stop kapag namatay ang isa sa atin. At sisiguruhin kong ikaw yun Athinon!"


Agad na nagshift si  Aaron at magsuot ng short na nakatali sa binti nito. Inalalayan niya ang nanghihina pang si Denise. Marami itong sugat sa binti.


Tiningnan niya ang dalawang wolf na nagiikutan sa di kalayuan. Iniupo niya si Denise sa tapat ng isang puno. Narinig nilang lahat ang hamon. Pinaikutan ng labinlimang wolf ang dalawa upang masigurado na walang makakapanggulo sa kanila. Mahalaga ang challenge na iyon. Matira matibay.


Unang sumugod si Reggie tinangka nitong kagatin ang tagiliran ni Derick pero mabilis itong nakaiwas. Napangiwi si Aaron. Pula ang mata ng kaharap ni Jeremy at alam niya na purong lakas ng wolf ang kalaban ng kaibigan. Samantalang ito ay kailan lang nagumpisang mag sanay. Totoong may alpha blood si Jeremy dahil direct descendant ito ng mga Estrebel, pero kilala niya si Keith. Isa iyon sa magagaling na fighter wolf kasabayan ng kanyang ama.


Muking sumugod si Reggie at nag fake move ito. Nang hindi agad nakaiwas tinamaan ang tagiliran ni Derick. Napasigaw ito sa sakit pero agad na lumayo sa kalaban.

Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon