-19-

216 10 2
                                    

Pagdating ng hapon, nagsundo si Jeremy kila Denise at Allyson. Nasa pack house daw ang mga magulang nito at didiretso nalang sa bahay ng mga Estrebel. Tahimik lang si Jeremy. Paminsan minsan, tinitingnan si Denise, pero hindi nagkumikibo. Pinabayaan nya lang na magkwento si Allyson. Nagtataka naman si Denise, pero hinayaan nya lang.


Welcome. Bati sa kanila ni Harry. Nakipagkamay ito kay Allyson at Denise. Bago pa sila nakapasok ay dumating naman si Eula at ang Delta ng halfmoon. Halina kayo sa loob.
Anyaya ni Harry at dumiretso sila sa living room.


Tahimik na nagmamasid si Denise sa paligid. Maayos ang pagkakadesign ng living room, kulang nga lamang sa feminine touch. Inilibot niya ang paningin ng di sinasadya mapatingin siya sa mantel sa ibabaw ng fireplace. Nanduon ang lahat ng larawan ng ancestors ng mga Estrebel. Napailing siya ng maisip na may isang kulang na larawan sa mga naka display.


Palihim naman na pinagmamasdan ni Harry ang dalaga. Maya maya pumasok ang isang matandang babae at nagsabing handa na ang hapunan.

Halika na kayo. Yaya sa kanilang lahat ni Harry. Umupo sila sa parihabang mesa. Tatlong putahe ang ipinahanda ni Harry. Tuloy ang naudlot na kwentuhan nuong nasa living room sila.

Are you ok? Mahinang tanung ni Jeremy kay Denise. Magkatabi sila ng pwesto. Kasunod ni Denise si Allyson habang nasa katapat na hilera naman ang delta at si Eula.

Tumango si Denise at tumingin kay Jeremy. Agad syang nagbaba ng tingin dahil parang napapaso siya sa mga titig nito. Kanina pa niya nararamdaman ang mga mata nito na nakatutok sa kanya.

Pagkatapos kumain ay bumalik sila sa living room. Umiinom sila ng kape ng may mga dumating na ibang tao.

Ipinakilala ni Harry ang pamangkin niya kay Errol. Ama ni Atticus. Isa ito sa mga matapat na tauhan ng lolo niya. Kasama nito si Marnie at Aaron.

Bro! Bati ni Aaron kay Jeremy. Tumango naman ang huli.

Jerr! Nakangiting bati ni Marnie. Niyakap siya agad nito. Ibinalita sa akin ni kuya na pumasa ka! Sayang wala ako dun... Hindi ko nakita! Naka pout na sabi nito.


Mabuti na lang wala ka...malakas ka pa namanan distract. Natatawang sagot ni Jeremy. Nakahawak pa rin sya sa bewang ni Marnie ng humarap kila Allyson at Denise. Guys si Marnie. Siya naman sina Denise at Allyson. Pagpapakilala niya sa dalawa.


Bahagyang tumaas ang kilay ni Denise ng makitang yumakap ang bagong dating na babae kay Jeremy. Hindi niya alam kung bakit, pero naiinis siya sa nakikita niya. Gayunman inayos niya ang itsura bago humarap si Jeremy sa kanila at ipakilala ito.


Wow! Ikaw si Ally! Yung nag aral sa LA. Sabi ni Marnie kay Allyson. Nakangiting tumango naman ito.

Bestfriend ko, si Denise. Nagbabakasyon siya dito. Nakangiting sabi ni Allyson sa kaharap. Magaang na agad ang loob niya dito. Mending a broken heart... Mahinang bulong niya sa babae at napatango ito.


Hindi naman nakatakas sa pandinig ni Jeremy ang ibinulong ni Allyson. Napatiimbagang siya.


Brokenhearted si Denise?
Pag nakita ko kung sinong nanakit
sayo Denise...

Pinigilan ni Jeremy ang takbo ng iniisip niya. Natakot siya na biglang lumabas ang wolf niya kapag nagalit siya.

Isali nyo naman ako sa usapam niyo! Nakatawang sabi ni Aaron na umakbay kay Marnie.


Kuya ko nga pala si Aaron....kuya sila si Denise saka si Allyson. Pagpapakilala ni Marnie sa dalawang babae.

Nakatingin si Allyson sa mga magulang at bumaling sa grupo ng marinig ang boses ni Marnie. Sinalubong siya ng isang pares ng itim na mata na bahagyang nagpatigil ng mundo niya.

Natahimik bigla si Aaron ng makita si Allyson. Parang nag uusap ang mga mata nila habang patuloy naman sa ingay sa paligid. Nagyaya si Marnie na ilibot si Denise sa mansyon. Nagpaunlak naman ang huli.

Bro...sasama ka ba? Tanung ni Jeremy sa kaibigan.

Parang nagising si Allyson sa pagkakatulog. Gulat na napalingon ito kay Jeremy. Nilingon pa uli niya si Aaron, nakatitig pa rin ito sa kanya. Saka siya nagmamadaling sumunod kila Denise at Marnie.

Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon