Nanghihinang nagbukas ng mata si Denise. Hindi niya alam kung anung araw na ba ngayon. Mula ng mapunta siya sa mga rogue ay hindi na niya muling nasilayan ang araw.
Gigising lang siya upang kumain subalit pagkatapos nun ay makakatulog na siya. Nag aalalang napatingin siya sa bintana. Makapal ang kurtinang nakatakip duon at napakunot noo siya.
" Luna." Tawag sa kaniya ng isang tinig at napalingon siya. Nakita niya ang nag aalalang mukha ng matanda. " Kailangan mong kumain para magkaruon ka ng lakas."
Umiling siya. Pinahid ng matandang babae ang luha na tumulo mula sa kanyang mga mata. Nuon lang niya napansin ang nakakabit na dextrose sa kanyang braso. Malinaw ang likidong dumadaloy mula dito.
Inalalayan siya nito at pinasandal sa unan. " Ipagpaumanhin mo ang kapangahasan ng aking anak." Mahinang sabi nito. Narinig na niya iyon. Sinabi na sa kanya iyon ng matanda dati.
" B-bakit a-ako n-nandito?" Tanung niya. "G-gusto ko ng u-umuwi." Napahikbi siya.
" shh. Baka marinig ka niya." Sansala nito sa kanya. Lumingon muna ito sa paligid bago lumapit at inayos ang kanyang unan. Bumubulong ito. Mataman siyang tinitigan bago muling bumalik sa dating pwesto. Marahan siya nitong sinubuan ng pagkain.
Puno man ng pagtataka tinanggap niya ang bawat subo. Tama ang matanda kailangan niya ng lakas at gusto na niyang umuwi. Funny thing, ang pagbabalik sa mansiyon ng mga Estrebel ang iniisip niya. Uuwi siya kay Jeremy.
Bumukas ang pinto at napalingon silang dalawa sa lalaking pumasok. Mukhang mas matanda ito sa kanya ng ilang taon. Maaamo ang mukha nito pero may kakaibang ning ning ang mata.
" Gising ka na pala Sarah. Anung pakiramdam mo?" Tanung nito ng makalapit sa kanya. Tatanggi sana siya sa tawag nito pero nakita niyang umiling ang matandang babae.
" N-nanghihina ako.." Sagot niya at napailing ang lalaki.
" pasensiya ka na. Hindi kita maaring pabayaang lumakas. Baka maramdaman ni Derick kung nasaan ka at muli ka niyang bawiin sa akin." Mahabang paliwanag nito. Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya. Pinigilan ni Denise na iiwas ang mukha pero hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng takot.
Napabuntunghininga ang lalaki." Huwag kang matakot sa akin Sarah. Kailanman ay hindi kita sasaktan."
Hindi niya maiwasang malungkot. Nuong kinuha siya nito sa kwarto nila ni Allyson, tinabig siya nito ng humarang siya upang di masaktan ang kaibigan niya. Napakagat labi siya ng maalala ang puro pasang katawan ng kaibigan.
"Sarah... Huwag kang umiyak." Niyakap siya ng Keith. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha sa mata niya. Masuyo nitong pinahid ang pisngi niya.
" Si Allyson...kamusta na siya?" Di niya napigilang itanong. Napatiim bagang ang binata, pero sumagot din ito makaraan ang ilang sandali.
"Nagpapagaling na siya ayon sa nakalap kong balita. Huwag ka ng malungkot. Matapos ng selebrasyon ay maari natin siyang puntahan sa HalfMoon."
Nagtatakang napatingin siya sa mukha ni Keith. " H-hindi ka b-ba nagbibiro?" Tanung niya.
Umiling ito. " Alam ko kung gaano ka magmahal sa kaibigan Sarah. Ipagpaumanhin mo na napasama ko ang loob mo dahil sa nangyari. Ayaw kong nakikita kang umiiyak." Marahan na hinawi ni Keith ang buhok ni Denise. " Kapag naging akin ka na hindi ka na mababawi pa n Derick kayat malaya tayong makakapunta sa HalfMoon kung iyong nanaisan."
Sa kabila ng pagtawag dito sa kanya ng Sarah, di naman siya pinagmalupitan ng lalaki. Alam niya na Keith ang pangalan nito pero nakapagtatakang Reggie ang pakilala nito sa kanya. Tuwing gigising siya ay dumadating ito at nagkuwento tungkol sa mga lugar na madalas nilang pinupuntahan ni Sarah nuon. Matapos nun ay papatulugin na siya.
BINABASA MO ANG
Last Dance
Werewolf#137 current rank mate as of 7Jan2019 What will happen when the past meets the future? CAST : BurningFoxy as Sarah / Denisse LeeJongHyun as Derick KangMinHyuk as Jeremy