-30-

174 6 1
                                    

Masusing pinagmasdan ni Jeremy ang mapa. Alam niya na nasa paligid lang ang pangkat ng mga rogue. Nakipag talastasan na si Harry sa Alpha ng malalapit na pack at naibalita niya ang pagkuha ng mga ito sa mate ng kanyang pamangkin.

Nangako ang mga ito na tutulungan sila. Iginagalang ang pagkakaruon ng mate ng mga tao. Maaari lamang itong angkinin ng iba kung ni reject ito ng kanyang mate.

" magpahinga ka muna Jerry."

Napabuntuhininga si Jeremy ng lapitan siya ni Marnie. Tumulong ito sa kitchen kasama si Eula. Nasa packhouse ang karamihan sa mga miyembro ng HalfMoon na walang kakayahang lumaban. Nasa undeground cells naman ang mga matatanda at bata.

Nagpapagaling na si Allyson sa infirmary at hindi ito halos hiwalayan ni Aaron. Iyak ng iyak si Allyson ng magising dahil hindi niya napigilan ang mga rogue na kunin ang kaibigan niya.

" babawiin ko siya sa mga rogue. Ipinapangako ko Ally." Sabi ni Jeremy ng dumalaw ito sa kaibigan.

Dumating ang balita mula sa kanilang lead tracker na may rogue na namataan sa unclaimed land sa may South malapit sa talon.

Dumating naman si Alpha Jarret sa HalfMoon kasama ang kanyang 20 fighters at pinag aralan nila ang nalalapit na paglusob sa kuta ng rogue wolves ni Keith aka Reggie.

" Nakakapagtaka na magkaganyan si Keith. Naaalala ko na napakabait na bata niyan dati." Sabi ni Jarret matapos ng meeting. Nagpadala din ng mga fighters si Alpha Rowan.

Tahimik na umiinom ng kape si Jeremy. Nakikinig lamang siya sa lahat ng plano at strategy na napagkasunduan ng grupo. Naipagpasalamat niya na tumulong ang mga kaibigan ng uncle niya. Hindi rin niya nakaligtaan ang training upang mapalakas ang kanyang katawan.

Sa susunod na buwan ay bluemoon na. Kailangan nilang mailigtas si Denise bago ito i claim ni Keith. Nakatayo si Jeremy sa tapat ng bintana ng kanyang kwarto nakatitig sa buwan. Kanina, ipinatawag ng kanyang uncle si Ysadora. Ito ang apo ng matandang gypsy na nakatira sa may hangganan ng HalfMoon sa ibaba ng Sorrow Mountain.

Mahaba ang alon alon na buhok nito. Maitim ang mata na tila nakakaalam ng maraming sikreto. Mataman nitong tiningnan si Jeremy bago ito nagsalita.

Ikaw ang pinili niya para maayos ang lahat. Anito. Inilahad ng babae ang palad niya at ipinatong ni Jeremy ang kanya sa palad nito. Mainit ang kamay ng babae at tila pinakalma nito ang kalooban ng binata.

May malaking pagsubok kayong pinagdadaanan ngunit takot ka sa multo ng nakaraan. Hindi kayo magtatagumpay hanggat hindi buo ang tiwala mo sa kanya.

Tinitigan ng gypsy si Jeremy.
Ikaw lobo, tandaan mo na isang pagkakataon lang ang ibinigay sayo upang itama ang pagkakamali mo. Nakatakdang mangyari ang lahat. Ang binibini ay handa ng magtiwala at magpatawad.

Ang muling pagbabalik ng Luna ay nakatakdang maganap. Ang goddess mismo ang nagpahintulot nito.  Nang muli siyang isilang, naramdaman ito ng Alpha kayat nagbalik siya upang humingi ng tawad at itama ang lahat.

Gayunman, ang binatang iyon ay muli ring nagbalik. Ihanda ninyo ang inyong mga sarili dahil sa pag asul ng buwan, pupula ang lupa.

Those words put him on edge. Nagbalik talaga si Sarah. Napabuntunghininga si Jeremy. Hindi maaaring maging reyna ito ng mga rogue. Siya ang nakatakda para kay Denise dahil ibinigay ito sa kanya ng diyosa ng buwan.

Kailangan niyang mailigtas ang kanyang mate mula sa rogue na si Keith!

Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon