-16-

238 6 1
                                    

Inanyayahan ni Harry ang pamilya nila Allyson sa Estrebel Mansion. Hindi kasi pumayag si Jeremy na dalhin duon si Denise ng basta basta. Nagpahanda siya ng maraming pagkain at ibinilin na isama si Denise.

Naalala niya ang sinabi ni Jeremy kagabi.

I dont want her to be afraid of me. Sabi niya sa akin, I hurt her. I almost get mad thinking na galit siya sa akin!

Nagtataka din si Harry. Bumalik si Deric bilang wolf ni Jeremy at ngayon naman may babaeng kamukha ni Sarah.

Susunduin ko sila mamaya uncle. Sabi ni Jeremy ng bumaba siya mula sa kwarto ng umagang iyon.

Nakatracksuit siya at balak niyang tumakbo muna para hindi niya masyadong naiisip si Denise. Kung susundin niya ang gusto ng wolf niya, pupuntahan niya uli si Denise pero ayaw niya itong lumayo sa kanya. Sobrang intense nang nararamdaman niya para dito. At ayaw niyang makita nito ang pagbabago siya at baka matakot ito sa kanya.


Hindi rin niya natiis na hindi dumaan sa tapat ng bahay nila Allyson at nakita niyang nasa porch ang dalawa sa gilid ng bahay nito.

Kinawayan siya ni Allyson at lumapit siya dito. Nakatingin lang sa kanya si Denise.

Hello! Ahm... sunduin ko kayo later... Uncle Harry invited all of you. Dinner at our house. Sabi niya nannakatingin kay Denise.

Napangiti naman si Allyson ng mapansin ang pagtitig ni Jeremy sa kaibigan.

Sige. Thanks Jeremy. Sinabi na nga ni mama kanina. Tiningnan niya ang kaibigan.

Denise..Ill see you later. Nasabi ni Jeremy sa dalaga. Hinihintay niyang tumingin ito sa kanya pero ngumiti lang ito at tumango ng hindi siya diretsong tiningnan.


Nagpaalam na siya at itinuloy ang pagtakbo.

Nang makalayo si Jeremy saka lang nagtaas ng tingin si Denise at sinundan ito ng tingin.


Hmm. Friend bakit naman di mo pinapansin si Jeremy? Nakangiting tanung ni Allyson.


Alam mo naman kung bakit ako nandito Ally. I just got out of a relationship. Sabi namannni Denise.

Well.. Malay mo si Jeremy na pala yung nakatakda para sayo. Sagot naman ng kaibigan niya. Dito we believe in soulmates. That certain someone na nakatakda para sayo.

Soulmates? Uso pa ba yon? Paano mo naman malalaman na siya ng nga yun soulmate mo? Natatawang tanung niya sa kaibigan.

Oy totoo yun. Sabi ni mama, there is a certain pull. You will know because you will feel it. Nakatingala pa ito at akala mo nangangarap na nag explain.


Natawa si Denise. Napailing siya. Napatingin na naman siya sa daan na tinahak ni Jeremy kanina.


Lumakad na papasok si Allyson pagkatapos niyang tapunan ng pansin ang kaibigan.
Nararamdaman niya na may namamagitan sa dalawa pero tila nag aalangan si Denise.

Konting time pa siguro para makalimutan nito ang ginawa ng dating nobyo. Nahiling niya sa dyosa ng buwan na sana matagpuan na ni Denise ang soulmate nito.


Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon