Tahimik na nakaupo si Jeremy sa couch. Nakaupo naman si Harry sa tapat niya sa single seater.
Mataman niyang pinagmamasdan ang pamangkin. Kung totoo ang sinabi nito. Si Derick ang wolf nito. Napabuntunghininga siya. Alam niya ang history ni Derick at kung anu ang ginawa nito kay Sarah. Kaya nga ng magkwento si Jeremy na kilala nito si Sarah nabahala na siya.
Hindi makapaniwala si Derick sa ginawa ni Sarah.
Agad siyang tumakbo papunta dito pero huli na. Kitang kita niya ng bumagsak ang katawan nito sa lupa.
Agad siyang nag shift to his wolf para masundan ang kanyang asawa.
Her eyes are closed when he reach her.
Humihina na rin ang tibok ng puso nito. Ni hindi niya mayakap si Sarah, nagkasya na lang siya sa paghaplos sa pisngi nito.Open your eyes...Im so sorry...
Please open your eyes Sarah.
Naluluhang pakiusap ni Derick.Her eyes fluttered open at tiningnan niya ang mukha ni Derick.
Dont cry...Im setting you free..
Looking..at your wolf.... I realized...
you deserve more... I love you Derick.. This is the least I can do...No!...mali ako please Sarah!
A light shone on them at nagulat si Derick sa babaeng humawak sa balikat niya. Napaka ganda nito at maamo ang mukha. Shes wearing a white dress at napapalibutan ng maliliit na bulaklak ang buhok nito.
Lumuhod si Derick sa harap ng dyosa ng buwan. Umiiyak siya. Alam na niya ang ibig sabihin ng pagdating nito.
Ikinumpas nito ang kamay at umangat ang katawan ni Sarah. Binalot ito ng liwanag. Nang mawala ang makinang na ilaw ay natagpuan ni Derick sa harap niya ang katawan nito. Walang galos at malinis na ang suot. Hindi na mababakas ang hirap na pinag daanan nito ilang oras lang ang nakakaraan.
Tinitigan ni Derick ang mukha ng kanyang Luna. Saka siya umalulong ng malakas. Pakiramdam niya nadurog ang puso niya. Pero wala siyang ibang masisi kung di ang sarili.Binuhat niya si Sarah at lumakad paakyat sa Half Moon grove. Sinalubong siya nila Ricky. Pati si Aubrey ay hindi nakakibo ng makita ang walang buhay na katawan ng kanilang Luna.
Ilang araw na nakalagak ang katawan nito sa bahay ng mga Estrebel pero wala yatang balak si Derick na isaayos ito. Nakatitig lang siya sa mukha nito at hindi na umalis sa tabi ng asawa. Ang Beta na si Sean ang nag asikaso sa lahat ng lahat sa pack. Isang linggo matapos ang nangyari ay naisagawa rin ang paglilibibing sa labi ni Sarah. Nakapagtatakang hindi ito kinakitaan ng pagkasira kahit matagal na itong hindi nailibing.
Si Derick mismo ang nagdala dito sa altar sa Sorrow Mountain. Para lang itong natutulog. Kasunod ang buong pack para sa seremonya.Si Sean na rin ang namahala sa burial rites. Nakatitig lang kasi si Derick dito. Bago sinunog ang katawan nito ay tumalikod si Derick. Naka block ang buong pack sa isip niya. Sobrang pgdadalamhati ang laman ng puso niya at alam niyang naramdaman iyon ng mga taga half moon grove.
Tumalikod ang lahat ng magumpisang lumaki ang apoy.
Sinundan nila ng tingin ang kanilang Alpha. Bumalik ito sa altar at dinagdagan ang kahoy sa ilalim nito.Tila nagdasal ito sa dyosa ng buwan.
Bago pa nakakilos ang lahat niyakap nito ang katawan ni Sarah at humiga sa tabi nito.
Deerriiiiickkk!
Umiiyak si Denise ng makita ni Allyson. Nagulat siya sa pagsigaw nito.
Nagmamadali namang pumasok si Eula sa kwarto nito at hinagod ang likod ng dalaga. Pinakuha niya ng tubig si Allyson.
Walang patid ang luha ni Denise. Ibinubulong ang nangyari sa panaginip niya.
Nagtatakang nakikinig lang si Eula.
Bakit kilala ni Denise si Derick.
Nagkataon lang kaya na kamukha ito ng pinakaunang Luna ng Half Moon?
BINABASA MO ANG
Last Dance
Werewolf#137 current rank mate as of 7Jan2019 What will happen when the past meets the future? CAST : BurningFoxy as Sarah / Denisse LeeJongHyun as Derick KangMinHyuk as Jeremy