Bumalik sa HalfMoon grove ang labinglimang wolf kasama sila Jeremy at Denise. Pinasakay ni Jeremy sa likod niya ang katipan bahagya siyang nagtataka na hindi nagsasalita si Derick.
Pagdating sa packhouse agad na dinala ni Jeremy sa infirmary si Denise. Laking tuwa naman nila Eula ng makitang maayos ang dalaga. Naruon pa rin si Alpha Jarret. Nanlaki ang mata nito ng makita si Denise.
" L-Luna Sarah!" Naibulalas nito.
Tumikhim si Jeremy." Alpha Jarret. Siya nga pala si Denise, ang aking mate."
Namumulang nakipagkamay si Denise. " kamusta." Bati niya bago ngumiti.
Tiningnan ni Jarret ang dalaga. Napatunayan niya na kamukha nga ito ng unang luna ng Sorento.
" Si Uncle Harry?" Tanung ni Jeremy. Nabanggit sa kanya ni Aaron na malaki ang tinamong sugat ng kanilang Alpha.
" Huwag kang mag alala." Inakbayan ni Jarret ang binata. " Nandito ang pack doctor namin para tumulong. Kaya ni Harry yan."
Tumango na lamang ang binata. Lumabas naman ang duktor na nagaasikaso dito. " Alpha..." Bati nito sa mga naghihintay sa labas ng infirmary.
Tiningnan nito si Jeremy na nuon ay nilapitan ni Terrence. Si Jack muna ang nagasikaso sa gawain ng pack. " Huminto na ang pagdurugo sa balikat at tagiliran ng Alpha. " Huminga ng malalim si Dok Reyda. " mabuti at nandito si Eugene, Alpha Jarret. Malaki ang naitulong niya." Si Eugene ang pack doctor nila Jarret.
" Kailangan na lang natin maghintay na magising siya. Naguumpisa nang mag heal ang mga sugat niya. Na drain na din namin ang wolfbane na napunta sa katawan niya kanina."
Nakahinga ng maluwag ang lahat. " Reyda, pwede na ba siyang makausap?" Tanung ni Terrence.
" medyo groggy pa siya sa gamot pero madali naman iyon i burn ng katawan niya. Dumilat na siya kanina." Nakangiting sagot ng duktor.
Tapos na rin malapatan ng lunas ang mga sugat ni Denise. Iika ika pa siya dahil may mga pasa siya sa binti sanhi ng pagkakalaglag niya mula sa likod ni Keith.
" Sa bahay ka na magpahinga Denise " Sabi ni Jeremy. " Nanduon ang pamilya nila Allyson pansamantala."
Tumango ang dalaga. Nagulat siya ng binuhat siya ni Jeremy. " Sisiguraduhin kong ligtas ka. Walang pwedeng kumuha sayo."
Pagtuntong sa living room ng mga Estrebel, bahagyang nanginig ang kamay ni Denise. Pangit na karanasan kasi ang kanyang naranasan ng huli siyang tumuntong sa bahay na yon. Marahang pinisil ni Jeremy ang kamay ng katipan.
" Nandito lang ako." Napanatag si Denise. Alam niya, hindi siya pababayaan ni Jeremy.
" Denise!" Mahigpit na yakap ang isinalubong ni Allyson sa kaibigan. Nakangiti naman si Aaron sa may likuran nito.
Nagtatakang napatitig si Denise kay Aaron. Namumulang nilapitan ito ni Allyson. " Ahm.. Siyanga pala si Aaron. B-boyfriend ko.." Pagpapakilala nito.
Nagpalitan sila ng ngiti. " Baka mate ang ibig mong sabihin. " Nakangiting sabi ni Denise sa namumulang kaibigan. " Alam ko na ang lahat bago pa ako nakuha ni...." Tila may harang sa lalamunan niya at di niya naituloy ang sasabihin. Dumilim ang mukha ni Aaron at Jeremy.
Bago pa may nakapagsalita, nagmamadaling pumasok si Atticus sa bahay." Jeremy..Aaron.." Bati niya sa dalawang shifter wolf. " May dumating na binata sa labas."
Napataas ang kilay ni Aaron." Sino daw? Isa ba siyang rogue?"
Nagaalalang tumingin ito sa apat na taong nakatayo sa harap niya bago tumiim ang tingin kay Denise.
" Siya daw ang papakasalan ni Denise."
Napalingon silang lahat sa kaguluhan sa harapan ng mansiyon kayat napalabas sila.
Dalawang sentry ang pumipigil sa isang lalaking matangkad." Bitiwan niyo ako. Ilabas nyo ang fiance ko! Denise!" Sigaw nito.
Napasimangot si Denise ng mapagsino ang kaharap. Nagsalubong naman ang kilay ni Jeremy. " Anung ibig mong sabihin? Sino ka ba?" Tanung nito.
Napatitig ang lalaki sa kamay ni Denise. Mahigpit itong nakahawak kay Jeremy.
" Baby. Im sorry halika na umuwi na tayo.." Sabi nito na puno ng lungkot ang mata. " Iniwan ko na si Cynthia. I told you siya lang naman ang naghahabol sa akin!"
Agad itong lumapit sa dalaga at niyakap ito. Naging dilaw ang mata ni Jeremy. Agad niyang hinablot ang lalaki palayo sa katipan.
" Huwag mo siyang hahawakan!"
" Jeremy...." Tawag ni Denise sa binata. " calm down..."
Nagbago ang kulay ng mata ni Jeremy hudyat na naguumpisa nang magising ang wolf nito. Susugod na sana siya sa bagong dating pero agad siyang niyakap ni Denise.
" Jeremy. Hayaan mo na siya..Im here Im not going back to him." Bulong niya dito.
Tinitigan ni Jeremy ang dalaga. Pinilit na payapain ang sarili niya. Pero lahat ay nagulat ng humalo ang boses ni Derick ng magsalita siya.
" then let me mark you."
---------
Tatlong chapters na lang
matatapos na ang kwento ng
pag ibig nila Sarah Jeremy at Derick...Thanks for reading and please vote if you like(^_^)
BINABASA MO ANG
Last Dance
Werewolf#137 current rank mate as of 7Jan2019 What will happen when the past meets the future? CAST : BurningFoxy as Sarah / Denisse LeeJongHyun as Derick KangMinHyuk as Jeremy