-28-

171 5 0
                                    

"Uncle hanapin natin si Denise!"

Napalingon si Harry mula sa mapang nasa harapan niya. Pabalik balik na naglalakad si Jeremy. Alam niyang kanina pa ito nag aalala. Kahit siya man ay nagulat na napasok sila ng mga rogue wolves hanggang sa mansiyon.

Ang masakit duon, tatlo sa kanyang mga miyembro ang nawala. Para sa isang 'alpha' masakit ang mawalan ng mga miyembro dahil hindi lang basta tauhan ang turing niya sa mga ito kundi pamilya.

" Alpha. " Tawag sa kanya ni Brian, ang sentry sa West side.

Napabuntong hininga si Harry. Kaibigan niyang matalik si Jack na ama nito at alam niya na alalang alala ito sa kanyang anak.

Nang matagpuan nila si Allyson, puno ito ng pasa at sugat sa katawan tanda na lumaban ito. Kasalukuyan silang nasa pack house nuon sa underground cells at ini interrogate and nahuling rogue ng biglang mamilipit sa sakit si Aaron. Nagulat sila at agad itong dinaluhan ng kanyang beta.

" S-si Allyson..."

Agad na tumakbo palabas si Jack na siyang Delta niya. Tinawag naman niya ang mga tracker at magagaling na fighter nila mula sa kanyang mind link. Pinaligiran nito ang buong Estreble Mansion.

"Alpha may namataang mga rogue sa west side ng HalfMoon."

" Atticus isama nyo si Brody at tulungan ang mga sentry sa west!"  agad niyang utos saka nagmamadaling bumalik sa mansiyon.

Nanlumo siya ng malamang wala na si Denise sa kwarto nito.

Galit na galit si Jeremy.

" Sa west sila dumaan at nag create ng diversion. Yung unang mga rogue na sumugod dito ay pain lang." Tuloy tuloy ang paliwanag ng kanyang beta.

" Bakit nila kinuha si Denise?" Nagtatakang tanung ni Jeremy. "Hindi naman siya ang Luna ng HalfMoon ngayon. "

Napailing maging si Jack at Aaron. Lahat sila ay naguguluhan sa pangyayari. Tila matagal na pinagbalakan ng mga rogue ang pangyayari dahil na infiltrate nito ang kanilang lugar ng wala silang kaalam alam.

Hindi rin nila maintindihan kung bakit si Denise ang kinuha ng mga ito. Walang pwesto si Jeremy sa kanilang pack. Kung magkakaruon man ay matagal pa.

"Alpha..may nakita pong cd ang mga tracker malapit sa may South. Naruon ang scent ni Denise."

"Dalhin mo dito Atticus. Iwan mo muna si Brody at apat pa para mag patrol. Tulungan ninyo ang mga kababaihan, matatanda at mga bata. Dalhin nyo muna sa underground cells." saglit na natahimik ang nasa kwarto matapos magutos ni Harry. Lahat ay nakikinig sa kanyang utos.

Maging si Jeremy ay saglit na huminto sa pagpapabalik balik na paglalakad.

Tahimik na pumasok si Jack at Aaron sa kwarto at iniabot ang cd sa kanilang pinuno.

" Yan ba?" Tanung ni Jeremy. Siya man ay na curious kung bakit may  cd na ipinadala sa kanila ang mga rogue.

Agad itong isinalang ng beta sa video player at tahimik silang tumuon sa video.

" Kamusta Alpha ?"

Nagtagis ang bagang ni Harry ng marinig ang boses. Kilalang kilala niya ito. Kasama nila ito dati sa HalfMoon pero matapos itong maaksidente, nagbago na ito.

" Hindi ka na dapat nagtataka kung paano ako nakapasok sa HalfMoon" Tila nang uuyam amg boses. Kababata niya si Keith, na comatose ito pagka graduate nila ng high school. Pero ng magising ito,nag iba na ng ugali. Itinanggi niya ang pangalan at tinawag na Reggie ang sarili. Nang manumbalik ang lakas nito umalis ito at nagpasyang maging rogue.

  Isang malakas na growl ang narinig mula kay Jeremy ng ipakita si Denise sa likod ng lalaki. Nakahiga ito sa kama at walang malay. May mga pasa sa pisngi at braso si Denise. Suot pa rin nito ang pares ng pajama na may bahid ng dugo sa laylayan.

" Ah..." Sabi ng lalaki at nilingon si Denise. " Nuong una akala ko hindi totoo ang balita pero Harry kilala mo si Sarah di ba?"

" mahal na mahal ko siya. Umalis lang ako saglit pero pagbalik ko, inagaw na siya ni Derick!"

" Aah! Anung ginawa nila kay Denise!" Galit na galit na sumigaw si Jeremy.

Agad siyang nilapitan ni Aaron at pinilit na pinakalma. Naiinitindihan niya ang nararamdaman ng kababata. Ang poot sa dibdib niya ay hindi pa rin nawawala mula ng maramdaman niya ang pananakit ng mga ito kay Allyson.

" Tssk.. Alam mo ba kung anung ginawa ni Derick? Isang babaeng walang malay ang kinuha niya pagkatapos ay sasaktan lang pala." Lumabas ang pangil ng lalaki at nagbago ang kulay ng mata nito. " wala siyang karapatang saktan si Sarah! Akin siya Harry. Alam mo yun di ba?"

Nilapitan ng lalaki ang walang malay na dalaga at masuyong hinaplos ang pisngi nito.
" sa susunod na bluemoon, idaraos ang selebrasyon. Inimbitahan kita, si Sarah ang aking reyna. Siya ang gagawin kong Luna ng aking pangkat." Tumingin ito ng diretso sa camera at saka tumawa ng malakas.

Nabasag ang screen ng TV ng tamaan ito ng upuan ibinato ni Jeremy. Agad itong nilapitan ni Jack at ng beta ng HalfMoon.

Nagulat silang lahat ng maging dilaw ang mata ni Jeremy. Nagtatagis ang bagang nito sa galit at agad na humagis si Aaron sa isang gilid ng kwarto ng tangkain nitong pigilan ang kaibigan.

" Humanda ka sa akin Reggie! Hindi ko mapapatawad ang kalaspatangang ito!" Malalim na boses ang humalo sa baritonong boses ni Jeremy at napatitig si Harry sa kaharap.

"D-derick!"

Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon