CHAPTER 20

102 8 0
                                    

Kunot ang nuong muli kong tinignan ang hawak-hawak na papel na ibinigay sa'kin kanina ng payatot na yon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit ito yong nakasulat sa papel na binigay niya sa'kin. Kurt were having a family problem, so bakit siya nandito sa coffee shop na ito? Nagpapahupa ng sama ng loob? Aren't he supposed to be with his family?








"Tama ba talaga itong binigay niya sa'kin? O baka naman niluluko lang ako ng payatot na yon!" naku subukan lang talaga akong lukuhin ng payatot na yon at talagang ihihiwalay ko ang mga buto niya sa katawan!

Kaharap ng coffee shop na ito ay isang amusement park, may posibilidad kayang nandun si Kurt at wala dito sa shop na ito? Hmm kung ako naman kase ang tatanungin, mas maganda nga ang maglibang sa amusement park kesa sa isang coffee shop. Pero dahil si Kurt yon, maybe nandito talaga siya sa loob ng shop na ito. Aniya bago tuluyang pumasok sa naturang coffee shop.








"Hi ma'am good afternoon! Table for one? This way please." kaagad na salubong sa kanya ng isang staff pagka pasok niya palang dito.

Ganito ba talaga ang treatment sa mga costumer ng isang coffee shop? Tanong niya sa sarili sabay palibot ng kanyang paningin sa kabuuan ng lugar. This is her first time entering a coffee shop, kaya ganun nalang ang kanyang naging reaksiyon sa bagong karanasan.

Wala siyang hilig sa coffee and anything sweet kaya hindi siya nag-aabalang pumasok sa mga ganitong lugar dahil wala rin naman siyang gagawin at pagsasayang lang ng oras ang kanyang gagawin kapag pumasok siya sa ganitong lugar. Pero syempre, exempted ang araw na ito dahil hinahanap niya si Kurt at dito siya itinuro ng payatot na yon.

Paupo na sana siya ng biglang mag-ingay ang bell sa pintuan, senyalis na may bagong costumer na papasok. Ngayon alam ko na ang dahilan ng may-ari nitong coffee shop kung bakit niya nilagyan ng bell ang pintuan nitong shop niya, iyon ay para malaman niya na may bagong dating upang kaagad itong maasikaso ng kanyang mga employee.

Tsk, nakakahiya talaga ako kanina, muntikan pa akong mapalundag dahil sa gulat ng biglang mag-ingay ang Bell na iyan nung pumasok ako dito. At dahil sa inis ko, muntikan ko pa yong tanggalin kung hindi lang sana dumating itong staff ngayon na nag eentertain sa'kin.

Matatawa na sana ako dahil sa kapalpakan ko ng biglang magawi ang aking paningin sa bagong dating o sabihin ng mga bagong dating na masayang nag-uusap at hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila, yong tipong pakiramdam nila silang dalawa lang ang nag eexist sa lugar na ito kaya ganun nalang sila ka focus sa bawat isa.

Hindi ako dapat na magselos sa nakikita ko ngayon. Bagkus dapat akong magpasalamat sa lalaking kausap niya kase sa kabila ng problemang kinakaharap ngayon ni Kurt nagagawa niya pa rin itong mapatawa at sandaling kalimutan ang mga  problemang yon. Nagpapasalamat ako sa lalaking yon dahil pinasaya niya si Kurt sa mga sandaling ito, dahil alam kong hindi ko yon magagawa at mas lalong hindi ako pahihintulutan ni Kurt.

Pero bakit imbes na maging masaya ako sa nakikita kong ngiti sa kanyang mga labi, bakit heto ako at nasasaktan? Nasasaktan ako sa kung paano pasimpleng tignan ni Kurt ang kanyang kausap ng may paghanga na hindi niya magawa saakin.

Nasasaktan ako na sa simpleng salitang namumutawi sa bibig ng lalaking yon ay nagagawa niyang mapatawa ng malakas si Kurt na kelan man ay hindi ko magawa dahil palagi lang siyang naiinis sa'kin. Nasasaktan ako sa nakikita kong kampanteng pakikitungo dito ni Kurt at kung paano niya hayaan lang ang lalaking ito na hawakan ang kanyang kamay na subra niyang ipinag dadamot sa'kin.

Hindi ako dapat maging ganito sa mga oras na ito dahil may problemang kinakaharap si Kurt ngayon, pero bakit hindi ko mapigilan ang sarili na hindi  masaktan sa nakikita kong kakaibang kislap ng kanyang mga mata sa tuwing tinitignan niya ang kausap?

Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now