Prologue

1.5K 29 0
                                    

In Noli Me Tangere they don't say
"i miss you so much"

instead they say

"Hanggang ngayon, ako’y naghihintay. Lagi akong nagbabakasakaling babalik ka, kung kaya’t parati akong naghihintay sa hardin na ating pinagtatagpuan.”

------------------

Sa maraming araw na palagian kong hinaharap, ako'y nagiintay sa pagdating mo nagbabakasakaling makita mo rin ang pagmamahal ko sayo. Kung sakali man dumating ang araw na hindi mo pa rin makita, sana kahit isang sulyap lang ay mabigyan mo.

Gabi, habang nakatingin ako sa napakalawak na dagat tanaw ang buwan na syang nagsisilbing liwanag, dumating ka.

Ang pagdating mo'y aking labis na ikinagalak, animo bumilis ang pagpintig nang puso na para bang umaapaw ito dahil sa tuwa.

Hinawi mo pa ang buhangin sa inuupuan kong punong kahoy bago ka umupo sa tabi ko. Wala kang sinabi, nakatingin ka lang sa buwan na syang nagsisilbing liwanag.

Sumulyap ako sayo bago ako tumingin sa kung saan ka nakatingin, matagal na nasa ganoon lang tayo. Walang nagsasalita sa ating dalawa pero kitang kita ko sa mga mata mo kung gaano ka kasaya mula nung umupo ka sa tabi ko.

5, 10, 15 minuto siguro tayong nakatingin lang sa malayo hanggang sa may narinig akong tumatawag sayo. Lumingon ka kung saan nanggagaling ang tinig, alam ko na agad kung sino ang tumawag sayo kaya't agad din akong lumingon.

Napansin kong tumayo ka, nakangiti kang nakatingin sa kanya. Ngunit bago ka umalis, isang ngiti lang din ang iniwan mo sa akin.



GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon