Maven Domini
after nang dinner nang birthday ni mom ay dumarecho muna ako sa likod bahay kung saan ang pool area, si luv naman ay nasa kusina kasama si Ate Ynah at Joie na nag aayos nang pinagkainan namin at si dad nanonood ng TV sa salas.
pag upo ko sa sofa nakita ko si Mariko at si Mom na nag uusap sa isang place, actually nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako mapapansin.
kitang kita nang dalawang mata ko kung gaano sila kasaya, like siguro ay vibes na vibes nila ang dalawa. Sa ugali kasi ni Mariko ay talagang magugustuhan ni Mom dahil sa jolly na ito, mabait at sobrang galing pang mag luto and knowing Mom, gusto nya din talaga na matuto pa nang ibang putahe pa.
at sigurado naman ako na si Mariko lang yung pwede nyang makatulong sa ganong bagay, actually matagal na talagang nirerequest ni Mom sakin na papuntanin ko daw dito si Mariko pero hindi naman pwede, I mean nilalayuan ko nga sya ehh kaya ngayon na b'day nya wala nang ligtas.
ako talaga ang sinabihan ni Mom na invite ko daw si Mariko dito pero dahil ayun nga, nakisuyo na lang ako kay Ate Ynah na sya mag invite tutal ay close naman sila.
gusto ko silang lapitan dalawa pero hahayaan ko na lang na hanggang tingin ako. Okay na din kasi kami ni Avery at masaya ako sa kanya, may pagkakataon lang talaga na mamimiss ko si Mariko.
Napansin ko na iniwan na ni Mom si Mariko, siguro ay para masamahan naman si Dad sa salas.
Nakita ko na nag salin sa goblet glass si Mariko, hummm I think it's wine.
siguro iniinom nila yun ni Mom, mabilis na tinungga nya iyon. After nya ubusin ay nag salin sya ulit at ganon pa rin ang ginagawa. hanggang sa paulit ulit ito. Siguro ay nakaka limang goblet glass na sya, kaya nag pasya na kong lapitan sya.
"yves." tawag ko sa kanya tyaka ako umupo medyo malapit sa kanya
"don't call me Yves, Domini." matalim ang bawat salita na lumalabas sa bibig nya, para bang anlaki nang kasalanan ko sa kanya, yeah may kasalanan ako kasi iniiwasan ko sya pero bakit parang galit na galit sya
"tama na." kinuha ko yung hawak nyang baso tyaka ko tinapon ang laman nito
tiningnan ako ni Yves nang masama, pero after non ay hinawakan nya yung bote nang wine at yun ang ininom nya
"Yves, please. Ano ba malalasing ka lang ehh." pag pipigil ko sa ginagawa nya
"as if you care, Domini. Palagi ka namang walang pakialam, kaya pwede ba hayaan mo ko." galit na sabi sakin ni Mariko
"uuwi kapa, baka malasing ka tyaka birthday ni Mom." pag cconvince ko na itigil nya na
"gagawin ko kung anong gusto ko." tyaka nya tinungga ulit ang bote na hawak nya
pinigilan ko ulit ito at dumulas sa kamay ni mariko kaya tuluyan itong nabasag
"potek naman Domini, pwede ba lumayo ka muna." sabi sakin ni Mariko at akmang dadamputin nya yung nabasag na bote
pinigilan ko sya pero huli na nung nakita ko ang daliri nya ay nagdudugo na.
sh*t
agad kong hinawakan ang kamay nya, malakas ang pag agos nang dugo nito
"bitaw!" sabi ni Yves sa akin
"pero." nag aalala ako kasi hinahayaan lang ni Yves na mag dugo iyon
"sabi nang bitaw ehh." galit na sigaw ni Yves sa akin tyaka nya winaski ang hawak kong kamay nya
nakikita ko na patuloy na umaagos ang dugo sa kamay nya, wala itong ginagawa. Kahit na pahiran ito ay hindi ginawa ni Yves
"Yves, please." kinuha ko ang panyo sa bulsa ko tyaka ko muling inabot ang kamay nya
"punyeta, sinabing wag mo kong hawakan." sabi ni Yves kaya tinabig nya ulit ang kamay ko pero nakikita ko sa mga mata nya na masakit ito at napapansin ko din na papaiyak na sya
"pero kailangan nating linisin yan, marami nang dugo na lumalabas sa sugat mo. Yves wag nang matigas ang ulo." I'm begging, hindi ko kaya na nakikita syang galit habang nasasaktan
"kaya ko ang sarili ko, hindi kita kailangan." sabi ni Yves at nakita ko naman na kinuha nya yung panyo sa bulsa nya, agad nya itong pinunasan pero hindi malumanay ang pag punas nya dito, may diin.
Kita din ang medyo natuyo nang dugo sa kamay nito ngunit patuloy pa din na umaagos ang dugo sa kamay nya.
napansin ko naman yung panyo sa kabilang kamay nya, sobrang pula at grabe ang paghawak nya. Para bang madiin at lukot lukot ang panyo nya.
"kukuha lang ako nang first aid kit, wait for me." sabi ko na lang kaya tumayo na ko
"no need, Domini." pigil nya sa akin
pinalapad nya ang kanyang panyo at tyaka nito itinali sa kamay nyang may sugat, kita ko na nahihirapan sya sa ginagawa nya.
bukod na patuloy na umaagos ang dugo ay kita ko din na malalim ang sugat, pero nung pagtingin ko kay Yves, para bang wala na itong maramdaman.
kanina ay papaiyak na ito at may galit pero ngayon, walang emosyon ang lumalabas sa kanya.
and I'm worried, big time.
"Mariko, halika na maglalaro na daw tayo nina Ate Ynah at Avery nang jengga." tawag ni Joie mula sa malayo
humarap naman doon si Mariko
binuhol nya muna yung panyo kahit na nahihirapan sya bago sya tumayo at ngumiti kay Joie
"wait, I'm coming." sabi ni Yves at tumayo na ito tyaka ito umalis nang naiiwan ako
"ikaw Dom, sasali kaba?" tanong naman sakin ni Joie
"Mauna na kayo, susunod ako." sabi ko na lang
naiwan akong mag-isa, nakita ko pa ang mga tulo ng dugo na naiwan sa mesa. Masyadong malalim ang sugat pero parang hindi manlang ata yun ininda ni Yves
Alam ko naman na tama ang desisyon na ginawa ko pero pag nakikita ko si Yves na ganon, sobrang sakit para sa akin.
ang hawakan manlang sya ay ayaw nya, ang tulungan sya ay ayaw nya din.
"luv!" narinig kong tawag sakin ni Avery kaya lumingon ako
"hi." lumingon ako nang nakangiti
papalapit sakin si Avery pero hindi nawala ang pagkabigla nya nung nakita nya na may mga tulo nang dugo sa table
"anong nangyari kay Mariko?" tanong nya sa akin
"nabasag yung bote ng wine na iniinom nya and pagdampot nya sa basag na bote ay nasugatan sya." kwento ko kay luv
"hindi mo manlang sya tinulungan? nakita ko pagdating nya agad na kumuha si Joie nang first aid kit para linisin yon, nakita ko sa mga mata ni Mariko ang sakit habang tinatanggal ni Ate Ynah yung panyo na nakabalot sa kamay nya." bahagi ng kwento ni Avery sakin
"luv kasi pinigilan ko syang uminom kasi andami nya nang naiinom kaso dumulas yung bote sa kamay nya kaya mabasag ito." sagot ko naman
"kaya nga ako agad nag punta dito para tanungin ang nangyari, okay lang ba sya? kanina nung nag ddinner tayo masaya namab sya. may problema ba?" tanong sakin ni Avery
"I don't know luv, hayaan na natin sya. Ako na nga yung concern sa kanya pero ayaw nya naman na tulungan ko sya." sagot ko naman kay luv
"mabuti nga nililinis na yun ni Joie ehh, tara na doon sa loob. Nag aaya na si Ate Ynah na mag jengga daw tayo. Sabi naman ni Tita dito na daw ako magpaumaga kasi baka gabihin daw ako kaya pumayag na din ako." pagbabahagi ni luv sakin
ito naman yung gusto ko sa relasyon namin, kailang open kami sa isa't isa at dapat na wala kaming nililihim para magtagal kami
"hummm parang okay yung dito ka mag overnight." sagot ko sa kanya nang nakangiti
"nako ikaw ha! may binabalak ka. Kaso sabi ni Tita sa sofa ka daw." sabi naman ni Avery sakin tyaka sya tumayo at hinigit na ako papunta sa loob nang bahay namin
-----------
ud ud ud!
kinikilig ako sa mekaya TikTok nang Charlotte Folk. hahaha sana kayo din. 🤭🤭
feel free to comment and vote na din kayo. hahaha
BINABASA MO ANG
GLIMPSE
FanfictionA MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone