Finale

495 11 11
                                    

Mariko Yves

ilang buwan na din ang nakalipas, pinasya kong hindi na lang din muna magparamdam sa kanila para na din sa katahinikan ko. Hindi din muna ako nag bubukas nang kahit anong social media ko pero open naman ako sa text messages, yun lang ang access nila para sa akin.

patapos na ang klase kaya agad naman akong umuwi, nagtext kasi si Tito Ted na Dad ni Shee na marami daw tourist ngayon dahil friday at summer season.

Pagdating ko sa resort at dumarecho na agad ako sa room ko, nag pahinga nang konti at susubok na naman sa trabaho. Gusto ko ang ginagawa ko kaya hindi ako mapapagod para dito, mas gusto ko nga yung habang nag aaral ay may kinikita na ko, hindi na para magpadala ang parents ko nang allowance ko sa akin pero kahit ganon ay binibigyan pa din naman nila ako ngutit iniipon ko na lamang, libre naman ako sa pag stay ko at food ko dito.

Nagmadali na ko papunta sa kusina, actually may head chef naman kaya hindi din gaano kahirap for me pag lang talaga madaming tao gaya ngayon na fixed season.

"hi Tito." bati ko kay Tito Ted habang nag susuot nang apron, agad naman akong nilapitan ni Tito Ted tyaka nito tinapik ang balikat ko at nag mano naman ako sa kanya.

"Kamusta school? okay lang ba? nako pasensya kana at pinagmadali kitang umuwi at andami nating guess today." sabi sakin ni Tito.

"okay lang po yun, sige po direcho na po akong kitchen." paalam ko sa kanya tyaka ako pumasok, nag nod lang naman sya sa akin

Inabala ko talaga ang sarili ko dito, pag bakante ang oras ko ay nagpapaturo ako sa head chef namin nang ibang putahe, minsan nga hinahanap din nya ako nang bagong putahe para daw dagdag sa menu dito. Challenging pero mas okay na yun, buong puso naman ang nilaan ko sa trabaho kong ito at tanggal stress din sa pag-aaral at gusto na din talaga na makalimot.

malaking tulong ito at distraction na din. Kung dati halos umiiyak ako gabi gabi na hindi ko maintindihan kung bakit umabot kami ni Dom sa ganito, pero kinalaunan ay natatanggap ko na unti unti.

Aaminin ko na mahal ko pa sya pero kailangan kong mahalin ang sarili ko.

hindi ako pwedeng mag stay sa mga panahong iyon dahil ang kailangan ko lang ay tanggapin na hanggang doon na lang.

Pagabi pa lamang ay andami nang naorder para sa dinner nila dito sa resto, ang iba naman ay order na dinner at sa mga room nila mga balak kumain.

Sa sobrang daming order ay hindi ko na namalayan ang oras, 9:12pm na pala kaya patuloy na dumadami ang tao. Yung iba naman ay hindi na dito direcho sa restaurant pero sa kabilang building kung saan ang resto bar.

marami namang nakaready na food if ever may mag order kaya nag pasya muna akong lumabas at mag stay sa ilalim nang puno, nag dala lang ako nang sandwich at tubig. Hindi pa kasi ako nagugutom, hindi ko din naman agad kasi kayang kumain pagkatapos ko mag luto.

ipinatong ko muna ito sa punong kahoy kung saan ako nakaupo.

pinag masdan ko ang paligid at pilit na ngumiti.


Sa maraming araw na palagian kong hinaharap, ako'y nagiintay sa pagdating mo nagbabakasakaling makita mo rin ang pagmamahal ko sayo. Kung sakali man dumating ang araw na hindi mo pa rin makita, sana kahit isang sulyap lang ay mabigyan mo.

Gabi, habang nakatingin ako sa napakalawak na dagat tanaw ang buwan na syang nagsisilbing liwanag, dumating ka.

Ang pagdating mo'y aking labis na ikinagalak, animo bumilis ang pagpintig nang puso na para bang umaapaw ito dahil sa tuwa.

Hinawi mo pa ang buhangin sa inuupuan kong punong kahoy bago ka umupo sa tabi ko. Wala kang sinabi, nakatingin ka lang sa buwan na syang nagsisilbing liwanag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon