Chapter 6

415 15 17
                                    

Mariko Yves

Andito ako ngayon sa study area nang Univ namin, dito ko iniintay si Cielle dahil dala ko na yung request nyang carbonara at garlic bread. Binili ko na din sya nang garlic bread kasi baka magreklamo pa sya sa akin kung wala akong dala.

"Mariko!" Tawag sakin ni Cielle habang papalapit sakin at nakaway-kaway pa.

Ngumiti ako sa kanya at kumaway na din.

"Asan na yung promise mo?" Tanong nya sakin tyaka sya umupo sa tabi ko

"Eto na nga ohhh." Sabi ko kaya inabot ko na agad yung paper bag

"Mariko?" Narinig kong may tumawag ulit sakin kaya napalingon ako, nagulat ako sa nakita ko it's Ate Ynah.

"Ate Ynah? Wait, anung ginagawa mo dito?" Sagot ko sa kanya tyaka sya lumapit sakin

"Hi Ate Ynah." Bati din ni Cielle kay Ate Ynah tyaka ito nag wave then nag wave din si ate Ynah sa kanya

"May dinaanan lang ako sa office, pinakukuha sakin ni Dad." Sagot naman ni Ate Ynah

"Sorry Mariko and Ate Ynah, need ko na talaga bumalik sa klase ko kinuha ko lang talaga tong bigay sakin ni Mariko." Paalam ni Cielle sa amin

"Ohhh? Pinagluto ka din nya? Grabe ha, for sure masarap yan." Sabi ni Ate Ynah "by the way, sige lakad na baka magalit na Prof. mo sayo ha." Dagdag pa ni Ate Ynah

"Bye guy's." Sabi ni Cielle tyaka nya kami iniwan ni Ate Ynah

"Break kaba ngayon? Tara samahan mo naman ako sa coffee shop jan sa labas nang school. I'm so bored na dito ehh, may inaantay pa kong papers na mang gagaling sa faculty." Yaya ni Ate Ynah sakin ngunit hindi pa man ako naka-oo ay hinigit na nya ako agad palabas.

Pagdating namin sa shop ay tinanong na ko agad ni ate Ynah kung anong order ko, nag order lang ako nang hot matcha at chicken floss buns then naghanap na ko nang vacant para samin ni ate Ynah.

Nagintay lang ako saglit at nakita ko na agad si ate Ynah na papalapit sa akin.

"Sorry ha but busy kaba today?" Tanong sakin ni ate ynah tyaka nya binaba yung tray na dala nya tyaka sya umupo sa tapat ko.

"Hummm regular class lang naman, actually sa hapon ate okay na ko. I mean around 3pm ay wala na kong class today, wala yung Prof. namin." Sagot ko sa kanya tyaka ko naman kinuha yung mga nasa tray para ipatong sa table namin.

"Nag file kasi ako nang leave ngayon gawa nga nitong favor sakin ni Dad, so dahil after nito ay wala na kong gagawin sayang naman yung leave ko diba?" Sabi nya sakin tyaka sya kumuha sa blueberry cheese cake na order nya.

"Sure ate, kaso maiintay mo ba ko?" Sagot ko sa kanya.

Gusto ko rin kasing madivert sa iba yung isip ko, sobrang sakit kasi yung nangyari kahapon like harap harap kong nakita kung paano sila Dom at Avery maging masaya.

Ang sakit, sobra pero kailangan kong mag act na masaya para sa kanilang dalawa na para bang okay sakin na sila nga sana forever kahit yung puso ko nawawasak unti unti dahil sa nangyayari pero wala naman akong magawa kundi tanggapin yun.

Kasi kaibigan lang ako.

"Nice, thanks Mariko." Sabi ni Ate Ynah tyaka ito ngumiti sakin

"Saan ba tayo pupunta? Bigyan mo naman ako nang idea." Tanong ko sa kanya tyaka ako nang sip nang matcha.

"Gusto mo ba sa arcade? How about EK? Or something na kainan, like street food? Anything." It's like, desisyon ko pala ata ang masusunod pero gusto ko yung last na suggestion nya.

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon