Chapter 23

237 14 0
                                    

Mariko

lumipas ang dalawang linggo na hindi ko pinapansin si Dom, kahit ang tingnan ito ay hindi ko ginagawa. pag nakakasama ko sya kasabay kumain sa canteen ay civil, ni hindi kami naguusap, nagtatapon ako nang tingin minsan pero agad ko ding iniiwas, ganon din naman sya sa akin. Siguro nga ay malinaw na ang lahat sa amin, kailangan na naming mag set nang boundaries para sa ikabubuti naming dalawa at sa relasyon nila ni Avery.

"hehehey Mariko, nabasa mo na ba yung gc natin? may pa birthday celebration daw si Sof this coming weekend, sabi nya sa beach resort daw nang Ate Kim nya gaganapin, actually sya talaga nagpumilit sa Ate nya na doon ganapin, hayyy basahin mo kaya yung gc natin." reklamo sakin ni Joie tyaka ito kumamot sa ulo nya

"aba ehh bakit pa sinabi mo na din naman ang information, wait anong oras daw? tyaka diba sa Zambalez yung beach resort nila?" tanong ko

"yeah, kaya nga nagiisip ako ngayon na kung pwede isang van na lang tayo para hindi hassle diba? sabi naman ni Mariko available naman daw yung van nila, nag volunteer pa nga sya na sya na yung magdrive kahit medyo malayo." pagbahagi ni Joie nang mga information

"pero okay lang naman sakin na dalhin ko kotse ko, samahan mo na lang ako dun ako din mag ddrive naman." sabi ko sa kanya

"kung iniiwasan mo si Dom ay alam ko naman pero yung mag ddrive kapa para makasama sa party ni Sof ay hayaan mo na muna, pwesto na lang tayo sa pinaka likod para hindi mo masyadong mapansin si Dom." suggest ni Joie and may point naman sya

"pero kasi hindi ba awkward yun? like, alam naman natin na hindi kami okay ni Dom at yung promise ko kay Avery." pagpapaalala ko

naopen ko kasi kay Joie ang about doon

"tsk! no worries, ako na bahala sa kwento wag mo lang silang pansinin, tabi tayo then tayo mag kwentuhan sa biyahe or kung need mo matulog, hayaan mo hindi din ako mag iingay, basta sabay sabay na lang tayo." pag coconvince nya pa sakin

"okay fine, basta ikaw ang bahala sa akin ha ayoko na din kasi mainvolve sa kanila, pinipilit ko na rin na layuan ko sila para sa peace nang lahat kasi once na malaman nila lahat yun, sigurado ako na gulo to lalo na pag nalaman nila yung sa pagitan namin ni Dom nung nag dinner kayo samin." explain ko

"gets ko Mariko." sabi ni Joie tyaka nya tinapik ang balikat ko "alam ko naman na mahirap sayo lalo na kung alam mo sa sarili mo na may feelings ka kay Dom or sabihin natin na mahal mo sya pero kasi diba? Mali naman, like may karelasyon sya."

napatawa ako nang pagak

"tama nga sigurong itago ko na lang kay Dom yung feelings ko sa kanya no? mas okay na alam nyang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya para hindi nya mabitawan si Avery, oo unfair para kay Avery na baka nga tama na mahal na namin ni Dom ang isa't isa pero tama lang naman ang desisyon ko diba? tyaka baka phase lang din ako kasi diba kita naman nating lahat na mahal na mahal nya si Avery, baka nahanap or nakita nya lang sakin yung mga wala kay Avery, ayoko din naman dumating sa point na malaman ko na ginamit lang ako ni Dom kasi nga kulang yung oras ni Avery sa kanya at minsang ako ang nag pupuno non, ayokong maging 2nd choice, ayokong hanggang doon lang ako, ayokong makasira nang relasyon. Joie, hindi ako puta. Kung sila pa, edi sila pa at wala akong karapatan na umeksena." mahabang litanya ko kay Joie, gusto ko lang din kasing ilabas tong nafifeel ko nung mga nakaraang araw dahil sa pagiiwasan namin ni Dom.

kung kaya nya naman talaga na iwasan ako edi much better, may mga time nga lang na mas madalas na umiiyak ako mag isa bago matulog kasi ang sakit sakit na nag iiwasan na kami ngayon, na para bang hindi namin kilala ang isa't isa.

hindi ko na dadayain pa ang sarili ko but I miss her so much.

"so ano? ililihis ko na ang usapan dahil ayokong makita ka na umiiyak na naman jan nasa school pa naman tayo, pero call? sabay kana sa van?" tanong ulit ni Joie sakin tyaka nya ko inembrace para iparamdam na anjan lang sya always

ngumiti ako sa kanya senyales na payag na ko

"yon! tyaka gawa ka naman nang cookies bago tayo umalis, ayoko nang kumain nang junkfood sa biyahe, healthy living na tayo dapat." nakangiti nakatingin sakin si Joie

"sus! kunwari kapa jan mas gusto mo naman talaga yung mga junkfood ehh." banat ko naman

"hoy! grabe ka." sabi ni Joie tyaka nya ko hinampas sa balikat pero mild lang

"aha! kanina ko pa kayo hinahanap andito lang pala kayo." singit naman ni Sof sa biglang pagdating nya

"so ano nang balita?" tanong ni Joie kay Sof

"nako, inis ako jan." sabay turo sakin si Sof

like, hello anong ginawa ko?

"mag seen ka naman sa gc, ikaw Joie nasabi mo na ba jan kay Mariko na yung about sa birthday ko? tsk! girl seen seen din kasi diba?" sabi ni Sof sa akin, napatawa pa ako kasi si OA naman masyado

"sorry na, nabalita na naman na sakin ni Joie ang about dun." sabi ko na lang

"aii teka, intayin natin si Dom at sasabihin ko nga pala ang iteniraty natin doon." -Sof

ewan ko, pagkarinig ko pa lang nang name ni Maven ay agad akong kinabahan, bakit ba kasi kinailangan na kasama pa ko sa usapan na to, bakit ba andito ko? tsk! si Sof naman kasi ehh

"bakit naman iintayin pa dito? like, edi kayo na lang ang mag usap diba?" sabad naman ni Joie, buti na lang gets nya ko

"andito ka lang pala, sabi mo sa lib tayo magkita." sabi agad ni Dom pagkadating nito

"hayaan mo na at ako'y napachika sa dalawang to, paano kasi itong si Mariko ayaw mag seen sa gc natin diba? napansin mo din ba?" tanong pa ni Sof kay Dom

tumango lang si Dom bilang sagot, napansin ko din na tumingin sya kay Joie pero kahit anong tingin ko sa kanya ay hindi sya nagtatapon nang tingin sa akin

"ano ba kasing paguusapan?" singit ko na para matapos na tong usapan namin

"ganito kasi, nag volunteer si Dom na dalhin yung van nila at sya din driver, balak ko sana na bago tayo umalis ay mag breakfast muna tayo sa inyo, Mariko. hehehe." sabi ni Sof tyaka ito napakamot sa batok nya

"ohh bakit naman samin?" nagulat ako kasi breakfast samin bago umalis?

"ehh kasi miss na daw ni Dom yung mga luto mo, diba Dom?" paghingi naman ni Sof nang sympathy kay Dom para matiyak kong tama nga ang sinabi

"oo sana pero okay lang naman kung hindi, diba? no worries." sabi ni Dom tyaka sya tumingin sakin at nag iwas din nang tingin

natawa ako sa idea, like.

nagiiwasan nga kami diba?

"kung breakfast lang din naman pala, sige kahit sagot ko na ang magbayad sa fastfood at mag drive thru na lang tayo." suggestion ko kasi ayoko nang mainvolve pa, tapos malalaman nila na si Dom nag request na doon samin mag breakfast kasi miss nya na luto ko

how pathetic! napaka cheater.

baka isang araw, ma out of love na lang ako sa kanya pag ganito sya nang ganito.

"okay lang naman talaga na wag na, mahirap lang sakin na driver tapos drive thru? like, paano naman ako makakakain nun?" tanong ni Dom, halata mo na di okay ang mood nya

"exactly! may gf ka then itabi mo sayo tapos magpafeed ka." sagot ko, kasi naiinis na din ako

"wait! chill guy's. ganito na lang, edi tumigil tayo sa isang fast food tapos doon tayo mag breakfast. ano okay ba yon? after natin kumain edi tuloy ang biyahe, bakit ba kasi ayaw mong kumain na lang kila Avery? like kung pwede naman doon or sabihin ko kay Ate Ynah na ipag prepare ka nang breakfast para naman okay ang pagddrive mo kung yun lang ang problema mo diba?" sabad ni Joie, nahalata ko din kasi ang inis nya

tama ba? why Domini acting like this?

sya na nga itong gumagawa nang kasalanan

-----------

hehehey! ud. 🥰🥰





GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon