Chapter 10

432 20 30
                                    

Mariko

Nang makalayo kina Dom at Avery ay agad akong nanakbo, hindi ko alam pero kasi hindi ko na kaya kasi ang sakit sakit na.

Alam ko naman na may relasyon sila pero ang makita silang magkasama at sobrang sweet pa ay hindi ko na kayang tagalan pa, aaminin ko na sobrang mahal ko si Dom na kahit pa maging third wheel ay pumayag ako pero hindi ko naman inexpect na sobrang sakit pala na hindi ikaw yung priority, hindi parating sayo nakatingin, hindi parating concern sayo.

May tumigil na jeep sa harap ko at agad akong sumakay pabalik nang school para kunin yung kotse ko para makauwi na din at magpahinga.

Sobrang swerte ni Avery kung tutuusin, sana ako na lang sya pero hindi ganon. Ako lang to, isang simpleng estudyante hindi gaya ni Avery na nasakanya na ang lahat at super sweet pa na parang hindi mo na kakayanin pa na humanap nang iba.

She's so damn perfect, indeed.

Pagdating ko sa school ay agad akong dumarecho sa parking lot pero agad ko namang nakita doon si Cielle na nakasandal sa kotse ko.

"Hey! Asan sina Dom at Avery?" Tanong sakin ni Cielle

Inayos ko muna ang sarili ko bago ko sya harapin at sagutin sa tanong nya.

"Bakit ka muna nakasandal sa kotse ko? Iniintay mo ko no?" Pang aasar na tanong ko sa kanya

"Asa ka! Hindi ba pwedeng si Joie ang inaantay ko?" Pairap na sagot nya sakin

"Aba! Nag iba ata ang ihip nang hangin pero bago ang lahat asan ang Tupperware ko?" Baka kasi hanapin sakin nang Nanay ko yung binalutan.

May kinuha sya sa bag nya at ibinato sakin, mabuti na lang at nasalo ko ito agad

"Bwiset ka!" Kaya hinampas ko naman sya

"Pero teka, bakit nga andito kana agad?" Paguusisa nya sakin

"Alam mo Cielle, marites of the year ka." Sagot ko dahil hindi ko naman kasi talaga kayang sabihin sa kanya ang totoo.

"In denial ka, aminin mo na hindi mo kayang maging third wheel." Sabi ni Cielle tyaka nya ko hinigit at yinakap, ewan ko pero feeling ko any moment ay papatak ang mga luha sa mata ko

"Alam ko naman, kita ko naman, ramdam ko din naman na you have a huge crush on Domini. Wag mo nang itanggi pa." Dagdag pa ni Cielle tyaka sya bumitaw nang yakap sakin at hinarap ako

Bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko, hindi ko na kaya pang itago to kay Cielle dahil hindi ko na din naman kaya. Gusto ko na din kasing ilabas itong feelings ko, kasi hanggang kailan na ako lang ang nakakaalam nito?

"Ang sakit pala no Cielle, kasi yung taong mahal mo taken na inlove pa sa iba." Sabi ko na lang tyaka ko pinunasan yung mga luha na naguunahan sa pagpatak.

"Let's talk." Sabi ni Cielle tyaka nya binuksan yung pinto nang kotse ko, sa likod kami umupo pareho.

"Cielle, hindi ko ginusto kusa kong naramdaman." Paguumpisa ko

"I know, pero sana naging aware ka manlang." Sabi nya tyaka nya inabot sakin yung tissue box sa kotse ko

"Hindi ko alam na aabot hanggang dito na to the point na magpapakatanga ako para sa kanya makasama ko lang, kahit third wheel lang." Explain ko

"Alam mong may Avery, mahirap yang pinasok mo kasi kahit sumugal ka never kang mananalo." Sagot ni Cielle sa akin

"Alam ko din, hindi naman ako nagdedemand, hindi din naman ako manglilimos nang attention nya, never ko ding sisirain ang relasyon nila ni Avery." Sa sinabi kong yun ay napatungo ako at patuloy na paglandas nang luha sa mata ko

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon