Chapter 16

276 17 10
                                    

Avery

Nagmamadali akong pumunta today sa hospital dahil nabalitaan ko na naaksidente daw si Maven kagabi habang pauwi ito, nabalitaan ko din na kasama nya si Mariko. Umaga ko na nabasa ang messages at may ilang missed calls din. Naka silent kasi ang phone ko kagabi kaya hindi ko na ito nacheck pa.

dumarecho na agad ako sa information area at tinanong ang room ni Maven, kinakabahan ako sa kung anong nangyari sa kanya. Sana naman ay hindi malubha ang aksidente kagabi.

pagkasabi nang room number ay agad akong tumakbo, nasa 2nd floor ito.

humugot muna ako nang isang malalim na hinga bago ako kumatok, doble doble ang kaba ko ngayon pero sana okay sya.

pagbukas ko nang pinto ay nakita ko doon ang ate nya, agad din itong tumayo at yinakap ako. bigla akong kinabahan sa ginawa nang ate nya kaya agad akong nag tanong kung okay lang ba si Maven.

sabi nang doctor ay okay naman sya, may fracture lang sya sa kaliwang bahagi nang paa nya kaya medyo matatagalan ang pag galing at hindi agad makakalakad. sabi naman nang doctor ay mga 2-3 weeks lang naman ito, may konting galos lang sya sa bandang noo at braso dahil bumangga sila sa isang poste, naputukan sila nang gulong at kaya nangyari yun.

agad kong tiningnan si Maven at chineck angga bahagi nang katawan na may galos, gusto kong umiyak habang nakikita ko yung taong mahal ko na nakahiga sa kama pero isinang tabi ko muna yun.

may gusto kasi akong malaman.

"Ate Ynah" tawag ko sa ate ni Maven na nakaupo sa sofa

tumingin lang ito sakin at kita kong mag iintay ito nang kasunod na sasabihin ko.

lumapit ako sa kanya.

"bakit po magkasama si luv at Mariko kagabi?" gustohin ko mang itanong ang kalagayan ni Mariko ay nauuna talaga ang selos ko.

"hindi ko din alam, may nakapag report lang samin sa bahay na naaksidente nga sila kagabi, ngayon kasi ay inaantay ko lang ulit magising si Maven. Si Mariko naman ay okay na, actually wala naman sya halos galos siguro ay may sugat lang sya sa bandang pisngi nya at may bali naman sa kaliwang kamay nya, tinumbok kasi talaga nung poste ay yung driver seat." sagot at kwento sakin ni ate ynah

wala akong nasagot kaya tiningnan ko na lang ulit si Maven na maayos na natutulog.

"nakalabas na din agad si Mariko kagabi, gusto pa nga nya sana magpaiwan dito para bantayan si Maven pero hindi na pumayag si Mama, pinagpahinga na lamang sya para makapa recover din agad sa bahay nila." dagdag kwento pa ni ate ynah

"mabuti naman at okay lang sya." tanging sagot ko

bumalik ako nang upo sa malapit sa kama kung saan nakahiga si Maven, hinawakan ko agad ang kamay nya at nagdasal.

Lord, thank you kasi ganito lang yung naging cause nang aksidente. hindi ko siguro makakaya kung mas malala pa ang nangyari kay luv, salamat dahil hindi nyo sya pinabayaan pasensya na din nagkulang ako sa kanya. sobrang busy ko din kasi kagabi at hindi ko na sya nacheck pa bago manlang ako natulog. Lord, pabilisin mo sana ang pag galing nya.

hindi napigilan nang mata ko ang mapaluha, ewan ko kasi feeling ko nagkulang ako. kaya siguro si Mariko ang kasama nya kasi wala ako, si Mariko ang kasama nya kasi close naman sila, si Mariko ang kasama nya kasi go lang naman lagi si Mariko sa mga trip nya pero ako, wala busy ako.

gusto kong bumawi this time.

hinalikan ko ang kamay ni Maven tyaka ko ulit sya pinagkatitigan.

narinig ko naman na nagbukas ang pinto, nakita ko si Mariko, nakita ko din si Ate Ynah na sinalubong nya si Mariko sa pinto. Nakikita ko ang bakas na sugat sa pisngi ni Mariko at ang benda sa braso nito.

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon