Chapter 9

386 21 10
                                    

Maven Domini

After nang ilang oras ay dumating na din si Mariko, napag usapan namin na isang kotse na lang ang dalhin at yung kotse ko ang gagamitin.

"Hi Mariko." Sabi ni Avery at nag beso pa kay Mariko, ako naman ay nag smile sa kanya tyaka nag wave.

Tanging ngiti lang ang sinagot sakin ni Mariko pero kapansin pansin na hindi masaya ang mga mata nya.

"Tara na." Nag insist na lang ako na umalis na kami, sumakay na si Avery sa tabi ko at si Mariko sa likod. Ako ang driver kaya sumakay na din ako para makaalis na kami.

Habang binabaybay namin ang daan ay masayang nag uusap sina Avery at Mariko patungkol sa pwede naming kainin na street food, kita sa mga mata ni Avery na masaya sya kaya napangiti na lamang ako.

Hindi ko alam pero bigla ko na lang hinawakan ang kamay ni Avery, I love her so much. Pero pag tingin ko sa rear view mirror ay nakatingin din pala sakin si Mariko ngunit agad na nag alis nang tingin. Pagkakita ko nun ay agad akong napabitaw sa kamay ni Avery at ibinalik ko na lang sa manibela ang kanang kamay ko, hindi ko alam kung bakit dapat na gawin ko yun pero yun yung naramdaman ko.

Tinutok ko na lang sa daan ang paningin ko kesa madistract ako kina Avery at Mariko.

After nang ilang minuto

"Ohhh ayan na tayo, park mo na lang dito tapos lakarin na natin yung street." Nagulat ako sa pagsalita ni Mariko pero maayos naman kaming nakakuha nang parking space.

"Eto yung tinatawag na Hepa Lane, sobrang solid dito at lahat na ata nang street food meron dito." Sabi ni Mariko habang naglalakad sa unahan namin, kasabay ko kasi si Avery na nasa likod nya, naharap naman sya samin pag tinuturo nya yung mga stall habang nag eexplain.

"Grabe! First time ko talaga dito luv." Sabi ni Avery at humawak pa sa braso ko.

"Guy's, dito na lang kayo umupo. Ako na lang ang oorder para sa inyo just seat and relax." Sabi ni Mariko

Umupo naman kami ni Avery sa upuan na tinuro ni Mariko.

Si Mariko yung tipo nang tao na walang filter, kung sino at ano sya yun na yung makikita mo. Habang nabili sya ay hindi ko maiwasang na patago syang silipin dahil kausap ako ni Avery.

The way she talks sa mga nagtitinda, yung mura na nga yung street food tapos hihingi pa sya nang free kasi hindi naman daw sya tatawad nang presyo.

Sobrang friendly nya din sa mga tindera, actually kahit sa mga nabili din kasi kinakausap nya din ang mga ito.

Nakita ko din ang pag kindat nya kay manong na nagtitinda nang palamig dahil nahingi pa sya nang extra vanilla.

She's so cute.

Napaka swerte nang taong mamahalin nya, sana lang ay mahalin din sya gaya nang pagmamahal ni Mariko kung sino man yung tao na darating sa buhay nya.

"Ang cute ni Mariko no?" Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Avery dahil pag tingin ko sa kanya ay nakatingin din pala sya don.

Ngumiti muna ako sa kanya tyaka ako nag nod.

"Kanina mo pa sya pinagmamasdan ehh, ang galing nya makipag usap sa mga tao at ang cute nya talaga." Dagdag pa ni Avery

"Ang swerte nang taong mamahalin nya." Bigla ko na lang nasabi kay Avery

"Swerte din naman ako sayo ahh, like ito diba gumawa ka nang paraan para maexperience ko to." Sabi nya sakin

Bigla akong naguilty sa sinabi nya, actually si Mariko lang talaga yung gusto kong kasama dito. Sobrang saya ko pa kagabi na napapayag ko sya but I feel sorry kasi naging third wheel pa sya samin.

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon