Chapter 12

361 17 3
                                    

Maven

Hindi ko alam pero andito ako sa labas nang gate nang school namin ngayon inaantay si Yves.

Inagahan ko ang pasok para hindi sya makalusot sakin, alam ko din naman kung anong kotse nya.

8am pa ang klase ko pero 7:02am nakaabang na ko, alam ko din naman na 8am ang klase nya.

Hindi pa man ako nakakatagal sa pagiintay sa kanya ay nakita ko na ang family car nila, siguro ay hinatid lang sya dito. Nakita ko naman agad sya na bumaba doon, nakita ko din na nagpaalam pa sya.

Gusto ko sanang mag Hi sa kanya pero naunahan ako nang hiya and ano nga ba ang pakay ko sa kanya? Itatanong ko talaga mismo sa kanya na kung bakit nasakanila si Cielle kagabi knowing na may sinabi sya sakin kahapon na may emergency sya.

Fudge! 🤦

"Hi Dom, good morning! Bakit andito kapa sa labas?" Nagulat ako sa bigla nyang paglapit sa akin at nagtanong

"Ha? Ahhh wala." Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko, kinabahan akong bigla sa presence nya.

"Tara na sa loob, baka malate kapa jan." Sabi ni Yves tyaka nya ko tinapik sa balikat at dumarecho sya na makapasok sa gate

"Ahhh Mariko, wait." Pigil ko sa kanya, nakita ko naman na tumigil sya at humarap sya sa akin.

Itinaas nya lang ang kilay nya sanhi na inaabangan nya ang susunod kong sasabihin.

"Ahh kasi nag-alala ako sayo kahapon kasi diba sabi mo may emergency ka kaya ka umuwi nang maaga pero bakit nasa inyo kagabi si Cielle?" Lakas loob na tanong ko

"Yieeee! Selos ka no?" Pagtanong nya nyan ay tyaka sya natawa "joke! Umuwi talaga ako agad kasi nakakahiya naman sa inyo ni Avery diba? Alam mo na babe time nyo yun tapos andun ako pero si Cielle, nako makapal na talaga mukha nun at nakikain lang talaga samin." Explain ni Yves sakin tyaka sya tumalikod at naglakad nang muli

Gusto kong sabihin na nagselos talaga ako pero wala akong karapatan, wala akong karapatan na maramdaman din yun.

Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami.

Habang sinusundan ko si Yves ay tumigil syang muli at humarap sakin.

"Dom, sure ka dito ang way mo?" Tanong sakin ni Yves

Lord! Please, sobrang nahihiya na ko bakit nga ba sinusundan ko pa sya? Sa kabilang way ako.

"Ahhh gusto mo ba hatid na kita sa room mo?" Tanong ko na lang kesa naman magmukha akong tanga sa harapan nya.

"No need, Anu kaba hindi mo ko jowa para gawin yan. Kay Avery mo dapat yan ginagawa at hindi sa akin." Straight forward na sabi ni Yves

Aaminin ko na nahurt ako sa sinabi nya pero tama naman sya.

"Ohhh sorry, bye." Sabi ko na lang at nilagpasan ko na sya, pupunta na lang ako kay Avery or much better na panoorin ko na lang sya mula sa malayo.

Nang makalayo ako ay naupo na lang ako sa isang bench na medyo malapit sa room nina Yves, I don't know pero gusto ko syang nakikita. May 21 minutes pa naman bago mag 8am.

Nakita ko sya na lumabas nang room na may bitbit na paper bag.

Ayokong makita, ayokong maramdam, ayokong mainis pero kitang kita nang dalawang mata ko kung paanong nakangiti sya habang papalapit sa kanya si Cielle.

Kita kong inayos pa ni Cielle ang sleeve nang damit nya at pinagpag ito bago kinuha ni Cielle ang paper bag sa kamay ni Yves.

Sa inis ko'y hindi ko na napigilan ang sarili ko na lapitan silang dalawa.

"Cielle, why are you here?" Tanong ko agad kay Cielle, alam ko na magkaibigan kami pero kasi si Yves yung kausap nya

"Gagi! Ikaw ang bakit andito? Andun yung room ni Avery." Sabi ni Cielle at nginuso pa sa akin ang room nina Avery

"Sabi ko nga sa kanya kanina pa, ang kulit." Pagsang-ayon naman ni Yves kay Cielle

Ang totoo ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanilang dalawa.

"Alam mo, nag breakfast kana ba? Kung hindi pa tara at pagsaluhan natin yong bigay sakin ni Mariko." Sa kabila nang inis ko ay si Cielle din pala ang magsasave sakin sa sitwasyon ko Ngayon

"Mabuti pa nga at mukang gutom pa tong si Dom. Wag kang mag-alala masarap yang ginawa kong clubhouse may pancakes din akong ginawa just in case." Sabi ni Yves at ngumiti sya sakin

"Nako pasalamat ka mabait ako, para sakin lang talaga to ehh pero ishe-share ko pa sayo." Sabi ni Cielle habang natatawa

"Muka namang masarap yan." Sabi ko na lang para medyo maging light yung feeling ko mula kanina

"Masarap talaga yan no. Grabe ka naman sakin, I'm not future chief for nothing." Sabi ni Yves tyaka ito ngumiti sakin

Sobrang cute nya talaga, as in.

"Tara na!." Sabi ni Cielle tyaka nya ko hinigit "salamat nga pala dito." Sabi ni Cielle kay Yves at may binulong pa ito pero hindi ko na inusisa pa kasi baka mali na naman yung feelings na nararamdaman ko para kay Yves.

Habang naglalakad kami ni Cielle papuntang canteen ay tumigil sya bigla.

"Umamin ka sakin, bakit andun ka? Sa kabilang side ang way natin." Tanong ni Cielle sa akin

"Syempre! Gawa ni Avery, Cielle tinatanong pa ba yan?" Dipensa ko na lang

"Kasi ang angas nang pagtatanong mo sakin kanina ehh, kung hindi ko lang alam na gf mo si Avery at dead na dead ka dun iisipin kong crush mo si Yves at nagseselos ka sakin." Sabi ni Cielle habang tatawa tawa

"Gagi! Bakit naman ako magkaka-crush kay Mariko ehh kita mo naman si Avery diba? Avery is super kind, ipagpapalit ko pa ba?" Bawi ko na lang dahil baka mahalata na nga na iba na yung feeling ko kay Yves, alam din naman naming lahat na mali yun.

Dipensa ko na lang kasi baka iba isipin sakin ni Cielle

"Grabe ka naman kay Mariko, parang sinabi mo naman na walang wala si Mariko kay Avery. Sabagay, si Avery nga naman yun pero tandaan mo. Soft hearted si Mariko." Sabi ni Cielle tyaka nya ko tinalikuran at dumarecho na sa Canteen.

May mali ba talaga akong nasabi? Sinabi ko yun para hindi nya mahalata yung feelings ko towards to Yves pero ganon yung lumabas na mini-mean ko?

Wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya sa Canteen, pero pagdating ko nakita ko na kasama nya si Grey habang kinakain nila yung dala ni Yves.

"Hoy Dom, Tara dito kainin na natin to. Masarap sya, the best talaga si Mariko. Jusq! Kung hindi lang ako straight baka jowain ko yun." Sabi ni Grey tyaka sya kumagat sa clubhouse na hawak hawak nya

"Nako! Wag mo nga bigyan yan after nya sabihan nang ganon si Mariko, kahit naman ako parang hindi na ko makakain nang mga luto ni Mariko pag ganon." Sabi ni Cielle pero hindi nakatingin sakin

"Wait, may nangyari ba sanyong dalawa? Parang may something ahh." Tanong ni Grey sa amin

"Cielle, hindi naman kasi ganon yung mine-mean ko about Mariko, like we're friends diba? Sana nagets mo naman ako, yung part ko." Explain ko kay Cielle

"Kahit pa no, paano kung narinig yun ni Mariko lahat? Sana bago mo sinabi nag-isip ka muna." Sagot sakin ni Cielle

"Okay, alam ko naman na mali ako pero nasabi ko na at pag humingi naman ako nang sorry kay Mariko bakit? Magtataka naman sya." Explain ko sa kanya

"Sana sa susunod bago ka magsalita, mag-isip ka muna." Sabi ni Cielle tyaka nya inilapit sa akin yung clubhouse at pancakes na gawa ni Mariko.

---------

Sorry short ud muna. Hahaha.

Tyaka gusto ko din na mamiss nyo naman tong story. Chz!

Vote, follow and comment. Salamatchiii.

🥰🥰🥰



GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon