Chapter 8

408 15 9
                                    

Mariko Yves

After nang dinner kina Dom ay nagpaalam na ako sa Parents nya at kay Ate Ynah, nag insist kasi si Tita na ihatid ako ni Dom sa labas nang bahay nila kung saan naka park ang kotse ko.

"Hummm Mariko, saan kayo galing ni Ate?" Tanong sakin ni Dom bago ako makalapit sa kotse ko

"Ahhh kumain lang kami ng mga street food, hindi ko nga inexpect na nakain pala nun si Ate Ynah." Sagot ko kay Dom na nakangiti dahil naaalala ko pa na super gusto pala ni Ate Ynah nang ganon.

"Nakain nang street food si Ate?" Gulat na tanong ni Dom sa akin

"Oo naman, nakakatuwa nga ihh kasi yung isaw at betamax pa yung favorite nya." Pagmamalaki ko kay Dom "tyaka gusto nya pa na nilalagyan nang suka." Dagdag ko pa

Tipid na ngumiti si Dom sa akin, ewan ko pero yun ang nakita ko sa kanya. Like, hindi ba sya masaya na close ko na yung Ate nya.

"Bakit hindi nyo ko sinama?" Nagulat ako sa tanong nya, as in.

"Bakit? Tyaka diba kumain kayo sa labas ng girlfriend mo, si Avery." Tanong ko sa kanya

"Syempre, gusto ko din kasing mag try na kumain nang street food." Sagot nya sakin na nakangiti na.

"Nako! Hayaan mo sa susunod isasama kita." Sabi ko na lang

"Talaga Yves?" Masayang sabi ni Dom sa akin tyaka ito napayakap sakin

Sa papaanong paraan ko sya tatanggihan? Sa papaanong paraan ko sya lalayuan kung sya mismo ang nalapit sakin. Oo masakit pero kahit konting kasiyahan lang sana maranasan ko kasama sya.

Tanga na sa tanga dahil alam kong may gf na sya, pero bawal ko ba talagang pagbigyan ang sarili ko na makasama sya kahit isang beses lang?

Naramdaman kong bumitaw agad sya nang yakap, yung puso ko na halos hindi na alam kung paano ko pakakalmahin ay patuloy na bumibilis ang pagtibok nito.

Grabe! Iba talaga ang dating ni Dom sa sistema ko and tinawag nya kong Yves? But why?

"Excited na ko Yves! Sana bukas free ka. Gusto ko na talaga matikman yung mga street food. Saan ba masarap yun? Gusto ko din yung mga kulay Orange na blah blah blah."

Ang totoo ay hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nya, nakatingin na lang ako sa mukha nya na sobrang aliwalas dahil sa mga ngiti nya.

How can I resist her?

Napaka swerte nga naman ni Avery, sobrang mahal na mahal sya nang taong sobrang mahal ko.

"Hui Yves naman ehh, nakikinig kaba? Sabi ko anong tawag dun sa street food na malagkit na corn." Tanong sakin ni Dom habang kinukulbit ako "ang cute mo mag space out." Dagdag nya pa tyaka nya kinurot yung pisngi ko na wari ko ay pinanggigilan nya

Awwww! She so cute manggigil. 🥰🥰

Inalis nya muna yung mga kamay nya sa pisngi ko at nahalata ko na nagpacute pa sya sakin.

I'm so kilig, my God!

"Binatog ang tawag dun, may ganon din sa pupuntahan natin." Sagot ko sa kanya

Walang paglagyan yung saya nang puso ko ngayon, ewan ko pero sobrang saya ko. At this moment kahit ngayong gabi nasolo ko sya.

"Uhhh? Tuloy ba tayo bukas?" Patuloy na pagpapacute nya sakin, like sesh! Hulog na hulog na ko Domini.

"Bukas ba talaga agad? Siguro mga after school okay lang ba? 5pm tapos na class ko." Tanong ko sa kanya

"I can wait for you, 3pm tapos nang sakin." Sagot nya naman, sobrang cute nya talaga kasi magpabebe.

Ang sarap iuwi at i-hug buong gabi. Joke! 😂😂

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon