Chapter 14

370 18 6
                                    

Maven

I don't know pero inis na inis ako kay Yves ngayon, actually kanina pa dahil dun sa nakabangga nyang guy sa canteen tapos tinanggap nya pa yung shirt na pinahiram sa kanya. Ngayon makikita ko na suot suot nya pa, wow! ano yun pinagmamalaki nya?

Bahala sya, ayoko syang pansinin.

after kasi namin kumain ni Avery sa canteen kanina ay hinatid ko na sya sa room nya at eto nga habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Mariko.

wala akong balak mag-hi sa kanya or something, kaya dumarecho na lang ako sa room ko. nakita ko naman agad doon si Cielle na naka de kwarto nang upo, nakakainis feeling papi.

"ohh bakit ganan ang itsura mo? inaano kita?" tanong sakin ni Cielle at inayos nya ang kanyang upo.

"wala." sabi ko na lang at naupo na ko sa tabi nya

"ang labo din nyan ni Maven ehh, nag away ba kayo ni Avery at ganyan ang itsura mo?" tanong naman sakin ni Gray na biglang sumulpot sa likod ko

"bahala kayo kung anong nasa isip nyo." sagot ko tyaka ko kinuha ang phone ko, gusto kong itanong kay Yves kung bakit suot nya yung uniform ni Cardova.

[bakit suot mo yung uniform ni Cardova?] -Me

[ha? wdym?] -Yves

[bakit mo suot? nakita kita sa hallway kanina.] -Me

alam kong wala akong karapatan pero kasi naiinis ako ehh.

[parang di mo nakita sa canteen ahh, bulag kaba?] -Yves

[wag mo kong sagutin nang ganyan, umayos ka.] -Me

Nakakainis sya talaga!

"Maven, ano ba? bakit parang inis na inis ka jan?" rinig kong sabi ni Cielle

"pwede ba tumahimik muna kayo." sabi ko na lang

[ano bang pakelam mo? sino ka ba? yes, we're friends pero wala kana sigurong pakialam.] -Yves

"arrggg!" napatayo ako sa inis ko tyaka ako lumabas para kunin yung extra shirt ko at ibigay sa kanya

"anong problema non?" rinig kong tanong ni Gray kay Cielle pero hindi ko na sila tiningnan

agad akong dumarecho sa locker ko at kinuha ko doon yung plain shirt ko para ibigay kay Yves, para lang kasing pagmamay-ari sya nang Cardova na yun dahil sa suot nyang archery shirt.

pagdating ko sa room nila Yves ay wala pang prof. kaya kumatok ako para makuha ang attention nila pero kay Yves ako nakatingin. Nakita ko naman agad na napatingin sya sa gawi ko at hawak nya ang phone nya

"why are you here?" tanong nya sa akin at tumayo sya tyaka lumapit sakin

"wear this." madiin kong sagot tyaka ko inabot sa kanya yung dala kong shirt

"for what?" madiin din na sagot sakin ni Yves habang nakatingin sa mga mata ko

"basta isuot mo to." paninindigan ko sa gusto kong mangyari

"okay na ko sa damit ko." sagot nya sakin at akmang tatalikuran nya ko

"okay ba yang suot mo yung damit ni Cardova?" sabi ko sa kanya habang naglalakad sya palayo sakin

"okay din ba na isuot ko yang damit mo? baka makita pa yan ni Avery na suot ko baka kung ano pang isipin nya." sagot nya sakin at hinarap akong muli

doon ko lang narealise ang mga pinag gagagawa ko, nakakahiya nga naman sa kanya tyaka yung mga text ko.

the fvck! why Dom? why?

"see? naisip mo bigla ang mga sinabi ko." sabi sakin ni Yves

"sorry." sabi ko na lang tyaka ako tumalikod

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon