Chapter 22

227 18 0
                                    

Domini

Nakita ko si Joie at Mariko na sakay sakay nang kotse, siguro ay may lakad yung dalawa. Gusto ko sana yayain si Mariko na mag dinner sa labas para naman sana makabawi ako sa mga pagiwas ko sa kanya pero mukang wrong timing naman ako.

papunta na sana ako sa kotse ko nang biglang tumunog ang phone ko, it's Avery.

napa face-palm ako bago ko sagutin

"hi luv?" sagot ko naman agad

"3 o'clock"

kaya agad naman akong tumingin sa kanang gawi ko, nakita ko sya na kumakaway sa akin at ngiting ngiti.

guilt, yun ang bigla kong naramdaman dahil wala akong ibang inisip kundi si Mariko.

alam ko sabay kaming uuwi today pero may balak pa kong yayain mag dinner si Mariko, okay na din na kasama sya ni Joie kasi kung hindi baka hindi na ko abutan ni Avery dito.

nakita ko naman si Avery na papalapit kaya tinago ko na phone ko, balak ko din kasi sanang kamustahin si Mariko through call kaso wag na lang, andito na ang luv ko.

"hi luv" bati sakin ni Avery tyaka sya nagkiss sa cheek ko.

I don't know pero bakit parang wala nang spark, gusto kong dayain ang sarili ko pero hindi kaya. hindi na ko kinikilig kaya agad naman akong napahawak sa puso ko, baka ngayon lang bukas may spark na ulit

"hey luv, what's wrong?" pukaw sakin ni Avery

"uhh, wala. let's go, i need to rest sobra yung pagod ko today luv." sabi ko na lang, ayoko kasi nang nararamdaman ko.

last time I checked, sobrang mahal na mahal ko pa si Avery pero bakit ngayon ay pabawas nang pabawas ang pagmamahal ko at yun ang ayokong mangyari.

I love her, big time.

"okay luv, humm commute na lang siguro ako tapos direcho uwi kana para maaga ka makapag rest or sabay na lang ako kay Sam pauwi." sabi ni Avery kaya mas lalo akong naguilty.

"no no luv, ihahatid kita. I love you, hindi ko hahayaan na hindi ka makakauwi nang safe so let's go."

pagkasabi ko nun ay binuksan ko na ang pinto nang kotse para makasakay si Avery tyaka ako sumakay para makaalis na.

habang binabaybay namin ang daan, biglang nagsalita si Avery na kinasakit nang puso ko.

"luv, sorry but sinabi ko kay Mariko na layuan kana nya. Sorry kasi nagseselos na ko, sorry kasi ayoko na mawala ka, sorry kasi mahal na mahal kita. Hindi ko ata kayang makita na may kasama kang iba." sabi ni Avery nang nakayuko, nakita ko ang mga kamay nya, malikot na tila ba nangangamba kung tama ba na sinabi nya yun sa akin

"luv, wag kang mag-alala. Ikaw at ikaw lang, I love you to the moon and back." sabi ko na lang para matapos na, ayoko din naman kasing nakikita na nasasaktan si Avery dahil sakin, masakit din sa part ko na kinailangan nya pang sabihin kay Mariko na iwasan ako kasi kung sinabi nya sakin, kahit ayoko, kahit mahirap pipiliin ko na umiwas.

ewan ko kung bakit pag dating kay Mariko nagiging soft ako, ewan ko kung bakit gusto ko syang kasama, ewan ko kung bakit naiinis ako pag may kasama syang iba.

tama pa ba ang nararamdaman ko para kay Mariko or mali na? pero wala naman akong ginagawang masama, we're just friends.

"thank you luv, kaya ko lang din naman kasi ginawa yun alam ko at kitang kita ko kung gaano ka kamahal ni Mariko, kung hindi mo nakikita ang pagmamahal nya, ako kitang kita ko."

doon ako mas nagulat sa sinabi ni Avery, like ako mahal ni Mariko?

ewan ko pero may part sa puso ko na masaya pero kada makikita ko ang mga mata ni Avery na malungkot at nasasaktan ay para bang nanghihina ako.

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon