Chapter 13

448 18 0
                                    

Mariko

Mas mabuti nga siguro na layuan ko pero paano? bakit ako lalayo? mahahalata nila pero kasi mas madalas na hindi ko na kaya.

"earth to mariko." sabi sakin ni Joie kaya naman napalingon agad ako sa kanya, andito kasi kami ngayon sa shed kasi vacant namin

"sorry, pero balita ko may event daw ang department nyo this coming week." pagbubukas ko na lang nang topic

"ahh oo, diba nga nutrition month na next week kaya medyo busy din kami. Mabuti nga at walang patawag na meeting samin ngayon, pahinga na muna." explain ni Joie sakin

"Makakatulong ba ko sa inyo if ever mag volunteer ako?" tanong ko na lang kasi ramdam kong parang kulang sila sa manpower.

"Actually kulang kami nang performer, may event kasi tapos wala pa kaming nakukuhang singer." sabi ni Joie na malayo ang tingin

ramdam ko naman ang problema nya, but yung kakanta ako sa buong campus? kakayanin ko ba?

"hummm hayaan mo, meron naman music club ahh mag invite na lang kayo dun" suggest ko na lang kesa mapasubo ako

"wait! diba marunong kang kumanta? i mean nung birthday ni Cielle diba?" pag-alala ni Joie sa event na yun, at kita mo din yung excitement sa mga mata nya.

tumango na lang ako bilang pag-sang ayon sa kanya kasi totoo naman pero hindi naman kasi ganoon kadami yung tao nung party.

"hulog ka talaga nang langit, Mariko. Siguro naman papayag kana na ikaw ang performer sa event namin? kahit 2-3 songs lang kantahin mo. please." sabi ni Joie na nagpapacute pa.

wala akong magawa kaya pumayag na ko sa gusto nya, bawas isipin ko din kung magiging busy ako kasi lalaanan ko nang oras magpractice although alam ko na ang pyesa na gagamitin ko. kinakabahan pa din kasi ako.

"i think, libre na kita ngayon para hindi kana makahindi pa." sabi ni Joie tyaka nya ko hinatak papunta sa canteen.

pag pasok namin ni Joie sa canteen ay yung taong ayaw ko pa makita ang nadatnan namin, it's Avery and Dom na kumakain nang pasta habang magkasalo sa iisang plates.

"ang aga naman, baka langgamin kami." sabi ni Joie bago sya umupo sa harapan ni Avery "Mariko, tara na dito." Yaya nya naman sakin at no choice dahil sa harap ako ni Dom nakaupo

"vacant kayo?" tanong ni Avery sa amin

"yeah! lilibre ko lang si Mariko ngayon kasi nakuha ko syang performer sa nutrition month, at least hindi ko na isipin pa yun." explain ni Joie tyaka sya tumayo "Mariko, anung gusto mo kainin? ako na oorder para satin. Kayo ba lovers may gusto pa ba kayo?" Tanong naman ni Joie

"No, wala na. Okay na kami, sinaluhan ko lang talaga si Avery kasi hindi daw sya nakapag breakfast sa kanila kanina." paliwanag naman ni Dom

"blueberry cheesecake na lang sakin at pineapple juice." sabi ko kay Joie

"noted! wait lang ha." pagkasabi ni Joie nun ay agad syang pumunta sa counter, mabilis syang makakaorder dahil kokonti ang tao ngayon sa canteen.

ewan ko pero andito na naman ako sa sitwasyon, again third wheel na naman ako.

gusto kong lumayo pero sitwasyon ang lumalapit sa akin. paano ako makakatakas pa sa feelings ko? mali ito, alam kong maling mali ito.

"Asan sina Cielle?" tanong naman sakin ni Avery, like si Dom, Gray at Cielle ang magka-classmate diba?

"busy si Cielle, ang alam ko may pupuntahan sya ngayon. half day nga sya ehh." explain naman ni Dom

"ehh si Gray asan?" tanong ulit ni Avery

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon