Chapter 7

407 17 12
                                    

Maven Domini

I don't know pero nang sinabi sakin ni Ate Ynah yung about sa friendly date nila ni Yves ay nainis na agad ako, like bakit si Yves ang niyaya nya?

2:52pm nakaabang na ko sa parking lot nang school para malaman kung totoo nga, nag intay pa ko nang konting minuto, dumating si Yves at sa konting oras lang din ay nakikita kong palapit na si ate sa kotse ni Yves and to my dismay, totoo nga kaya naman tinext ko kaagad si Yves. Hindi ko alam kung para saan pero sobra akong naiinis na bakit sya sasama kay Ate ehh ako kaibigan nya? Tyaka isang yaya lang sa kanya sasama na agad sya? Seryoso sya?

After ilang minuto lang ay umalis na din sila kaya umalis na din ako kung nasaan man ako at bumalik sa klase ko. Nag paalam lang akong mag c-cr pero ang totoo ay gusto ko lang malaman kung totoo nga dahil sinabi nga ni ate yun sakin kanina.

Inis na bumalik ako sa klase.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang naluge." Banat agad sakin ni Cielle pagbalik ko sa upuan ko

"Wala, ang haba nang pila sa CR." Sagot ko na lang

"Alastres nang hapon mahaba ang pila? Wow!" Natatawa namang singit ni Gray

Hindi ko na lang sila pinansin.

Maya-maya din ay biglang tumunog ang phone ko, agad ko itong binuksan dahil baka nag reply sakin si Yves pero si Luv ang nakita ko.

Napangiti naman ako dahil kahit papano ay naalala ako ni Luv, kanina pa kasing lunch huling text nya pero nag expect talaga ako na sana si Yves yung nag text kasi hindi nya ko nireplyan kanina.

[Sunduin mo ba ako sa room ko later, luv? Medyo maaga kasi dismissal namin so wait na lang kita sa Lib kung sakali.] -Avery

Pagbasa ko ay nag compose agad ako nang irereply sa kanya.

[Sure Luv, no worries. See you later] -Me

Hindi na rin nag reply sakin si Luv kaya nag focus na lang ako sa discussion.

------------

After nang class ay pinuntahan ko na agad si Avery sa Lib, nakita kong nagbabasa ito nang libro. Hindi pa man ako nakakalapit ay nakita nya na agad ako kaya nag wave sya sakin at nag smile.

What more could I ask for?

Tumayo na sya at inayos ang gamit nya, tumulong na din akong ayusin ang gamit nya at ilagay sa bag.

"Gusto mo pa bang mag gala-gala bago tayo umuwi?" Tanong sakin ni Luv paglabas namin nang Lib

Hindi na ko nag dalawang isip pa dahil gusto ko naman syang kasama.

"Talaga ba? Hindi ka busy?" Tanong ko

"Of course, babe time." Sabi nya sakin tyaka nya ko hinila papunta sa parking lot.

Habang nasa biyahe ay napagdisisyunan na namin na sa isang Lomi Batangas kami kumain, meron naman nun dito sa Metro.

Actually gusto nya nang authentic lomi Batangas pero masyado nang late at malayo din naman ang Batangas sa Metro kaya sa favorite place ko na lang na lomi Batangas ko sya dadalhin na dito lang din naman.

Pagdating namin ay naghanap na sya nang vacant para saming dalawa, ako naman ay pumunta na sa counter para mag order.

After ko umorder ay binigyan lang ako nung cashier nang number para sa pagserve nila.

Pagdating ko sa place namin ay agad kong yinakap si Avery behind her back, I really miss her.

Pinatong ko yung dala kong number sa table habang nakayakap pa rin sa kanya, hinawakan nya naman ang mga braso ko at tumingala sya para makita nya ko.

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon