Mariko Yves
tatlong araw ang lumipas mula nung ginamot ni Dom yung sugat sa kamay ko, nasabi ko na din sa parents ko yung desisyon ko na mag apply kina Sof bilang chef sa beach resort nila.
nung una ay ayaw nila dahil nag aaral pa nga ako at medyo malayo din ang zambalez, pero pinaliwanag ko din naman sa kanila na stepping stone ko din yun kung sakali and extra income ko na din. Bukod dun makakalayo ako kay Dom, kasi alam ko naman na never akong magiging part nang buhay nya.
kailangan kong tanggapin.
"Mariko!" tawag sakin ni Sof at papalapit ito sakin
"kamusta yung apply ko?" tanong ko kay Sof
"sure kana ba talaga sa desisyon mo? like, dun kana din mag-aaral?" malungkot na tanong ni Sof at mukang hawak nya din yung resume na pinasa ko
tumango lang ako bilang sagot, tama naman siguro ang gagawin ko. sama tama nga ako
"kasi sabi ni Dad kukunin ka daw nya as chef sa beach resort namin kung desidido kana." pagbabalita sakin ni Sof pero kita ko ang lungkot sa mga mata nya
"okay ako dun Sof tyaka beach resort nyo kaya yun so madali na lang sayo na puntahan ako." pagla-light ko nang mood, ayoko kasing umalis dito nang malungkot sila
"Miss. Ricalde." tawag sakin nang staff sa registrar's office
"wait lang ha Sof." sabi ko kay Sof tyaka ako pumasok sa loob nang registrar's office
andito kasi ako ngayon, inaantay yung mga papers ko para sa pag transfer ko nga sa zambalez. kahapon ako nag request sa kanila at mabuti na madali lang ang process, nagulat pa nga yung ibang prof. ko sa biglaan kong pag alis, sinabi ko na lang na nag apply ako as chef nga pero hindi ko na sinabi na kina Sof ako nag apply dahil privacy ko na yun at hindi na din naman dapat na ipagsabi pa.
nag online na lang din ako para nga makapag transfer ako nang univ. agad sa zambalez. Okay naman sa kanila at pag punta ko nga dun ay dapat na dala ko na yung mga papers na naka list na kailangan ko para matanggap ako sa univ. na papasukan ko.
after ko makuha ay lumabas na ko, nakita ko naman si Sof na hindi pa nga umaalis
"hey Sof." bati ko sa kanya
"nakakainis ka naman ehh, sabi kasi ni Dad as soon as possible dapat mag punta kana dun, sabi ko by Monday na lang tutal ay friday na naman na." sabi ni Sof paglabas ko
yinakap ko sya nang nakangiti
"wag mo ko masyadong mamiss ha, tyaka puntahan mo ko dun palagi." sabi ko na lang kay Sof tyaka ko tinap yung ulo nya
"eto na yung papers mo, approved." pinakita sakin ni Sof yung dala nyang papel, yun pala yung hawak nya "ako na nag approved nan kasi sabi ko naman kay Dad na magaling ka talaga at nasa puso mo talaga ang pagluluto."- Sof
"thank you Sof." nakangiti ko syang yinakap
kung alam nya lang kung gaano ako nasasaktan sa ginagawa ko ngayon baka hindi sya pumayag pero kailangan kong piliin ang sarili ko.
"gusto mo ba na samahan kita pag punta mo dun? makatulong din sa paglilipat mo. Sabi din ni Dad na sa beach resort kana din daw mamalagi para hindi kana magbayad nang renta sa bahay, pinalinis nya na din daw yung matutuluyan mo." dagdag pa ni Sof
"I owe you, bigtime." yinakap ko sya ulit at tyaka kami umalis sa tapat nang registrar's office
-----------
tapos na ang klase nang makita ko si Joie na papalapit sakin, hindi ko alam kung galit ba sya or something
"seryoso kaba talaga mariko?" ramdam ko yung inis ni Joie sakin, kahit naman siguro sino ay maiinis sa biglaan kong desisyon

BINABASA MO ANG
GLIMPSE
Hayran KurguA MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone