[MHHMTD-THIRTEEN]

11.8K 274 13
                                    

[MHHMTD-THIRTEEN]

MAGGIE'S POV

Pinagpapawisan ang mga kamay ko sa kakahintay kay Lucas. Excited ako at the same time ay kinakabahan din. First time ko kaya 'to.

"Maggie stop fidgeting." Sita sakin ni Lucas na kalalabas lang mula sa isang kwarto kung saan kausap niya 'yung magiging O.B ko.

"Sorry..." Matipid kung sagot.

"Come." Gayak sakin ni Lucas papasok sa loob.

"Wifey, this is Dr. Cruz and this is my wife Maggie..." Pakilala pa ng asawa ko.

Napangiwi nalang ako. Sinimulan niya na akung pahigain sa Hospital bed. May kung anong monitor din sa gilid ng hinihigaan ko. Ultrasound 'yan Maggie.

"Maggie stay calm and relax, okay? This is just too quick." Sabi pa ng doctor sakin.

Kalma Maggie! Nasa gilid lang din ang Lucas ko habang nakamasid sakin. He mouthed me a word I love you at medyo gumaan ang pakiramdam ko. Sinimulan naman niyang itaas ang damit ko at may kung anong gel na inilagay sakin saka naman niya itinapat 'yung apparatus na hawak niya.

"Oh? There you go..." Nakangiti pang sabi ng doctor.

Napatingin din ako sa monitor.

"Monggo? Esti! Ang liit naman." Nasabi ko bigla.

Natatawang napatampal sa noo niya ang Lucas ko. Pati ang doctor ay napatawa din. 

"Did you hear the heartbeat now? Your baby is really healthy." Napaiyak naman ako sa sinabi ng doctor.

Lucas was there in my side and hold my hand tightly.

"Oh? Wait! Another heartbeat." Sabi pa ni Doc.

Twins?

"Seryoso po?" Gulat kung tanong.

"Yes, Maggie. Congrats Mr. Hamelton." Baling  niya pa sa asawa ko na parang maluluha na sa saya.

"I love you, Tiger." Lucas said sabay kiss sa noo ko.

Maluha-luha akung napayakap sa asawa ko.

"Mahal na mahal din kita, Idiot."

*****

Matapos naming magpacheck-up, binigyan kami ng doctor ng pictures ng baby namin ni Lucas. Ang cute lang kasi sing liit lang siya ng beans. Nasa loob na kami ng sasakyan ngayun ng Lucas ko. Nakasandal ako sa kanya, siya naman panay ang amoy sakin.

"Hindi ka ba mahihirapan nito?" Alalang tanong ko.

Umiling naman siya at hinalikan ako.

"Nope. Because you were here with me." Nakangiting sagot ng asawa ko.

"Eh 'yung trabaho mo?" Napakibit-balikat naman siya.

"I can work at home. Please don't worry too much, makakasama 'yan sa anak natin." Napangiti ako.

Ang sarap lang sa tainga ang salitang 'anak natin'.

*****

Pagkauwi namin sa bahay, mukha yatang may bisita kami. Hawak kamay kaming pumasok ng asawa ko at mataray din na aura ang ginawa ko. Buntis 'to te! Utos ni babies! Haha. Napangiwi ako ng mabungaran ko kung sino ang bisita namin. Napaismid at napapataas ang kilay ko habang nakikipagtitigan sa kanya.

"Hi Iho..." Bati ni Tita Ysabelle.

"Maggie..." Baling niya pa sakin. Pinaikot ko lang ang mata ko.

"Hi." Plastic kung bati din.

Si Lucas naman, deadma. Dapat lang! Siya kaya ang dahilan kung bakit umuwi ang Jazzel na 'yun at kung bakit nasaktan ang asawa ko. I am not bitter, just protecting my teritory now that I am the wife. Sobrang lapad naman ng ngiti ni Tita Ysabelle, sing lapad din ng kaplastikan!

"Kuya!" Biglang yakap ng lintang 'to!

Leche! Sino ba 'to? Marahan naman siyang itinulak ng asawa ko at hinapit ako sa beywang.

"How are you, Angela?" Bati pa ng asawa ko.

"Ayos lang po, Kuya. Namiss kita." Ngiting-ngiti niya pang sagot sa asawa ko at para bang hindi niya ako napapansin. O talagang ayaw niya akung pansinin.

"Good. My wife, Maggie." Pakilala pa ng asawa ko sabay halik sa pisnge ko. Gulat naman siyang napatingin sakin.

"No way...I mean, bakit 'di ko man lang alam na nagpakasal kana?!"

Halata sa kanya ang pagkabigla at mukhang may gusto siya sa asawa ko.
"It's a private wedding." Tipid na sagot ng asawa ko.

Well, sorry nalang leech! Malapad akung ngumiti, 'yung tipong maaasar siya.

"Hi Angela, nice...meeting...you." Puno ng kaplastikan ko pang pagbati sa kanya. Tipid naman siyang tumango at ngumiti ng pilit.

"C'mon my Tiger, you should take a rest. Twins will get mad." Nakangiti pang yaya sakin ng asawa ko.

"Your pregnant, Maggie?" Gulat na sambit ni Tita Ysabelle. Oh? Another shocking revelation ba?

"Yes, Tita Ysabelle. We'll go ahead, excuse us." Masayang sagot ko pa.

Asar na asar naman ang itsura ni Angela. Pilit na ngumingiti at umaaktong masaya. Tsk! Di marunong umarte! Sabay kaming nagwalk out ng asawa ko.

MY HANDSOME HUSBAND [MR. TAXI DRIVER] BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon