[MHHMTD-THIRTY-THREE]

9.8K 230 9
                                    

[MHHMTD-THIRTY-THREE]

STILL CRAIG'S POV

Humakbang ako palayo sa kanya para kunin 'yung mga gamit namin. Nang bigla nalang bumagsak ang malakas na ulan.

"Hubby! Dali!" Natutuwa niya pang yaya sakin.

Seriously! Talagang nagpaulan pa siya at parang natutuwa pa siya. Patakbo akung lumapit sa kinalalagyan niya.

"Are you crazy?" Mangha ko pang tanong.

"Basa na tayo eh!" She said while smiling at me. Napahilamos ako ng mukha.

"Alright!" So stubborn wife I had.

Binalikan ko nalang ulit ang mga gamit namin na basa narin. We are holding hands while heading back home.

"Galing! Namiss kung maligo sa ulan." Masaya pang sabi ng asawa ko.

"It's bad for you." Nakasimangot kung sabi.

"Hindi naman siguro." Sagot niya.

"Nood tayo ng movie!" Yaya niya pa.

"Oh not again!" Angal ko.

"Bakit ba? Ganda kaya ng Titanic." My Maggie said. Napasimangot ako lalo.

"Simula ng mapanood mo 'yan, you never get sawa. " I said.

"Ilang beses mo rin na iniyakan 'yang Jack na 'yan!" Sabi ko ulit. Sinundot naman niya ako sa tagiliran ko.

"Ang Lucas ko, nagseselos." I just gave her a pokerface.

"Sige na..." Pangungulit niya sakin.

"Whatever..." Sagot ko nalang.

*****

When we reached our beach house, sobrang basang-basa namin, even our phones. Pinaliguan ko rin agad si Maggie para hindi magkasakit. And now here we are, sitting on the sofa watching this movie over and over again together with my wife. Wala akung choice kundi sundin ang gusto niya. I was eating my ice cream and Maggie is eating popcorn. Kinuha ko 'yung box ng tissue sa gilid ko at napasulyap sa relo ko. Napabaling ako ng tingin sa asawa ko. She's starting to cry. Napabuntong-hininga ako at kinuha 'yung hawak niyang bowl ng popcorn at pinalitan ng box ng tissue.

"Bwesit na barkong 'yan!" Galit niyang sabi at panay ang hikbi.

Yeah? I know, my wife is weird but I love her. Puno ng mura at pag-iyak ang maririnig sa loob ng kwarto namin hanggang sa matapos 'yung palabas.

"Kainis...talaga...nakaka...bwesit!" Humihikbing sabi ng asawa ko.

Napatawa ako ng mahina at marahan siyang dinampian ng halik sa noo niya. My tiger is not always in her bad temper. Simpleng babae din siya na marunong umiyak sa tuwing nanunood ng ganitong palabas. Makulit din kahit minsan sobrang taray. But all in all, I love the way she are. I heard she snore. Mukhang nakatulog sa sobrang pagod. Binuhat ko na siya at inihiga sa kama. I kissed her gently on her lips.

"Goodnight tiger."

MAGGIE'S POV

Napadilat ako bigla dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Tiger, get up now." Napakurap muna ako bago napabangon.

"Oh? Anong oras na ba?" Humihikab ko pang tanong.

"Quarter to eight tiger. Come on, look at your face. Parang kinagat ng ipis 'yang mga mata mo." Napanguso ako.

"Killjoy mo kasi." Sabi ko pa at bumaba na ng kama.

Sinipat ko siya ng tingin. Nakaswimming trunks lang ang Lucas ko at may nakasabit na sando sa balikat niya. Ang abs!

"Kape nalang ang kulang...hmm.." Sabi ko pa habang nakaglue ang mata ko sa katawan niya.

"So silly. Mas hot kay Jack." Sabi niya pa at lumapit sakin.

"Seloso mo talaga." Natatawa ko pang sagot. He just smirked at me.

"Breakfast is set at the open cottage. Change your clothes now." Sabi niya pa habang hinuhubad 'yung suot kung pantulog.

Namumula yata pisnge ko. Sinimulan na din niyang ini-unhook ang suot kung bra at panty. Binihisan niya ako ulit ng swim wear ko. Iyong two piece na pinili niya para sakin.

"Kailan ka pa naging manyak?" Nakataas kilay kung tanong sa kanya.

Napakamot naman siya sa batok niya at napapangiti.

"Naughty. You're blushing tiger." Sagot niya at hinalikan ang tiyan ko. Marahan nalang akung napailing.

MY HANDSOME HUSBAND [MR. TAXI DRIVER] BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon