[MHHMTD-TWENTY-ONE]

10.4K 254 0
                                    

[MHHMTD-TWENTY-ONE]

STILL MAGGIE'S POV

*****

Sa opisina....

"Bakla! How was it?" Natutuwa pang salubong sakin ni Jeric.

"Good or bad news?" Tanong ko. Naupo naman siya sa couch.

"Both! Dali na bakla!" Pagmamadali niya pa sakin.

Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa mesa at napasandal sa edge nito. Napahalukipkip ako at todo ngiti kay Jeric.

"Kambal ang anak ko." Sabi ko agad. Napatalon naman ang bakla sa sobrang tuwa.

"Oh my god bakla! Instant 'yan 'te!" Sabi niya pa habang napapalakpak.

"Wag kang magsaya Jeric. May bagong epal na naman!" Inis ko pang sabi.

"What? As in? Sino na naman ba 'yan?" Napaupo ako sa couch at ipinatong ang mga paa ko sa lamesita.

"Pamangkin ni Tita Ysabelle." Tipid kung sagot.

"Really? Ayaw ni Papa Lucas doon sa Tita niya diba? Ano ba ginawa sa'yo ng babaeng 'yun ng masugod ko! Hmp!" Napaismid ako.

Ayaw ko mang alalahanin pero gusto kung ilabas ang galit ko.

"Yup, at 'yung malanding fungus na 'yun? Akalain mong bagong salta pero gumawa na agad ng paraan para guluhin kami ni Lucas. Naghubad ba naman sa harap ng asawa ko." Galit kung sabi. Napatayo naman siya at hindi maipinta ang mukha.

"What!? Masusugod ko 'yang baklang 'yan!" Inis pang sambit niya habang sinasabunutan ang sarili niya. I flip my hair at sinipat ang mga nail polish ko.

"At least hindi siya pinatulan ng asawa ko pero hindi ako dapat makampante. Nagpapatira ako ng ahas sa pamamahay ko at kailangan kung alisin ang kamandag nito." Makahulugan kung sabi. Napakislap naman ang mga mata ni Jeric.

"Makabisita nga sa mansion mo minsan." Sabi niya pa.

"Magdala ka ng pagkain na vanilla flavor..." Bilin ko pa. Napakibit-balikat naman siya at tumayo na.

"See you later bakla..." Paalam pa ni Jeric sakin.

Sa paglabas niya ay siya ring pagpasok ni Ella. Napatayo ako at umupo na sa working table ko.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko pa ng hindi nag-aangat ng tingin sakin.

"We have a problem..."

Napaangat ako ng tingin at napasandal sa upuan ko.

"C.E.O ako at hindi taga-bigay ng solusyon sa problema mo." Sagot ko pa.

Napakagat-labi naman siya at pinipigilan ang pag-ikot ng mata.

"They need you to post again for the branch." Sabi niya pa.

I smirked.

"Hindi nila ako hahanapin kung magagaling ang mga modelo mo." Sagot ko pa.

Kainis! Bawal na akung magsuot ng six inches heels. Mapipitik na naman ako sa noo nito kapag sumuway ako kay Lucas.

"Problema mo 'yan, sulosyunan mo." Sagot ko nalang.

"Maggie please..." Sumamu niya pa. Napatawa ako ng mahina.

"Ngayun nagmamakaawa ka na? Himala!" Napatayo ako sa upuan ko.

"Halata naman sa tiyan ko na medyo maumbok na diba? Buntis ako kaya hindi pwede." Sabi ko pa. Nangislap naman ang mga mata niya.
"You just exactly perfect for it. Buntis nga ang kailangan ko." Napangiwi ako.

"You owe me for this." Walang choice kung sagot. Bahala na si Batman!

MY HANDSOME HUSBAND [MR. TAXI DRIVER] BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon