[MHHMTD-FOUR]

15K 306 11
                                    

[MHHMTD-FOUR]

STILL MAGGIE'S POV

********

"I'll fetch you later, Wifey." Lucas said sabay kiss sa lips ko.

Nakadungaw lang kasi siya sa bintana ng kotse. I insist kasi na huwag na akung pagbuksan. Yung driver nadin ang magmamaneho.

"Ingat ka." Tumango naman siya at kinindatan ako tapos umalis na sila.

Naiwan akung nganga! Gosh! Shumashalala puso ko.

"Bruha!"

"Baklang buntis!" Gulat kung sabi.

"Wish ko lang maging totoo bakla! Haha."

Pinagpapapalo ko si Jeric ng purse ko.

"Kyaa! Sadista!" Angal niya sabay layo sakin.

"Pagugulungin talaga kita! You scared me!"

"Baklang 'to! Late ka."

I flip my hair.

"Amo ka?" Mataray kung sabi.

Napanguso naman siya. Ilang segundo lang pareho kaming nagtawanan.

"I miss you bakla!" Jeric said at nakipagbeso-beso sakin.

"Namiss din kita. Pakidala nga."

Napapadyak naman siya habang inaabot 'yung mga gamit ko. Hahaha! I love making asaran with him. I cling my arm to his arms.

"May pasalubong ako sayo." I said.

Para naman siyang nakakita ng ginto sa sinabi ko.

"Yung bikini ko ah!" Maktol niya.

"Yuck! Haha. Tara na nga."

Pumasok na kami sa elevator. May sasabay sana samin pero nakilala nila ako agad kaya yumuko nalang at bumati. Hindi narin sila nakisabay samin ni Jeric. It's nice to know na may respeto sila sakin.

"Te! Kamusta ang honeymoon?"

"Masaya." Nakangiti kung sagot.

"Hala! Ninang ako ah?"

"Baliw! Ninong dapat! Haha." Asar ko.

Napapadyak naman siya.

"Magpapatransplant na talaga ako." Maktol niya.

Binatukan ko siya.

"Yan ang wag na wag mung gagawin. Maraming kumplekasiyon 'yan Jeric. Oo nga at bakla ka pero hindi ibig sabihin na kailangan mo ng magtransform bilang isang babae. Kung ano ibinigay sayo ng Diyos, tanggapin mo at huwag ka ng umangal. Makuntento ka, okay? Kahit ganyan ka, mahal kita at mahal ka ng pamilya mo, isama mo pa si AJ." Mahabang payo ko.

Teary-eyed naman ang loko.

"I love you na talaga. Kahit talaga bruha ka pero lage ka namang may sense."

I just tapped his shoulder.

"Umayos ka Ms. President." Nakangiti kung sabi.

Siya kasi ang ginawa kung presidente ng kumpanya ko habang nasa bakasyon kami ni Lucas. Umayos naman siya at nagretouch pa. Napailing nalang ako. Bumukas naman agad 'yung elevator. I did my fiercer look. Taas noo akung naglakad sa gitna. Si Jeric naman nakasunod lang sakin. Huminto ako sa gitna. Isa-isa kung tiningnan ang mga tauhan ko.

"Goodmorning po Mrs. Hamelton." Bati nila sakin.

Masarap sa tainga.

"Goodmorning. Let's go back to work." 

I hate discussion, explaining my part or what so ever. Ipakita lang nila sakin na magaling sila sa trabaho. I am fine with it. Tinalikuran ko na sila at pumasok sa opisina ko. I sat down in my swivel chair.

"Te? Meron ka? Ang sama ng aura mo." Jeric said.

"Marami akung nakitang hindi tama." Matapat kung sabi.

Napaupo naman si Jeric.

"Am I fired?"

Napaismid ako.

"Baliw! Haha. I was just joking."

Napalupasay naman siya.

"Bruha ka! Tinakot mo ako."

Nagkibit balikat lang ako.

"I have my secretary diba? Where is she?" Tanong ko.

"Oh her? Naku busy te! Nasa labas 'yun."

Napatango ako. Naghalungkat ako ng mga papers. Si Jeric naman, naupo na sa mesa niya sa kabilang office. Hinagilap ko 'yung intercom.

"Please call the head fashion designer. I need her in my office." Utos ko.

"Right away ma'am." Sagot sa kabilang linya.

Napatayo ako at napasandal sa edge ng mesa habang nagbubuklat ng files.

"Tss! Why you wanted to see me?" Maarte niyang sabi.

"So rude, Ella." Pasarkasmo kung sagot.

"Duh! Edi sana hinayaan mo nalang akung umalis diba! I hate working with you."

Napacross arms ako.

"I hate working with you too." Taas kilay kung sagot.

"Then let me resign! Is this some kind of your revenged? Still bitter." She retorted.

Ngumiti ako ng sobrang lapad.

"Buksan mo 'yung bintana." Utos ko.

Nakipagtitigan siya sakin bago niya ako sinunod.

"Now what?!" Inis niyang sabi.

"Tumalon ka." Utos ko.

"What?! Are you nuts?!" Gulat niyang sabi.

Napangiti ako.

"Matagal na akung baliw. Gusto mong e-apply ko sayo?"

"You're crazy!"

Kinuha ko 'yung folder at nagbuklat ulit.

"Come to think of it. Kung bitter pa ako, malamang kanina pa kita itinulak diyan. Malamang din na ipinakulong ko na ang kapatid mo dahil sa ginawa niya sakin...."

I paused and looked ate her.

"Tanga! Stupida o Bobo kaba! Una, hindi kita pinipigilang magresign. Pangalawa, hindi kita kinuha bilang isang Head para lang maghiganti. Bulag kaba at tanga dahil hindi mo nakitang may potensiyal ka. Pangatlo,  bobo ka dahil perma ka ng perma ng kontrata. Nakalagay doon na hindi ka pwedeng magresign, not unless your contract will be terminated or it ends to it's due. Pang-apat, nagkakaintindihan ba tayo? Kung oo, get out and submit your report. ASAP!" 

Tulala naman ang gaga.

"Now na!" Untag ko.

Kumaripas naman siya ng lakad palabas ng opisina ko. Tss. Sister are sisters.

MY HANDSOME HUSBAND [MR. TAXI DRIVER] BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon