h[MHHMTD-THIRTY-ONE]

10K 244 3
                                    

[MHHMTD-THIRTY-ONE]

STILL MAGGIE'S POV

*****

Ilang oras din akung nakaharap sa salamin. Malaki na nga ang tiyan ko.

"Hey?" Untag sakin ng Lucas ko kay napalingon ako sa kanya.

"Maganda ba?" Pakita ko pa sa suot kung itim na evening gown.

Maluwang ito sa may bandang beywang ko para naman hindi masiyadong halata ang umbok ng tiyan ko.

"Better as always..." Sagot niya sabay halik sa noo ko at marahang hinaplos din ang tiyan ko.

Mabilis ko din siyang hinalikan sa pisnge at kinuha na 'yung pares ng sandals ko. Bigla naman niya itong inagaw sakit at siya narin mismo ang nagpasuot nito sakin. Prinsesa niya ako eh! Inalalayan narin ako, hanggang sa makababa na kami ng hagdan. Malapit lang naman 'yung function hall. Ilang lakaran lang naman pero sa kagaya kung buntis, tinatamad ako. Nakahapit sa beywang ko ang Lucas ko habang naglalakad kami. Kumakapit din ako sa kanya para hindi ako matapilok kung sakali man. Buhangin paman din ang nilalakaran namin. Pagkarating sa function hall, bumungad sakin ang napakaeleganteng party.

"Pinaghandaan talaga..." Kumento ko. Mabilis naman niya akung hinalikan sa noo ko.

"Anything for you tiger..." Malapad akung napangiti.

Pagkapasok namin, lahat sila bumati sakin, maliban kay Angela na inirapan lang ako at nagpalit na nang ibang damit. Buti naman at nakuha niya 'yung warning ko kanina.

"Iha, it's nice to know that you're. Ang akala ko ay hindi ka na bababa." Salubong ni Daddy Zack samin at niyakap ako ng mahigpit.

"You know my wife, Dad. She's not a party girl." Sagot ng Lucas ko.

Napatango-tango naman si Daddy pero nanatiling paring masaya ang mukha nito.

"You made me so proud, Craig. Finally, we have twins in this family very so soon." Sabi pa ni Daddy Zack habang tinatapik ang balikat ng Lucas ko. Ang gwapo nilang tingnan!

"Nah! You should, Dad." Nakangiti din namang sagot ng Lucas ko.

Marahan niya lang uling tinapik sa balikat ang asawa ko.

"I'll leave you for now lovers." Nakangisi pang paalam ni Daddy Zack samin.

"Come..." Gayak pa ng asawa ko. Tinungo namin ang beranda ng function hall.

"I'll get you some food. Wait here..." Paalam pa ng Lucas ko at tango lang ang itinugon ko.

Nakatanaw lang ako sa dagat ng pansin kung may tao sa likuran ko. Pagbaling ko ng tingin, mula ulo hanggang paa ko siyang sinipat at tinaasan ng kilay.

"Buhay ka pa pala..." Sabi ko pa sabay ismid.

"Mahirap mamatay ang masamang damo. Gaya mo, mahaba parin ang sungay." Sagot naman niya at tumabi sakin.

"Mas mahaba, mas nakakatakot. Kaya nga ang dapat sa masasamang damo kailangan ng isemento para hindi na tumubo pa." Sagot ko rin pabalik.

"Well, I am so sorry, that won't happen..." Nakangiti niya pang sagot. Napaismid ako.

"Hindi ko matandaang invited ka, gate crasher." Nakahalukipkip ko pang sabi.

"I invited my self anyway kahit sobrang cheap nang party na ito." Mataray din niyang bwelta.

I flip my hair and step closer to her.

"Cheap but you enjoyed your food." Mahina pero madiin kung saad at pinuna ang hawak niyang plato na may lamang deserts. Inirapan niya lang ako. Napaharap ako sa dagat.

"Pareho pala tayong mukhang butete. Ang pinagkaiba lang, maganda at sexy parin ako pero ikaw? Pumangit ka." Pang-asar ko pa.

Binagsak naman niya 'yung plato sa corridor.

"Pwede excuse!? Buntis kaya ako! Hmp!" Inis niya pang sagot.

Napatawa ako ng malakas.

"Nakakamiss karin palang kaaway." Sabi ko pa.

"Duh! Pwes ako hindi! Nakakabwesit ka kayang kaaway, laging nambabara." Nakanguso niya pang sagot.

Napatawa ako ulit ng kunti.

"So? How's life, Jazzel?" Tanong ko pa.

Matagal na kaming bati pero sa tuwing nagtatagpo kami, puro lang kami iringan at asaran but I am enjoying it anyway. Sino ba naman ako para hindi magpatawad kahit na malaki ang atraso niya sakin. Ang importante sakin ngayun ay kung ano ang hinaharap ko at hindi para balikan ang nakaraang nangyari na at hindi na maibabalik pa.

"Well, as you can see, masaya ako." Sagot niya pa at napahaplos sa tiyan niya.

Sa tantiya ko, malapit na ang kapanganakan niya.

"And how's with Paul?" Tanong ko ulit.

Nangislap naman ang mga mata niya sa tanong kung iyon.

"I am madly, deeply in love with him...again." Sagot niya pa na parang kinikilig.

"Mabuti naman at natauhan ka." Sagot ko na lamang. Bumuntong-hininga naman ito.

"Sa simula mahirap. Mahirap din palang ibaling sa iba 'yung nararamdaman mo. Pero habang tumatagal, nakaya ko naman. Isa pa, una ko naman talagang minahal si Paul kaya medyo hindi ako nahirapan." Paliwanag niya. Napangiti ako sa pagiging honest niya.

"Then, I might say you're lucky." Sagot ko na lang. Napatawa din naman siya.

"What does she doing here?" Sabi niya pa bigla at napasubo ng ilang pirasong blueberry cheese cake.

"Who?" Taka ko din namang tanong.

"That Angela Villanueva." Nakanguso pa talaga niyang sagot. Napalingon ako sa likuran ko at napahalukikip.

"Just a bitch again like you." Walang gana kung sagot. Napakunot-noo din naman ako.

"You knew her?" Curious ko pang tanong. Sumubo naman ito ulit bago sumagot.

"She's crazy! Nakalabas na pala siya sa rehab..." Sagot niya na may halong pagkagulat pa. Mas lalong nalukot ang mukha ko sa narinig ko.

"You mean..." I said as my eyebrows raised.

"Yup! Nabaliw ang babaeng iyan. She always claim that Craig Lucas is Craig Simion, Lucas cousin. Reast in peace to him." Sagot ulit ni Jazzel sakin.

Halos malaglag ang panga ko sa nalaman ko. Napapatira ako ng baliw sa pamamahay ko! Kaya pala ganun nalang ang kontra ni Lucas na patirahin sila sa bahay namin. At ang tanga ko lang din dahil pumayag ako sa ideyang 'yun.

"I can't believe this!" Iritado kung sabi.

"Mag-ingat ka sa babaeng iyan. Kung ako, malala, mas malala ang babaeng 'yan. She even always sabotage me noong naging kami pa ni Lucas." Babala niya.

Taas-noo akung humarap kay Jazzel.

"Patataubin ko ang babaeng iyan, like what I did to you." Prente kung sagot.

MY HANDSOME HUSBAND [MR. TAXI DRIVER] BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon