[MHHMTD-THIRTY]

9.9K 227 4
                                    

[MHHMTD-THIRTY]

STILL CRAIG'S POV

*****

Pagkadating sa kwarto, agad akung umupo sa sofa at kinandong ang asawa ko. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Medyo gumaan na din ang pakiramdam ko.

"Okay ka na ba?" Pukaw sakin ng asawa ko.

"Yeah, I want ice cream." Sagot ko at hinawi 'yung buhok niya.

"Dito ka lang, okay? Ikukuha kita sa baba." Sabi pa niya habang hinahaplos ang pisnge ko.

"I'll wait you here..." I said as I nibble her lower lip.

Mariin niya naman akung hinampas sa balikat ko at tuluyan ng tumayo mula sa pagkakakandong sakin. I heard the door close as she stepped outside. Isinandal ko na lamang ang ulo at napapikit. I felt so sleepy again.

MAGGIE'S POV

Dahan-dahan akung bumaba ng hagdan at tinungo agad ang kusina. Nasagi tuloy sa isip ko kung bakit nasa men's room din si Angela. O baka naman siya ang may dahilan kung bakit ganun nalang ang nadatnan ko kay Lucas kanina. Kinabahan talaga ako kanina nang tumawag siya, na para bang kinakapos ng paghinga. Siguro ay dahil iyon sa pabango ng fungus na 'yun. Napapailing nalang akung dinampot 'yung cornetto.

"Ano ba pabangong gamit mo?" Biglaang sulpot niya sa harapan ko. Napaismid ako.

"Why should I tell you?" Sabi ko pa.

"Para naman hindi na niya ako iwasan kapag nagkita kami." Sagot niya.

Napasimangut ako. Kapal ng mukha!

"Efficasent ang gamit ko! Tabi!" Bahagya ko pa siyang tinulak para makadaan ako. Gusto ko ring matawa sa isinagot ko sa kanya.

"Are you serious!?" Sabi niya pa sabay hawak sa braso ko. Matalim ko siyang tiningnan.

"Do you think I am laughing or even cracking a joke? Let go of me! Amagin pa ako sa'yo!"

Inalis ko 'yung kamay niya na nakahawak sa braso ko. Pumanhik ako agad sa itaas at marahang pinihit 'yung doorknob. Bumungad sakin ang mahimbing na natutulog kung si Lucas. Kinabig ko 'yung pinto pabukas at marahan itong isinara ulit ng makapasok na ako. Inilapag ko 'yung cornetto na hawak ko sa lamesita at dahang-dahan na umupo sa tabi niya. Sobrang sama siguro ng pakiramdam niya kaya nakatulog agad. Siguro ay maselan ako kung nagkataon man na ako mismo ang naglilihi. Nagui-guilty na ako sa sitwasyon niya. Marahan kung hinaplos ang mukha niya. Napadilat naman siya bigla at kinabig ako cornetto pagkakita niya rito.

"You okay?" Nag-aalala ko pang tanong sa kanya.

"Hmm..." Tipid niyang ungol at napatango ng kunti habang kinakain niya 'yung ice cream.

Kahit medyo lusaw na, go parin!

*****

Nakapalumbaba akung nakamasid sa Lucas ko. Nag-aayos kasi ng necktie niya, pati coat na susuotin niya.

"Aren't you gonna change?" Kunot-noo niya pang puna sakin.

Napatihaya ako sa kama at marahang napahaplos sa lumalaki kung tiyan.

"You know I hate attending party, ayos na sakin 'yung tayo-tayo lang but I know Daddy Zack won't allow that to happen." Sagot ko.

He sat beside me and leaned down to kiss my forehead.

"Alright, after the programme, I'll pick you here. So get dress."

Napangiti ako ng wagas at agad napabangon.

"Thank you, Idiot." Sabi ko pa at mabilis siyang hinalikan sa pisnge niya.

"Get dress now..." Utos niya pa ulit sakin.

"Oo na po." Tipid kung sagot at bumaba na ng kama.

Dumiretso ako agad sa banyo pero sumilip muna ako kay Lucas.

"Hubby, don't forget to bring your perfume." Paalala ko.

Baka kasi sumama na naman 'yung pakiramdam niya.

"I got this! See you later tiger." Narinig ko pang sigaw niya sakin.

"Okay!" Sagot ko din.

MY HANDSOME HUSBAND [MR. TAXI DRIVER] BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon