[MHHMTD-THIRTY-SEVEN]

9.7K 216 0
                                    

[MHHMTD-THIRTY-SEVEN]

STILL MAGGIE'S POV

*****

Isang linggo ang lumipas.

Isang linggo ko nang napapansin na balisa si Lucas. Napansin ko rin na panay ang pagtatalo nilang dalawa ni Angela pero sa tuwing nagtatanong ako, lagi niya itong iniiwasan, bagkus ay nilalambing niya lang ako ng matindi.  Napansin ko rin na hindi man lang nag-abalang mag-empaki si Tita Ysabelle at Angela. Ni hindi na nga siya nakikipagtalo sakin o nakikiepal man lang. At mukha natapos narin ang paglilihi ni Lucas dahil kumakain na siya ng paborito niyang dried fish Lapu-Lapu. Mabuti narin 'yun para hindi siya mahirapan. Napabuntong-hininga ako. Kinuha ko 'yung bag ko at lumabas na ng bahay. Nagpahatid ako sa Hospital at hindi alam 'yun ni Lucas. Gusto ko siyang surpresahin tungkol sa gender ng magiging kambal namin. Masiyado kasi siyang abala sa trabaho. Bumalik din siya sa pamamasada dahil mas gusto niya daw 'yun. Nagtataka man ako pero hindi nalang ako nagtanong pa kasi ang importante sakin ay masaya siya. Ang hindi ko lang talaga maalis sa isip ko ay ang matinding pagkabalisa niya, masiyadong tahimik at parang laging kabado. Minsan din hindi ko na siya makausap ng matino.

Kinuha ko 'yung phone ko at tinawagan si Leah, ang secretary niya. Ilang segundo din bago niya sinagot.

"Goodmorning po ma'am Maggie. May kailangan po kayo?" Sagot niya sa kabilang linya. Napahugot ako ng malalim na hininga.

"May napansin ka ba sa asawa ko?" Tanong ko.

"Kung sa trabaho po, wala naman po. Pero kung  sa..." Napatigil naman siya saglit.

"Ano Leah? Ayaw ko nang nabibitin sa ere." May halong pagkaaburido sa tono ko. Narinig ko naman siyang napatikhim.

"Nitong mga nakaraang araw po, napapansing kung balisa si Sir. Mukhang malalim ho lagi ang iniisip eh. At saka kahapon po, para po siyang umiiyak." Napahawak ako sa tiyan ko. Tama nga ang hinala ko na may problema siya.

"Sige Leah, salamat. Pakiusap ko lang sana na huwag nang makarating pa kay Lucas ang pinag-usapan natin." Bilin ko.

"Sige po." Ibinaba ko na 'yung tawag.

Mariin akung napakagat-labi at napaayos ng upo. Para bang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.

*****

Pagkarating namin sa Hospital, kinuntak ko agad ang obgyne ko. Naupo muna ako sa waiting area para hintayin ang doctor ko.

"Maggie..." Biglang bungad sakin ng obgyne ko.

Napatayo ako agad at kinamayan siya. Pansin kung napalinga naman siya sa likuran ko.

"Where's Lucas?" Tanong niya. Matipid akung ngumiti.

"Busy po eh. Pwede na po ba tayong magsimula?" Pagmamadali ko pa. Gusto ko na kasing umuwi ng bahay pagkatapos nito.

"Sure! Come..." Gayak niya sakin. Tinungo namin ang laboratory niya.

Agad din naman kaming nagsimula. Matapos ang ilang minuto, nakuha ko din naman agad ang resulta. Binitin pa kasi ako ni Doktora. Nang makita ko 'yung result ng gender ng kambal ko, halos maiyak ako sa sobrang tuwa. Napayak din ako kay Doktora sa sobrang saya. Siguradong magiging okay na ang Lucas ko kapag nalaman niya ito.

*****

Pagkarating sa bahay, hindi maalis sa mukha ko ang mga ngiti ko. Sobrang saya ko lang at ayaw ko ng negative vibes ngayun. Marahan akung napaakyat ng hagdan at tinungo ang kwarto namin. Pagbukas ko palang ng pinto, sumalubong na sakin ang nagkalat naming mga gamit. Agad kung nabitawan ang gamit ko at tinungo ang banyo dahil rinig ko pa ang lagaslas ng tubig na pumapatak sa marmol na sahig ng banyo namin. Pagkabukas ko palang ng pinto, bumungad na sakin ang tubig na may halong dugo. Naranta ako agad at binuksan ang glass door. Bumungad sakin ang Lucas ko na nakaupo sa loob bathtub at yakap ang mga tuhod nito habang nakayuko. Hindi na ako nag-atubili pang magsalita, bagkus ay pumasok din ako sa loob ng bathtub. Pansin kung may dugo sa pader at sa dalawa niyang kamao. Pareho na kaming basa pero wala na akung pakialam doon.

"Hubby, bakit?" Punong pag-aalala kung tanong sa kanya.

Napaangat naman siya ng tingin sakin. Laking gulat ko ng bigla niya akung yakapin at napahagulhol ng malakas na para bang isang batang paslit. Napaiyak narin ako dahil sa ikinilos niya.

"Hubby..." Untag ko ulit.

"I...swear...to god! I...never cheated..you..." Paulit-ulit niyang sinasabi habang napapahikbi.

Pinatay ko muna 'yung shower bago nagsalita.

"Tell me what's wrong..." Umiiyak ko naring tanong. Ito ba ang dahilan kung bakit masiyado akung kabado kanina?

"I never cheated you Maggie. I swear to god! I love you that much!" Sagot niya pa habang panay ang agos ng mga luha niya. Kinakabahan ako, at the same naaawa ako at nag-aalala sa kanya. Ito ang unang beses na naging ganito siya.

MY HANDSOME HUSBAND [MR. TAXI DRIVER] BOOK TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon