KURT CRISTIAN POV:
"Mukhang may lakad yata ngayon ang gwapo slash maganda kong kapatid ah!" napailing nalang ako ng marinig ko ang mapang-asar na sabi nitong kapatid ko, na hindi yata nagsasawa sa kaka-kain ng ice cream na ginagawa niya pang ulam.
"You look sexy on that, saan ang punta mo?" napabaling naman ako sa kakapasok palang na pinsan kong si Vandross. Mukhang nagkasagutan na.naman ito at ng Dad niya kaya siya naligaw dito sa bahay namin.
"It's Pamela's birthday, she invited me. Actually lahat tayo ininvite niya, ayaw niyo bang sumama sa'kin?" and to answer my question, magkasabay pa silang napa ARGHHH sabay takip ng unan sa kanilang mukha.
Pamela is our spoiled brat cousin, at ayaw ng mga ito sa ugaling meroon si Pamela kung kaya't sila nalang ang gumagawa ng paraan upang hindi lang nila ito makita o makasama.
Actually ayaw ko rin sa ugaling yon ni Pamela, and ayaw ko rin sana ang dumalo sa birthday party niya. But she told me something that caught my interest. She invited my ex-boyfreind at hinahanap daw ako nito.
It's been a year since our break up at masasabi kong naka moved on na ako sa kanya. The reason why I agreed to go to this party is that, gusto kung makita yong ex ko ng harapan para maconfirm ko talaga na wala na, that it's over between us. Na tuluyan na nga talaga akong naka moved on sa kanya.
Lahat napatingin sa'kin pagkababa ko palang sa kotse ng kapatid ko. Envy and admiration were visible in every one's eyes as I walk pass on them. I'm wearing a simple baby pink bluose and black skirt with pointed high hills. A not so thick make-up at pinusod ko ang hanggang balikat kong buhok at hinayaang may ilang hibla ang maiwan upang mas magandang tignan. Yes I'm a gay, and I have the body similar to those girls dancing in the dance floor.
"KC I'm glad na pumunta ka dito!" patiling salubong sa'kin nitong pinsan ko sabay hila sa'kin patungo sa mesa ng mga kaibigan niya.
Walang patid ng batian at pagpapakilala ang bawat bisitang pumupunta sa mesa namin na medyo ikinaiinis ko na lalo pa at hindi ko pa nakikita yong ex ko dito.
At dahil medyo nabobored na akong makinig sa usapan nila Pamela, tumingin-tingin nalang ako sa paligid upang libangin ang sarili ko. At sa kakatingin ko sa paligid, aksidenteng napatingin ako sa isang table na meroong babaing mag-isang naka-upo dun habang nakatingin sa dance floor.
Hindi ba siya nabobored sa panunuod ng mga bisitang sumasayaw? She's not even drinking anything, nandun lang siya at nakatingin sa gitna ng dance floor. Kung gusto niya ang sumayaw, what's stopping her?
Dali kong inabot yong basong may lamang alak ng tumingin yong babae sa harapan dahilan upang mapa sideview siya sa gawi namin dahil nandito kami sa may sulok.
She's beautiful.
Napasimangot pa ako ng may biglang lumapit ditong babae at may kung anong sinabi sa kanya na ikinatawa nito. At hindi nagtagal, nagtungo yong babaing bagong dating sa may dance floor at may hila-hilang babaing sige pa rin sa pagsayaw kahit halatang pinapagalitan na ito ng babae na bumalik sa table nung isang babae..
While the girl earlier, she's just staring at the two with a gentle smile on her face.
"Ano namang nakakatawa dun sa sinabi niya?"
Gulat na napatingin ako sa mga kasama ko dito sa mesa ng may inis sa boses na tinanong ako ni Pamela.
"Sorry, what is it again?"
YOU ARE READING
Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)
General Fiction(BEST FRIEND SERIES#1) Turning eighteen and on her last year as a highschool student, Arcenith Demitrio thought about having a good time for herself. But this 'good time for herself' turns out to be stressful and roller coaster ride for her as she s...