"Sir Key-" Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay inunahan na ako ni Sir sa pagharang nito sa kanyang palad. He knows what I'm going to ask again and I couldn't help but feel embarassed. Alam kong nakukulitan na siya sa'kin pero gusto ko lang naman malaman ang totoo at maisigurado na wala talaga siyang alam.
"Chenee, I'm sorry. I know you're just curious. But I don't have any idea at all. Hindi ko siya kilala. Hindi ko rin alam ang sinasabi niya tungkol sa University." He said, frowning. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang balikat ko bago magpatuloy, "Listen. If I were you, I wouldn't bother to think about it anymore. Maguguluhan ka lang kasi. Besides, wala pang matinong sasagot sa mga tanong mo cause everybody else is just busy finding their destiny while staying here. Kaya 'yon nalang din ang gawin mo habang nag-aaral ka. Understand?"
Nakipagtitigan pa ako sa kanya, assessing if his eyes were sincere enough to let me terminate this conversation and they were, which is kinda disappointing. Akala ko mapipilit ko siya sa pagkakataong ito pero mukhang hindi niya talaga ako mapagbibigyan. I removed his hands and feigned a smile as I answer, "Yes, I understand Sir."
Matapos i-pat sa ulo ay iniwan niya ako sa hallway. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa lumiko na ito at 'di ko na nakita pa. "Siguro nga, hindi ko na dapat puyatin ang sarili ko sa kakaisip tungkol sa nangyari the other day. Pero..." Bago pa madugtongan ang pero na 'yon ay kaagad akong umiling at sinundan ng mahinang pagsampal ang magkabilang pisngi ko.
Please get over with it, Chenee. It has nothing to do with you kaya huwag mo ng pakialaman, okay?
I let that thought sink into my head for a few seconds before I turned around to go back to our classroom. Mag-aalas tres na and my next class will start soon.
*~*
"You don't mind, right?" Hindi talaga siya nagtatanong. Her smile is making it obvious that I really don't have a choice. "Chenee?" her wide eyes were looking straight at me, waiting for my answer.
"Even if I do, may magbabago ba? Nalipat niyo na eh," walang pagdadalawang isip kong sagot sa kaniya bago siya iwan don ng nakanganga. Shut your mouth please. Baka pasukan ng langaw.
One thing I hate about staying here in the dormitory inside the University is that I have to deal with that caretaker's attitude. Pakialamera, tsismosa, at higit sa lahat, pinaglihi siya ng nanay niya sa plastik. Grabe! She is so good in entertaining rich guests, rich students, pati na ang mga admin ng University pero pagdating sa'min? It's the total opposite.
Pumanhik ako papuntang third floor at dumiretso sa pinakadulo na kwarto - room 13. Ito 'yong pinaglipatan niya ng mga gamit ko without having my consent. Ibinigay niya kasi sa isang panibagong rich kid ang naging kwarto ko for the past three years. Hindi man sosyalin 'yon pero sa sobrang linis non ay hindi na ako nagtaka na 'yon ang in-offer niya sa bagong salta. Nakakabwisit nga lang talaga. Matapos kong linisin ang maalikabok na kuwartong 'yon and give it colors, bigla nalang niyang ibibigay sa iba porke't mayaman 'yong isa?
I sighed heavily. Tinitigan ko pa ng maigi ang pinto bago ikutin ang hawakan nito. Sa pagpasok ko ay kaagad kong sinuri ang buong kwarto, taking into account everything that's in there. Gusto ko lang masigurado na lahat ng gamit ko ay nailipat. "Buti't inayos niya," nasabi ko nang makitang hindi lang niya basta-bastang tinapon dito ang mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
DESTINED
FantasyNagkalat ang mga pamahiin sa Academic Fantasy University (AFU), karamihan nito'y tungkol sa paraan kung pa'no mo makikilala ang taong nakalaan para sa iyo. The school has its magic that simply leads the students to their destined one. But are all th...