Chapter Five

4.1K 170 29
                                    

"A wide grin on your face which is kinda unusual for you especially these past few days. May kailangan ba akong malaman, Chenee?" Isang mapanuring tingin ni Jazz ang bumati sa akin nang maupo ito sa tapat ko. May dala siyang platito na may lamang isang slice ng chocolate cake at isang orange juice. She cut a small part of its edge and ate it without taking her eyes off me.


Tumingin naman ako sa paligid bago kunot-noong tumingin sa kanya, "Hindi mo kasama si Liza?" Nakakapagtaka lang. Kung nandito si Jazz paniguradong nasa malapit lang din si Liza. Ganyan sila ka-close to the point na aakalain ng iba na magkapatid silang tunay. They never left each other's side for I think thirteen years? Yes, thirteen long year! Nagsimula raw kasi ang kanilang friendship noong Grade One pa lang ang mga ito.


"Umuwi siya kaninang madaling-araw sa bahay nila. Ikakasal na Ate niya ngayong alas diyes ng umaga so she has to be there." sagot nito, slicing the cake once again. She looked up at me once again and smiled, "Now, can we go back to my question? Bakit ang saya mo yata?"


Inubos ko ang natitirang pineapple juice sa baso ko in one gulp bago siya sagutin, "Simple lang. Nathan Jan Gomez is dead. I got my revenge."

Napansin ko naman ang pagtaas ng kilay nito at ang pagbaba niya ng kanyang tinidor. "Got your revenge?" She paused, then continued. "It's not like you've been harrassed by him. Hindi nga natin siya naabutan na nagtatrabaho dito sa AFU."

Hindi sinasadyang nakagat ko ang aking labi. Oh, right! Matapos ang nangyari kahapon sa panahon nina Kervin, everything in our time has been changed. Nakakakulong na siya by the year 2005 which means hindi na namin siya naabutan ng mag-first year kami. Ni hindi na nga namin ito nakita ng personal dahil nasa kulungan na ito.


I mentally slapped myself and find a convincing excuse, "Jazz, don't you feel sorry for those innocent girls he has harrassed? Ako kasi, simula ng malaman ko ang kaso niya, anger filled my heart. I can imagine the trauma each of those girls experience every night or every single time they see him as if I have also experience them myself at hindi ko napigilan noon na sabihin sa sarili ko na dapat maghiganti ako para sa kanila." I paused, then continued, "Though, it seems fate did the work for me."


Napatigil lang siya saglit para titigan ako bago sumubo ulit. She looked away then, back to me. Ngumuso siya sa isang direksyon kaya nilingon ko ito. I saw a girl. I knew her. Isa siyang panibagong first year student. Nasa may pinto siya ng canteen at hindi siya makapasok. May isang grupo kasi ng mga babaeng nakaharang sa dadaanan niya. And in a split second, a cake was dropped on her. Kasunod nito ang pagpapaligo sa kanya ng ilang baso ng juice. Malakas ang mga tawanan ng mga nakasaksi sa nangyari, isali pa ang nagbebenta dito sa loob ng canteen.


"Sh*t! What's so damn funny and why don't they stop them?"


I stood up but went back to my seat again when Jazz forced me down. "Huwag kang makikisali, Chenee. Matatalo ka lang sa katwiran nila."


Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napataas ang kilay. What does she mean? May any valid argument ba para mang-bully ng ibang estudyante?

And as if she read my mind, she answered my question with sympathy painted on her small face, "Anak siya ni Nathan."


Natigilan ako. My jaw dropped open. Nilingon ko pang muli ang pinto ng canteen pero wala na siya roon. Tanging mga nagtatawanang mga estudyante ang nakikita ko who are now back to their business.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon