Chapter Twenty Two: 1st Ending

2.6K 109 13
                                    

Panandalian kong nakalimutan ang larong nakaukit sa pinto ng aking aparador nang ako’y magbihis na para sa pagkikita namin ni Kester mamayang gabi. Mas importante kasi para sa’kin ngayon na makita ko siyang muli. I missed him so much. Lagpas tatlong linggo ko pa naman hinintay ang araw na ‘to. At alam kong ang pagkikita naming ito, kung dumating man siya, ay ang tanging makakatapal sa butas na nabuo dito sa puso ko nang iwan ko siya.

Iniisip ko rin, though I’m not really getting my hopes up, kung sakaling magiging maganda ang resulta nang pagkikita naming muli, ay hindi ko na kakailanganin pa ang aparador para makita siyang muli. Pwedeng pwede ko na siyang tagpuin kahit anong oras at kahit saan sa panahon kong ito. Sa madaling salita, magiging normal na ang lahat ng pagkikita namin. No more unknown magic in between. No more lies to be told.

Umalis na ako ng dormitory nang hindi nagpaalam ni nagpakita sa mga kasama ko. Alam ko kasing uusisain nila ako sa kung saan ako papunta dahil sa suot ko ngayon at hindi ko alam kung kaya ko pang makapag-isip ng kasinungalingan ngayong kinakabahan ako ng todo-todo.

Sumakay ako sa front seat ng AFU jeepney. Napatitig pa nga si Kuya Driver sa’kin ng ilang sandali bago paandarin itong muli. Hindi ko nalang siya pinansin. Imbes ay itinuon ko lang ang tingin ko sa harap habang hinihila-hila ang manggas ng suot kong damit. This is that same off-white dress I wore during our monthsary celebration. At alam na kung bakit ito na naman ang suot ko. I don’t have any dress apart from this.

Matapos nang ilang minuto ay bumaba na ako ng jeep. Nilakihan ko pa nga ang mga hakbang ko para madali akong makalabas ng premises dahil pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante na mukhang may mga Saturday night classes pa.

Gano’n ba ka weird tingnan ang isang babaeng madalas lumalabas ng naka tshirt at maong pants lang na biglang isang araw naka dress na?

Kahit si Manong Guard na nasa guard house niya ay nakangiti pa akong sinalubong sabay tanong, “May boyfriend ka na, iha?”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa tanong niya pero dahil mukhang sinsero naman siya sa kanyang tanong ay sinuklian ko nalang siya ng isang ngiti bago tuluyang humakbang palabas ng school grounds.

Domoble na ang pintig ng puso ko. Nasa labas na ako, eh. Kitang-kita ko ang usok na binubuga ng mga pamapsaherong jeep na nagdaraan. Amoy na amoy ko rin ang iilang street food na niluluto ng ilang mga Ale dito sa labas mismo ng paaralan. Ramdam ko na rin ang pagdating ng gabi sa dami nang nakailaw na gusali sa paligid.

Ipinahid ko ang namamasa sa pawis kong mga kamay sa likod ng aking suot na damit saka ko tiningnan ang aking wristwatch na hinanap ko pa talaga para sa araw na ito.

5:44 pm.

I was a bit early. Pero okay na ‘yong maaga, kaysa huli. Basta nandito na ako at ilang minuto nalang ay malalaman ko na kung maaari ko pa bang ibalik ang nakaraan.

Pinigilan ko ang aking sarili na lumingon sa buong kalsada. Itinuon ko lang ang pansin ko sa suot kong kulay puti na doll shoes habang hinihintay na tumunog ang relo ko sa pagsapit ng alas sais.

Panay pikit ko rin sa aking mga mata at iniisip na magiging okay lang ang lahat para kahit papano’y mabawasan ang kabang nararamdaman ko. I’ve never been this nervous in my entire life!

Muli kong sinilip ang relo ko. 5:46 pm. Dalawang minuto pa lang ang lumilipas? Bakit ang bagal naman yata ng takbo ng oras?

Mukhang napansin naman yata ng Aleng nagtitinda sa tabi ng kinatatayuan ko na may hinihintay ako kaya inalok niya ako ng upuan. Gusto ko mang tanggapin ito ay maayos ko nalang siyang tinanggihan dahil alam kong mas lalo akong ‘di mapapakali kapag nakaupo ako.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon